Pahina 2

1.5K 54 8
                                    

Irritated and disturbed

Naging mabilis ang mga araw lalo na dahil abala kami sa pag hahanda sa mga gagawin namin sa Taiwan, marami rin nagaganap sa pamilya namin na hindi ko pa lubusan nalalaman. I just know that there is something happening within my family, mom's side, dahil laging dumadalaw ngayon si mommy at daddy sa Madrigal Construction.

Napagpasyahan namin ng mga kaibigan ko na lumabas at mag dinner mamaya bago ako pumuntang Taiwan, I think Willow's family will go to Thailand a week after her birthday party? Sina Koa naman ay nag babalak sumama kay Anton sa Camiguin.

Anton's whole family, the Lopezes, loves Camiguin so much. Dito ata nagkakilala ang parents ng grandparents niya? I forgot the whole details but it was a very touching story and a little tragic too. That's why kahit laganap na sa buong bansa at sa labas ang koneksyon at kayamanan nila ay karamihan ng mga ari-arian nila, lupain, resthouses, at kung ano-anong investments ay naroroon.

Dinadala niya rin kami roon tuwing summer, tuwing bago matapos ay paniguradong doon kami mag ba-bakasyon, may kailangan lang ata siya asikasuhin doon at walang gagawin si Koa kaya sasama siya. Besides, we love it there! Napakabait ng mga tao at tanggap na tanggap kami roon!

We are literally babied whenever we're there! Koa will surely be pampered by the Lopezes there!

I wore a simple olive green romper, no sleeves. Ni-suot ko ang gold necklace na regalo sa akin ni mommy at daddy noong huling recognition day sa university, it has my name on it, 'avery', in cursive. I let my hair loose this time, didn't even bother curling it tulad ng lagi kong ginagawa, hinayaan na bagsak lang at sinuklayan.

Nag lagay ako ng manipis na blush on, a little bit golden in tone and for my lips— I used my humble colored lipstick from a brand me and my friends love.

I wore my black gazelle shoes to be comfortable. I grabbed my phone to check any messages at nakitang may iilang mensahe na sa aming group chat. Naroroon na sila sa kung saan kami kakain. May mahabang area sa may bonifacio global city na pag mamay-ari ng kaibigan ni Gabriel.

He owns various bars and restaurants in that area, parang kalaban niya lang din ang sarili niya. I heard, Gabriel will try to partner up with him although may isang bar na sila na ang magkasosyo roon.

I messaged them.

avery: paalis pa lang ng bahay :) see you guys!

I sent them my location, tulad ng nakagawian para maiwasan ang pag sisinungaling na papunta na kahit hindi naman.

Normally it's Gabriel and Koa who use the line 'papunta na' pero naliligo pa talaga.

So we came up with the idea to share our location bago magkita-kita para sigurado.

I went downstairs to see my brother drinking coffee while working on his laptop.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Work. May pinapagawa si daddy. Ikaw? Saan ka pupunta?" Aniya nang saglit akong tapunan ng tingin.

Napangiti ako. "Sipag naman ng kuya ko!" I teased him but he just scoffed.

"Saan ka nga pupunta?" Pag-uulit niya!

Napaka-sungit talaga nitong si Kuya Archer. I worry about him! Baka hindi magka girlfriend ito sa kasungitan niya! I should look for a prospect for him already, huh?

"Dinner with my friends, kuya. Nagpaalam na ako kina mommy and daddy. I'll just bring you pasalubong okay? Don't be so grumpy, sige ka, hindi ka magka-girl friend niyan!"

Mabilis niya akong sinamaan ng tingin na kinatawa ko naman! He looked so damn irritated and pissed about what I said! Oh no! Did I hit a button? Ano naman kaya iyon? Don't tell me may ni-popormahan na itong kapatid ko?

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon