Only to you...
"Please, huwag mo na akong iiwan ulit..."
I stiffened a bit when I felt light feathery caressing on my cheeks. Mula sa mabagal at magaan na pag hinga ay bahagyang bumigat ang puso ko. Damang dama ko ang init ng haplos na iyon, nakakakiliti... at nakakapanlambot.
I heard him sigh and continued to gently stroke my cheeks, just below my left eye.
Kahit nakapikit ako, alam kong malapit lang siya sa akin. Patunay ang mainit niyang pag hinga na nararamdaman ko rin sa aking noo hanggang mata.
I felt him shifted a bit at kasabay 'non ay ang pag pasok ng malamig na simoy ng hangin. Dinig ko ang tuloy-tuloy na pag baba ng bintana ng sasakyan hanggang sa tuluyan ng makapasok ang sariwa at preskong hangin.
Nang tumigil siya sa pag haplos sa mukha ko. Doon pa lamang ako nakapag isip ng maayos.
Nasaan kami? Ito ang unang tanong na pumasok sa utak ko.
Gusto ko imulat ang mga mata ko... pero... pinili kong makiramdam muna. Natulog ako sa byahe dahil gusto ko matakasan ang galit niya kanina, ngayon naman... kalmado nga siya pero ako naman ang problema, paano ko tatakasan ang nararamdaman ko?
"What?" Masungit niyang bungad.
May kausap siya?
"Hindi pa ako uuwi." Aniya.
Huh?
Muntik akong dumilat sa narinig ko!
Hindi pa siya uuwi? Hindi pa kami uuwi?! Hanggang kailan?!
"Basta. Hindi ko sasabihin."
He sighed and hissed.
"Why don't you try to let King track me, huh? Tutal ay alam naman niya ang lahat. Hindi nga siya nag sasabi diba? Sa dami niyang alam, nakalimutan niya ata sabihin ang mga importante?" The sarcasm from his voice was like liquid overflowing a cup.
King? Sino nga ba iyon?
Kumunot ng bahagya ang noo ko sa pag-iisip.
Parang narinig ko na ang pangalan na iyon kung saan?
"Tss. Shut up, Andres. 'Wag mo ng pag tanggol si Kingston. I'll deal with him when I get back. Hindi pa kami tapos."
Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kausap niya si Kuya Andres at may pinag uusapan silang tao na Kingston ang pangalan. Maraming alam? At hindi sinabi ang importante? Ang alin? Ano ang importante na hindi nasabi?
Parang kilala ko kung sino 'yon...
Something in me is telling me that I know him, hindi ko lang matuldukan sa isip ko kung sino nga ba siya.
I quiet down my thoughts while waiting for his next words but nothing came. Tanging malalim niyang pag hinga lang ang naririnig ko at ang malakas na hampas... ng alon?!
Water! I can hear water! Oh shit. I can't open my eyes yet!
I focused and shut down all unnecessary thoughts so that my senses could heightened. Mula roon, lumakas ang tunog ng mga dahon mula sa nag gagalawang mga puno dahil sa hangin. Mas lumakas din ang tunog na galing sa hampas ng alon sa may dalampasigan. I could also smell the scent coming from the salty air.
And... his breathing... ang pag hinga niya ay nasa pinaka itaas na parte ng lahat ng tunog at pakiramdam na iyon.
Tapos na ba? Bakit hindi na siya nag sasalita? Marami bang sinasabi si Kuya Andres? Kung oo, ano kaya ang mga iyon?
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.