Pahina 45

1K 59 8
                                    

Settling water

Ka-apak ko sa labas ng hotel ay agad gumalaw ng kaunti ang isang hindi pamilyar na sasakyan sa tapat ko. Umihip ng malakas hangin, dinadala ang lamig ng gabi. A few strands of my hair brushed my cheek.

May isang matandang lalaki ang lumabas sa may driver's seat at gumalaw para pag buksan kami ng pintuan.

Tipid akong ngumiti rito. "Salamat ho,"

Yumuko ito bago bumaling sa dalawang lalaki sa likuran ko.

"Avery!"

Maagap akong napalingon sa hapong-hapo na boses ni Koa. Tumatakbo ito papunta sa akin habang si Anton ay nakakunot ang noo, lakad-takbo ang ginagawang pag sunod kay Koa para makalapit sa akin.

"Hinahanap ka namin! Sorry! Na-tsismis na ang nangyari! Hindi ka namin na protektahan! Ito naman kasing si Anton 'eh..." Gulong-gulo ang itsura ni Koa, hindi ko alam kung galit ba siya kay Anton, nag-aalala sa akin o dismayado na wala siya roon kanina.

Napakamot siya sa kanyang batok at sinamaan ng tingin si Anton nang tuluyan siyang makalapit sa amin.

I grabbed a handful of my skirt to face them properly.

Pagod akong ngumiti. "It's okay. Mas mainam na rin na hindi niyo iyon nakita..." I trailed.

"Sinaktan ka ba nila? Ano? Saan? Sino?" Sunod-sunod na tanong ni Koa habang inaabot ako sa balikat para matignan ng maayos.

I shook my head. Nasaktan ako pisikal kanina sa lolo ni Tobias pero...

Wala ng sasakit pa ata sa mga salitang nabitawan, sigawan at... pag-aaway kanina.

I heard Anton sighed behind Koa.

"Halika na. Umuwi na tayo." Aniya.

Kahit pagod na ay sinikap kong lumingon sa gawi ni Anton para matignan siya. He looked pain and disappointed. Nasisigurado kong para sa sarili niya iyon, we grew up together and I know how he thinks. Sinisisi niya niyan ang sarili niya kung bakit wala sila kanina. But I know he has reasons and it is not his responsibility to look after me.

"Anton. I am fine. You don't have to worry about me. Magkita-kita nalang tayo sa condo mo. Sasabay muna ako sa mga kaibigan ni Tob..."

Anton's brows furrowed even more. Mabilis siyang napasulyap sa likuran ko bago binalik ang hindi katanggap-tanggap na tingin sa akin.

"Hah? Bakit sa kanila ka sasabay. Kami ang bestfriends mo!" Gulat na tanong ni Koa.

I tiredly chuckled and was about to reason out, nang matigilan ako dahil naunahan ako ni Anton.

"Yes. I agree with Koa this time. Bakit sa kanila? Kami ang mga kaibigan mo. I'll drive us home." He stubbornly said.

"Teka lang pare, easy ka lang, ihahatid lang naman namin siya, hindi naman aagawin—"

Anton scowled towards Basty.

"Hindi kita tinatanong."

"Aba't—"

Alam ko na seryoso ang usapan pero hindi ko magawang mag pigil ng tawa. Sabay-sabay silang natigilan dahil sa pag tawa ko. I took that as my cue to spin around so that I could face King and Basty. Si King ay mukhang bored na bored habang si Basty naman ay mukhang iritado na.

"Sakay na kayo. Susunod ako. Kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko. Maraming salamat..." pag tatapos ko sa usapan para matigil na sila sa kung ano mang nag babadyang pagtatalastasan nila.

Suminghap si Basty at matalim pa rin ang tingin kay Anton, mukhang walang balak umalis sa tabi ko, kaya naman si King na ang humila sa kanya para makasakay na sila sa kotse.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon