Camiguin
"Ganda! Anong agahan niyo ngayon?" Ngiting bati sa akin ng tindera habang nakatungo ako sa mga bagong lutong pagkain.
"Magandang umaga ho... uhm..."
Tinuro ko ang mga o-orderin ko.
"Dalawang order po ng kanin, isang order ng hotdog, dalawang order po ng itlog at dalawang order po ng ham."
"Sige, upo ka na muna roon, ihahanda ko lang. Buena mano kita ngayong araw."
Napangiti ako. "Sana po makarami kayo."
"Talaga! Sa ganda mo ba naman, talagang se-swertehin ako, Sienna!"
Wala sa sariling napahawak ako sa maiksi kong buhok. Napangiti ako at napailing nalang para maibsan ang pagkahiya.
"Maraming salamat po Aling Celia, upo muna po ako..." pag takas ko.
Tinungo ko ang pinakamalayong lamesa para makaupo. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang lahat ng pumapasok at lumalabas. Tanaw ko rin ang pausbong na araw, it wasn't very hot today, katatapos lang ng summer kaya tama lang ang temperatura.
I saw my reflection from the small mirror hanging on the left wall of the store. Muli akong napahawak sa aking buhok. Nagugulat pa rin ako tuwing nakikita ko ang mga pag babago sa akin sa nag daang dalawang taon.
I am now short haired, may bangs pa nga dahil gusto ni Willow na pare-pareho kaming may bangs ng pamangkin ko. I am now tanned skin, hindi na nagawang bumalik ng kulay ko sa dati sa dami ng exposure ko sa araw. The nearby islands, my work here, and the beauty of exploring Camiguin made me love my tanned skin.
Iba na rin ang mga sinusuot ko, I was used to dressing up back then... but now, I loved being simple and laid back. I am only rotating with my basics. Sando palagi ang pang itaas ko, sa pang ibaba naman ay minsan shorts o hindi kaya mahabang palda. Then I'll finish my look with my reliable slippers.
Pero sa kabila ng mga pang labas na pag babago, I know a lot has changed inside me too. Numerically speaking, two years... is a short amount of time to probably change so much. But for me, it felt a decade already.
Marahil ay dahil ibang iba ang buhay naming ito sa buhay namin noon. Wala na kaming pamilya na sumusuporta sa amin, wala ng sasagip sa amin kung sakaling magkamali kami ng desisyon, our decisions every day are weighed with us.
No one gave us special treatment, no one to drive us around, no one to do things for us, all this may seem small and simple, but... living with all those served in front of us on a golden plate ever since our eyes opened to see this world... and then removing all those at the same time... buried our feet on the ground.
Pagkatapos manganak ni Willow ay pinakiusapan na namin si Anton na 'wag na mag padala ng pera. Lalo na at nag ta-trabaho na ako 'non sa foundation ng mga Lopez. I was earning enough for me, Willow and her child. Bumukod na rin kami at hindi na tumira sa mga Lopez, nag renta kami at may isang taon na kaming nakatira roon.
Although my earnings are much less than my actual allowance from my parents before, hindi naman kami hirap na hirap dahil simple lang ang pamumuhay dito. Extracting our lavish lifestyle before, kayang kaya ng kinikita ko ang pang araw-araw namin. Sakto lang talaga pero masaya kami na nararaos kami hanggang sa makapag desisyon kami sa mga susunod namin na gagawin.
Ngayon ay may trabaho na rin si Willow pero hindi sa mga Lopez. Kahera siya sa isang kainan sa may tapat ng airport. Sinusubukan pa lang niya lalo na at mag dadalawang taon na rin niyan ang pamangkin ko. Ayoko pa sana siya mag trabaho dahil sapat pa naman ang kinikita ko, pero nang sabihin niya sa akin na gusto niyang matuto para sa kanila ng anak niya ay hinayaan ko na.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.