Big boy
"Ser, ngayon lang po namin kayo nakita rito? Empleyado po kayo ng Zobel?" Tanong ni Mang Boy, janitor ng Helping Hands.
Kumakain na kami ngayon kasama ang ibang natirang staff at mga maintenance ng foundation.
Nakatabi siya sa akin, parang batang kumakain sa tabi ng kanyang mama. Tahimik lang, tuwid ang pagkakaupo at mataman na nakikiramdam sa paligid. I never thought I will see him like this, very calm and like a baby. Halatang hindi siya sanay sa ganito.
Far from his luxurious office, hotels and environment, huh?
Baka maturn-off ka niyan sa akin, Tobias? Edi... maturn-off.
Napaawang ang kanyang labi at napatingin sa akin. Tila hindi alam ang isasagot. His chinito eyes were asking for help. He is definitely being a baby now!
I raised an eyebrow and smiled.
Cut your tongue, Tob? Bakit nga ba nandito ang hottest bachelor ng bansa?
"Uh..." he started.
Tumikhim ako at bumaling kay Mang Boy.
"Isa po siya sa mga nag donate, halos sa donasyon niya po nakuha ang pang bili ng mga bagong machineries natin." Pag sagot ko para sa kanya.
"Ay! Naku, ser! Maraming salamat po!" Pag papasalamat ni Mang Bry.
Nag tanguan ang ilang naroroon.
"Oo nga po! Pinag buhat pamo kayo ng mabibigat na paso kanina!" Nakaka eskandalong alala ni Aling Beth, isa sa mga cook.
"At nasugatan pa!" Ani ng isa pa sa mga staff.
I chuckled and looked at him so shy right now. Namumula ang kanyang mapusyaw na pisngi, umaabot hanggang sa kanyang tainga. Mas lalo akong natawa ng mahina habang pinagmamasdan siya. The attention was all on him, probably making him embarrassed.
Hindi ka pa sanay, Tob? You can easily get all the attention you want even without doing anything!
He smiled and nodded. "It's okay. I am okay. Wala po kayong kailangan alalahanin. Gusto ko pong tumulong." Aniya at sumulyap muli sa akin.
Napainom ako ng tubig at muli lang siyang tinaasan ng kilay.
Tulong? One hundred million ba naman ang donasyon!
"Naku ser! Wag na po kayong tumulong mamaya at mag pahinga na kayo. Baka masugatan kayo uli!" Ani Mang Boy.
Tila naalarma siya sa narinig.
"Hindi. Tutulong pa rin po ako mamaya. At kung ayos lang ay... dito rin ako kakain... pagkatapos." May kabagalan niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Tulong na tulong, hah? Ayaw paawat. Tapos masusugatan lang din.
Hay naku.
"Uh..."
Sabay-sabay silang napatingin sa akin, parang... nag hihintay din ng sagot mula sa akin?
Anong mayroon? At bakit sa akin nanghihingi ng sagot ang mga tao?
I stifled a smile and nodded. "Ayos lang po sa akin. Siya po ang bahala."
I heard him sigh beside me.
"Boyfriend niyo po ba siya Ms. Avery?"
Halos mabitawan ko ang baso ng tubig na hawak ko!
My heart raced!
B-boyfriend?!
Mabilis akong umiling-iling at tumawa ng kaunti para matakpan ang kaba sa puso ko!
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
Lãng mạnTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.