let go
"Si Criselda Laurel ang dahilan kung bakit may ball na ga'non. Her parents adored her so much that they named that ball after her. The vision of that ball before was for building good connections and relationships between people in the business. It serves a night to enjoy, help and reap the good part of being in the business. Some even find long term friendship and... love there..."
"But, something happened. Walang may alam kung ano. Tinago o hindi kumalat? Walang may alam pero hindi na muling nag attend si Criselda Laurel sa ball ten years ago... hanggang ngayon. She refused her name to be used too, hence... naging Laurel Ball nalamang ito."
Anton's voice echoed inside my head.
This is her...
She's...
Astonishingly... incredibly... very beautiful.
Her skin was flawless, lips perfectly drawn, her eyes are like pearls, gugustuhin mong titigan ng matagal sa ganda, ang kanyang buhok ay naka low bun— adding to her regal look.
"What are you doing here, hija? Hindi mo ba kasama ang parents mo?" Anito.
Napailing ako at tipid na ngumiti.
"I am actually waiting for someone..."
"Hmm?"
Napalingon siya sa akin.
"Dito?" Muli niyang tanong.
Saglit akong natigilan bago tumango.
Napaiwas siya ng tingin. For a bit, tila nawala ang lamig sa ekspresyon niya pero mabilis din iyon nanumbalik. Mapakla siyang ngumiti at tumango.
"Papasok na ako. I hope you enjoy the ball." Her cold monotone voice said.
Tumango ako at pinanood siyang lumakad palayo. Even her steps were calculated and graceful. Sumusunod sa hangin at lakad niya ang gown niya. Tuwid na tuwid ang tayo, parang naka-ensayo ang bawat hakbang. Taas-noo. Hindi abot kamay. Kalmado siya pero ang hangin sa paligid niya ay tila puno ng tensyon.
"Hey..."
I felt a warm hand around my waist. Napaka natural 'non doon. Inikot ako at mabilis na sinalubong ng yakap. Sa kabila ng lamig ng paligid ay agad nilukob ang puso at katawan ko ng mainit na yakap.
Wala sa sarili na napabuntonghininga ako.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
Kumalas siya sa yakap at hinarap ako.
I reassuringly smiled at him. "Oo naman. Nandito ka na 'eh..." lambing ko.
I took a good look at him. Mula ulo hanggang paa. Sanay na sanay naman ako na makita siyang pormal. Tulad ng lagi kong sinasabi, parang ito ang normal na gayak niya, at tuwing naka kaswal siya... iyon naman ang kakaiba para sa akin. Pero hindi ko pa rin mapigilan mamangha tuwing nakikita ko siyang naka postura.
He looks his best wearing his suits. Napakagwapo. Ang sarap titigan ng matagal. Like no matter how many powerful people are here, you will really notice him because of the aura he exudes. Nakakadagdag pa na parang hindi niya alam 'yon. He's just... being himself, not trying hard, pero ang napakalakas niyang tignan.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomantizmTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.