Pahina 51

731 52 13
                                    

Ikalima na huling pahina...

to do this life with him

"Are you happy?" Aniya mula sa aking likuran.

Saglit ko siyang nilingon at nakitang papalapit siya sa akin. Marahan akong ngumiti bago binalik ang tingin sa harapan. Nakatayo ako sa may barandilya ng bahay na pinagmamay-ari niya. Naririto kami... sa lugar kung saan hindi ko inaakalang dadalhin niya ako.

I thought this place brought him painful memories.

Dito ako nag-tago...

Sa lahat.

Sa kanya.

Dito ko siya sinubukan kalimutan.

Pero nandito kami ngayon. Sa bahay niya. Sa may tapat ng dalampasigan.

"Pangatlong beses mo ng tinanong 'yan sa akin ngayong gabi..." pag-hinga ko.

Naramdaman ko ang mainit niyang yakap mula sa aking likuran. Sinasangga ang lamig ng hangin na dulot ng gabi. May dala rin siyang malambot na kumot na pinang taklob niya sa akin.

He shielded me through the warm and thick cloth... while hugging me.

"Ayoko lang mag-sisi ka..." napaka babasagin ng boses niya.

I leaned backwards and let my body fall on his embrace. Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti.

Kabaliktaran ng marahas na pag hampas ng mga alon ang pag kalma ng puso ko nang maramdaman siya sa aking katawan.

Sa wakas...

Nahanap ko na ang bagay na... hindi ko alam na nawawala sa akin.

That feeling of calmness and rest...

Sa kanya ko lang 'yon nararamdaman.

"Ikaw ba, masaya ka?" Bulong ko sa hangin.

"Hindi ka ba mag-sisisi na pinaglaban mo ako? It's clear as the night that... I fail so hard compared to you, Tob. Narinig mo naman ako kanina diba? Kulang na kulang ako. You're a catch... and I am... I don't know..."

Humigpit ang yakap niya sa akin at nakarinig ako ng garalgal sa kanyang dibdig. Tila tutol na tutol siya sa mga sinasabi ko.

"You might want me now because of the thrill but—" I yelped when he quickly spun me around to hold me from my waist just to carry me and put me above the wooden railings.

Nanlaki ang aking mga mata at maagap na napakapit sa kanyang balikat para kumuha ng suporta. Mabilis ang kanyang mga naging galaw. Binuka niya ang aking mga hita at ni-pwesto ang sarili niya roon, locking him between me so that we won't have any space between us.

Umakyat ang mga kamay niya sa aking likuran para panatilihin ako sa aking pwesto habang kunot na kunot ang noo na hinahanap ang paningin ko.

His breathing got heavier and he looked very dangerous.

Muntikan na ako matakot, mabuti nalang ay naalala kong siya si Tob... na mahal na mahal ako...

"Is this how you feel? You want me because... of what? The thrill?" Halos pandirihan niya ang bawat katagang lumalabas sa kanyang labi.

He looked so messy... beautiful... handsomely... messed up... in love... with me...

"Tob, hindi ga'non ang ibig kong sabihin. Because if I love the thrill, mag tatago nalang ako sa'yo at hindi na idadamay pa ang mga pamilya natin. Me... running away from you... is more than enough... for the thrill..."

Bumagal ng bumagal ang bawat salitang lumalabas sa akin. Pakunot din ng pakunot ang noo niya.

Parang pamali ng pamali ang mga sinasabi ko, huh?

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon