Pahina 5

1.3K 55 15
                                    

Tob

Our day flew by so fast, bahagya na rin nawala ang pagka-irita ko kaninang umaga. The beauty of Taiwan consumed me, making me forget about him. The highlight of my day was Taiwan 101, I know the bad reviews about it... but personally... I have a thing with going to high places and overseeing things.

So I guess... it's a matter of perception.

I like it. Yung pakiramdam na paakyat ang elevator hanggang sa tuktok para makita ang malawak na syudad ng Taiwan. I like how the light closes inside the elevator and stars formation will show up on the ceiling. Those simple things... and as I go up... I wished.

Tuwing nasa mataas akong lugar, humihiling ako.

This time it was for my friends. For them to find peace... and solace, to find wisdom and answers.

We ended the night eating dinner in a local noodle place. Then kuya and I roamed around Raohe Night Market, then after we went back to our hotel. It was a tiring day kahit na hindi pa naman punong puno ang itinerary namin.

I decided to go to Ximending Night Market to buy my favorite milktea from there. Naliligo pa si Kuya Archer kaya ni-message ko nalang siya na lalabas muna ako. Walking distance lang naman ang lugar mula sa hotel kaya hindi na kailangan ng kasama pa o ano man. Besides, I find Taiwan really safe, nababasa ko rin sa internet na safe rito.

Naka simpleng black fitted cropped t-shirt at black leggings nalamang ako. Pinatungan ko iyon ng sariling puting jacket, pina-laundry ko na iyong jacket ng lalaking iyon. I don't want to be more in debt to him.

My eyes feasted with all the good stuffs around the area. May mga ilang nabili rin akong pang-pasalubong ko para sa mga kaibigan ko at sa mga pinsan ko. Although I still want to find a cute capybara keychain for me, Willow and Ritzelle.

Gusto ko pag balik ni Ritz, she'll realize she didn't miss that much... because we will always include her and we never forgot about her.

Nang hindi pa makahanap ng keychain na magugustuhan ko ay pumila muna ako kung saan namin paborito bumibili ni Kuya Archer ng milktea. Sikat ang milktea shop na ito kaya mahaba ang pila. May chance rin para mag draw ng fortune kapag binili iyong brown sugar milktea nila.

I opted for that of course, sayang ang experience, I want to try and see what the 'fortune' says!

As I lined up, napansin ko na puro pamilya ang bumisita sa Taiwan ngayon. Maraming foreigners, from every part of the world. Niyakap ko ang mga pinamili ko habang sinusubukan kuhanan ng maikling video ang pila. I even tried to take a video of their process while making milktea.

I sniffed to suppress the cold that is starting to seep inide me.

I quickly posted the video through my instagram story. Nag lagay lamang ako ng location pin.

"Hi..."

Napalingon ako sa tumabi sa akin sa pila. It was a guy... foreigner.

"You look very pretty, Miss." His thick american accent said.

I pursed my lips to hide my shyness.

"Uh... thanks."

"Can I get your—"

Umiling ako. "Sorry, I am with my boyfriend." Excuse ko tulad ng lagi kong ginagawa kapag may ganito.

I just don't really like talking to strangers, especially in a foreign place. Hindi ga'non kalakas ang loob ko.

Tumango ito at kahit bakas ang pang hihinayang ay iniwan ako.

A few minutes passed by again, the line moved, dalawang tao nalang at ako na ang mag o-order.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon