Pahina 34

1.1K 60 23
                                    

Nakakatakot maging masaya

Hindi ako naka-imik. Hindi ko siya masangayunan, hindi ko mabigay ang gusto niyang sagot... dahil hindi naman ako basta makaka-oo. Masyadong maraming nangyari, maraming desisyong ginawa at maraming tao ang apektado para mag desisyon ako na... oo... sige... dahil mahal niya ako at mahal ko siya, kalimutan na namin ang lahat.

I can't do it.

Pero hindi ko rin siya matanggihan. The sorrow I am seeing from him haunts me to the core.

Mahal na mahal ko siya.

I know I have hurt him so much but to see hurt... this close...

Hindi ko kaya. Lalo na kung siya ang nasasaktan.

We remained sitting there. Nakahilig kami pareho sa mga upuan namin. Mapupungay ang mga mata niyang nakatuon lang sa akin. I selfishly did it too. Noong una ay panay ang sulyap ko sa labas pero ngayon...

My eyes were fixated on him. I miss him... I really do.

Iyong clean cut niyang buhok, ang singkit niyang mga mata, matangos na ilong at maputlang labi... na kapag dinilaan niya ay kay gandang mamumula. He incredibly looks good, lalo na kapag... pormal na pormal siya.

I always see him as a good business man and I must say he was born for it. He looks best in it. Pero maliban doon, ang pinaka namiss ko... his presence. Kahit noon pa man, napakagaan na ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. My heart beats wildly but he makes me forget about the things that confuses me... and when I say confuse... iyon ay ang buong mundo ko.

He makes me feel I could depend on him. Bagay na hindi ko magawa-gawa basta. There are so many people expecting from me, maraming nakasandal, maraming... nanunuod sa galaw ko, kahit noong nakatago ako... alam ko na hindi ako nilulubayan ng mga nag mamasid, the Lims will surely flip when they find out I am out from hiding, ang mga Tan naman, hindi ko na rin alam anong tumatakbo sa isip nila. Maybe, okay na? Tutal engaged na siya sa iba?

Pero ga'non pa man... masyado ng matagal. Nasanay na ako na... mag-isa. Iyong kahit ang dami kong kasama, mag-isa pa rin ako sa mga iniisip ko.

Physically I am surrounded by many people but in my head... I am alone.

But he can change everything just by being with me. Like this. Nakaupo lang, kahit hindi nag sasalita. We're just breathing silently, listening to the rough waves of Subic, his hands lightly touching the ends of my fingers.

Sa ganito, I feel like he's carrying the weight of the world for me. I don't want him to bear it alone but... he makes it seem so easy. Ga'non ang demeanor niya. He doesn't just look reliable. He is reliable.

"Nakapagpa-book na ako sa Liwa. I booked a Teepee Hut like you want? Beachfront." Napapaos niyang sabi.

Medyo mas lumapit ang kamay niyang nakahawak sa dulo ng mga daliri ko. His fingers were warm, very opposite of my cold hands right now.

Kanina pa siya ganito. Iyong parang nakukulangan siya sa lahat. Hindi siya nakukuntento. He will give me a passing look but then will look at me intensely. He will lightly touch me but then will hold me more.

He does this with so much constraint and... thirst.

I make everything easy for him. Kapag lumalalim ang tingin niya, I will lean a little bit more. When he wants to hold me more... I will extend my hand more.

Marahan akong tumango at marahang ngumiti.

He sighed after my smile.

"I texted Anton too."

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon