Pahina 48

1K 54 12
                                    

Home

"So... si Ms. Laurel ay kaibigan ni Tito Richard?" Tanong ni Willow na naguguluhan pa rin sa buong kwento.

Tinuloy ko ang pag sasandok ng itlog para kay Tob. He was still half asleep, puyat na puyat at napipikit pa. Sa sobrang antok niya ay hindi na ata nahihiya sa mga kaibigan ko!

He's seated very close with me, dikit na dikit ang upuan, ang kaliwang kamay ay nakapatong sa sandalan ng upuan ko habang ang ulo niya ay pilit niyang sinisiksik sa leeg ko.

Hindi ako makapagreklamo dahil alam kong napuyat siya sa pag-aalaga sa akin. He came home late, tired from all the chaos that happened and yet... we still did it... which by the way is the most tiring thing I ever did in my life! At... pagkatapos non ay inalagaan pa niya ako!

"Hey... umayos ka ng upo, mangangawit ka nyan..." bulong ko habang sinusunod na lagyan ng kanin ang pinggan niya.

"Mhmm..." tanging tugon niya.

Koa was looking at us, wide-eyed.

Nakatulala talaga siya sa amin. Magulo ang buhok. May bakas pa ng pagkakahiga sa kama mula sa pisngi niya. Mukhang bagong gising at mukhang puyat din. Tinatanong siya ni Willow pero hindi maalis ang tingin niya sa amin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Ehem..." pag tikhim ko.

"I am not sure about that, Low. Parang magkaibigan sila kung mag-usap kagabi pero nakakapagtaka naman na hindi ko alam... at hindi pa siya napakilala ni dad sa amin?" Ako na ang sumagot.

"But it's the first time I saw Tito Richard so stunned he couldn't speak. Like... he couldn't say something to counter Ms. Laurel's word. Sino mag-aakala na may taong kayang magpatahimik kay Mr. Zobel?" Ani Anton na kalalabas lang mula sa kusina at hawak-hawak ang isang malaking pinggan na may lamang bagong luto na bacon.

Napatingin ako kay Koa na nakatulala pa rin sa amin ni Tob. Bukas-pikit ang mga mata. Namumula ang kanyang pisngi.

He's so weird.

"Hmm... ano kasi ang sinabi?" Tanong ni Willow.

Napabalik-tanaw ako sa mga nangyari kagabi.

Sa totoo lang, ayaw ko ng balikan. Pero ang makasama ang mga kaibigan ko ngayon, ang mga nangyari kagabi sa amin ni Tob, lahat ng pagmamahal na mayroon ako ngayon sa tabi at harapan ko, definitely... empowers me.

"This is what I keep on saying to you eversince we were kids, Chard. You're so..." She trailed her words with so much sultriness that you won't have a choice but to wait and pay attention.

Napatingin ako kay daddy na naka-tiim bagang habang si mommy ay puno ng pag-aalalang nakatingin kay daddy.

"Square." She dropped.

Square?

Napalingon ako muli sa kanya. Her eyes rolled as she sarcastically giggled a bit.

"You always play safe. Masyado kang... naka-libro."

"To keep me and my family safe, El—"

"Don't. you. dare. call. me. that. Chard." Mariin na banta ni Ms. Laurel kay daddy.

I almost felt literal shivers traveling from my nape down to my spine. I have never met a person with so much authority in her voice, the way she delivers herself, kahit hindi mo siya kilala ay mapapayuko ka, kakabahan ka at talagang... kung ikaw pa ang puntirya niya— manghihina ka.

It was dad's turn to laugh sarcastically this time.

Dad...

I never saw him this way before.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon