Pahina 18

1.3K 62 19
                                    

Futile

"So... hindi ba kayo mag kikibuan? The whole time?" Nag tatakang tanong ni Willow habang palinga-linga sa amin ni Anton.

We're seated on a table for six, our usual table here in this restaurant, wala nga lang nakaupo sa dalawang upuan dahil wala naman si Gabriel at Ritzelle. Nasa tapat ko si Koa, katabi niya si Anton at ang katabi ko ay si Willow.

Koa was eyeing us confused and oblivious about everything. This kid! Nasaan nga ba siya noong mga panahon na 'yon? Did we successfully won the bid for him?

"Magkaaway kayo?" Takang-taka na tanong ni Koa.

Anton sighed. "Look, Ave. I am sorry, okay? It's just... he was willing to win it for you, all out, kahit magkano raw, and those... jerks... keep on raising the bid, anong choice ko?"

"H-huh? Sino? Hindi sayo ang one hundred million, pre?" Singit ni Koa.

"No, hindi sa kanya, wala ka ba 'non?" Pagitna ni Willow.

I only rolled my eyes and shifted from my seat. Sumubo ulit ako ng pagkain, si Koa lang ang tinitignan ko o hindi kaya si Willow kapag kinakausap niya ako at kailangan ko sumagot.

"Halos kararating ko lang nung nanalo na si Anton, akala ko sa kanya iyon 'eh."

"Was the bidding that tight?" Kuryosong tanong ni Willow.

"Umabot ng fifty million ang bid sa kanya, ayoko ng patagalin kaya binagsak ko na ang one hundred, that shut them up." Ani Anton.

I shot an eyebrow and gritted my teeth!

Hindi iyon ang point! Ang punto ay siya ang bestfriend ko, we grew up together! Tapos basta siya tumanggap ng pera mula sa iba, ni hindi nga niya alam kung palagay ba ang loob ko roon sa tao tapos... ipapanalo niya ang bidding para roon?

Paano kung may makaalam pa 'non? Paano kung may makaalam na mula kay Tobias Lim iyon? Ano nalang eskandalo iyon? Napakilala na siya bilang fiancé ni Willow!

"Ohh!" Amusement grazed in her eyes.

Her eyes moved towards me, tinaas-taas niya ang kilay at humagikgik.

"You're really pretty, bestfriend hah! Kaya naman pala umabot ng one hundred..."

Hah! Ginawa pa talaga nila itong topic?

Anton chuckled. "Buti nga ay nanahimik na sila at hindi na ngumiti si Avery. Baka umabot pa ng five hundred?"

My eyes glared at the glass of juice in front of me.

'Wag kang tatawa-tawa riyan, Antonio! Baka nakakalimutan mong ako ang sumagip sa'yo noong minsan kang muntik malunod noong mga bata pa tayo? Daling makalimot, huh?!

Nanlaki ang mga chinitang mata ni Willow.

"Really? The jaw-angel-dropping-kilig-avery-smile? I remember noong high school pa tayo, ngingiti lang yan sa mga kaklase natin ay ligtas na si Koa sa mga gustong mag bully sa kanya."

She gave a cute low laugh while Anton made a hearty one! Wow, Antonio? Talaga lang, huh? Nagagawa mo pang tumawa riyan!

"Uy ha! Grabe ka naman Taltal! Kaya ko naman pag tanggol ang sarili ko, hindi lang dahil sa ngiti 'yon ni Avery!" Agap na pag tatanggol ni Koa sa sarili.

Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko alam anong uunahin ko, ang kirot ng ulo ko sa pagod o ang topic nila— na ako?

"Stop calling me that!" Inis na banta ni Willow kay Koa.

"Tss. Bakit si Gabo? Tinatawag kang Tal? Favoritism ka, hmph!"

"Ave... kausapin mo na ako." Singit ni Anton.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon