Still young
"Hey, gising na..."
I shuffled a bit when I felt someone nudged me. My eyes fluttered before it opened at napaismid ako nang makita ang Kuya ko na nakadungaw sa akin.
"Wake up sleepy head, palabas na tayo, ikaw nalang ang tulog pa riyan." Aniya habang nag lalaro ang ngisi sa labi.
Halos mapabalikwas ako sa sinabi niya. Wala sa sariling napadungaw ako sa katabi kong upuan at nakitang wala ng nakaupo roon. I felt a slight punch on my heart, nakakailang suntok na ako sa puso ko tuwing naiisip ko siya hah?
I must really hate him that bad?
"Kinuha ko na ang gamit mo, tumayo ka na riyan. Let's go, Avey." Pag kuha uli ni kuya sa atensyon ko.
Ginawa ko ang inutos niya at tumayo na pero ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa katabing upuan. Panaginip lang ba ang lahat? Pero hindi eh, I am sure it happened. Medyo may lukot ang kumot na nakapatong sa may pwesto niya, bakas na gamit iyon.
"Pinauna ko na sina daddy, mom needs to pee. Alam mo naman iyon, she can't pee inside an airplane, she's paranoid."
Tuloy-tuloy lamang siya sa pag sasalita pero hindi ko siya magawang tignan dahil naiwan ang tingin ko sa upuan na katabi.
I craned my neck to see it properly as we slowly walked the aisle, away... towards the exit.
Huli kong nakita ang gusot na kumot.
I don't know but that comforted me...
Tila ang gusot na 'yon ang nag sisimbolo na totoo ang interaksyon namin kanina, na nakapag usap kami ng hindi nag sisigawan.
Pwede pala iyon?
"Bago ata ang jacket mo? Ngayon ko lang nakita." Ani Kuya.
We successfully got outiside at nakuntento naman ako sa nakita ko. Umiling nalang ako at hinayaan na mapunta na ang nangyari sa likuran ng isip ko.
Umiling ako. "Pinahiram ako ng katabi ko, kuya. I was cold."
"Hah?" Bumaling siya sa akin kahit palabas na kami. "Dapat ay sa akin ka na nanghiram."
I scoffed. "Wala ako balak manghiram sa kahit kanino, kuya. Siya lang ang nakapansin kaya siya na ang nag ofter. Don't be so OA, jacket lang 'to."
"Eh bakit sarap na sarap kang yakap 'yan 'nong nakita kita? Kulang nalang ipasok mo yung ulo mo sa loob niyan 'eh." He grumpily retorted!
What?!
He's crazy! Sometimes I wonder how he does it? Be stoic and annoying at the same time!
"Kuya, give me a break! Ang soft kaya, and mabango! Same kayo ng amoy, your Mercedes-Benz perfume, ito rin 'yon."
Sinubukan ko pa ipaamoy sa kanya iyon. I stretched my right arm towards his face, an inch just away from his nose. Mabilis niyang iniwas ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin.
"Tss. Mas mabango yung akin dyan 'no."
I looked at him unbelievably and laughed which annoyed him more!
"Pareho lang ng brand! Pareho rin mismo ang perfume! Tapos mas mabango ang iyo? You're crazy, kuya. Mag sama kayo ng mga pinsan natin sa Madrigal."
I rolled my eyes at him and left him. Nauna akong mag lakad palabas para maiwan siya roon sa inis! Ewan ko ba, every male in the Madrigal side within our generation are so OA and possessive. Ganito rin ang mga pinsan kong lalaki sa mga kapatid nilang babae. Thank God the Zobels are bearable. Sakto lang.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomansTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.