Pahina 44

1.1K 63 9
                                    

Babalikan

"Avery Sienna, stand up!" Ma-awtoridad na utos ni daddy.

Doon ko lang natanto na siya ang nakahawak sa braso ko, pilit akong kinakalas mula kay Tob.

His hands were gripped tightly on my arms, making me feel a little sting from it.

Kung kanina ay tahip-tahip ang lahat ng nararamdaman ko, mas nadagdagan pa ngayon, mas rumagasa. Kay tagal na simula nang huli kong marinig ang boses ni daddy. For years, parang sirang plaka sa ala-ala ko ang mga huli niyang salita sa akin. Although I was raised with love, my heart couldn't dismiss the fact that... his words haunted me.

"You must learn that anyone would kill for the life you have. You're not grateful enough. You're taking advantage of what we have. Ang iba ay nagpapakahirap para makatapos, but then you! You failed, Avery Sienna!"

I can still remember the life that he has provided me, iyong buhay na... napakatagal kong pinaniwalaan na sinayang ko...

"I am so disappointed, Avery."

I unconsciously hid my face more, siniksik ko iyon lalo sa bisig ni Tob. Wala pa akong napapatunayan, nag sisimula pa lang ako, how can I face him right now? Kanina parang lumakas ang loob ko. Akala ko kaya kong humarap at sabihin na hi dad... nandito na po ako, starting to make a name for myself, pero ngayong nangyayari ang lahat ng ito, ang kahihiyan at lahat-lahat ay mas lalong magpapa-disappoint kay daddy.

Tila naramdaman ni Tob ang matinding kaba ko at ang kagustuhan kong mag tago dahil mas lalo niya akong niyakap.

"It's your family, baby... they're here... don't you want to face them?" Bulong niya sa may tainga ko, sapat lang para marinig ko, hindi pinahihintulutan ang iba na makarinig.

"Let go, Lim!"

I felt someone pushed Tob's shoulder. Sa pagkatanggal ng hawak ni daddy sa akin at boses na iyon ay nasisigurado ko na siya iyon.

He pushed Tob!

Muntik na mawala ang pagkakayakap ko sa katawan niya kaya hinabol iyon ng magkabilang braso ko. I clutched harder and involuntarily cried harder when our body collided.

I can feel his tux getting wetter by the second because of my tears.

Umiling ako.

"S-stop, please... aalis na po kami... don't hurt him..." nagawa kong sabihin sa pagitan ng pag hikbi.

"Avery Sienna! Ano ba ito?! Is this the reason why you failed years ago?!"

Akala ko wala ng ibibigo pa ang puso ko sa mga narinig nito at napagdaanan sa mga nag daan na taon pero...

Tila ang hindi pa natutuyong pandikit sa puso ko ay nawalang saysay sa pagkabiyak nito nang marinig ang dumagungdong na boses ni daddy.

"Dad!" Narinig kong alma ni Kuya.

"You're not a failure..." agap na bulong ni Tob sa akin, sinusigurado na maririnig ko ang bawat sambit niya sa mga salita.

"Mhm? Can you hear me, Avery? Please... listen to me," ani Tob habang niluluwagan ang hawak sa akin.

Nahinuha kong gusto niya akong tignan kaya naman ako na ang nag higpit pa lalo sa pagkakayakap ko sa kanya. My face was angled in a way that my right cheek was pressed on his chest. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko.

"Your sister failed, Archer! She was our magna cum laude! At ano? Bigla-bigla nalang siyang babagsak?! Umalis sa puder ko? At ano? Ganito pa rin hanggang ngayon?!"

I painfully closed my eyes as his words cut deep within me. I heard murmurs... at parang mga bulate silang umaakyat sa katawan ko. Dama ko ang samu't-saring konklusyon ng mga tao sa narinig nila. I can't make something out of it, pero ang bawat mahinang bulong ay rumaragasa sa bawat selyula ng katawan ko.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon