Pahina 28

1.2K 65 43
                                    

Tayo na ulit

"Punta na kayo sa pick-up point, I'll just take this call, nandoon na ang susundo sa atin." Ani Anton.

Tumango ako. "Okay," I smiled a little.

Kaka-touch down lang namin sa Maynila. I grabbed my luggage and Willow's.

"Avery! Ako na," alma ni Willow.

I shook my head. "Buhatin mo na si Ina. Baka mawala pa 'yan dito."

She pouted and did just that. Binuhat niya ang pamangkin ko na mukhang inaantok dahil hindi mapirmi ang mga mata sa pag pikit at pag bukas. Such a cute baby. Unang beses nitong mag byahe ng ganito kaya paniguradong napagod.

"I am sorry, ikaw na naman ang mapapagod." Aniya.

I rolled my eyes and pushed the luggage cart containing both of our luggages. Hindi naman mabigat dahil kaunti lang ang dinala namin sa kadahilanang hindi naman kami mag tatagal dito. May sadya ako at pag nagawa ko na iyon ay babalik na kami sa Camiguin.

"Walang kabigat-bigat 'to, so don't feel guilty anymore. Ang mabuti pa, mauna ka na mag lakad. I'll follow you both, para siguradong nakikita ko kayo."

She smugly smirked. "Yes, Daddy Avery."

I grimaced. "Pwede ba Willow? Tigilan mo ako. Baka gusto mong tawagin ko ang tatay niyan? We're here in Manila, don't forget. One call and he will be at our door."

Napaayos siya ng tayo at tinakpan ang tainga ng anak niya habang ang ulo nito ay nakapatong na sa balikat niya.

"Ang sama mo!" She said through gritted teeth.

I smugly smirked this time. "Oh well," kibit balikat ko.

Her brows furrowed. "May masamang hangin ata ang Manila, I miss the Camiguin-Avery."

Napailing-iling siyang naunang nag lakad. Ako naman ay napahalakhak ng kaunti at sinundan sila mula sa likod. Habang nag lalakad ay hindi ko napigilan ilibot ang paningin ko sa buong airport. It has been a while since the last time I set foot here.

It was still almost the same. May kaunting renovations pero halos iyon pa rin ang itsura. Marami pa rin ang mga tao, maingay, maraming nangyayari at napaka-busy ng airport. I never really bothered giving my attention to such place, lalo na at lagi naman kaming pumupunta rito... I have taken it for granted because I never thought I will feel such nostalgia because of this place one day.

This is a place where people come and go. This was a venue of many people leaving. A place where tears were genuinely shed. A venue that that saw smiles reflecting hope for the day where people who left will come back.

I read somewhere that such place probably saw more tears than any other place... everyday.

"Stay here for a while." Tawag ko kay Willow.

Ni-gilid ko ang luggage cart sa may poste para hindi sila matamaan ng mga tao na abala sa pag hahanap ng kanya-kanyang sundo o hindi kaya sa mga taong nag papasok ng gamit sa mga taxi at kanilang sasakyan.

"Hahanapin ko lang ang sundo natin." Dugtong ko.

Tumango si Avery at bahagyang tinakpan ang mukha ng anak dahil mausok.

I advanced and walked to look for Anton's driver. Hindi ko sigurado kung iyong driver niya pa rin noon ang nag da-drive para sa kanya pero kung inaasahan niyang makilala namin iyon ay baka?

Nang medyo mapunta ako sa mga naka hazard na sasakyan ay natigilan ako. I stopped because I saw a familiar man. Mukhang nauna niya pa akong nakita dahil palapit na siya sa akin.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon