Pahina 8

1.1K 60 10
                                    

Upset

"Papatugtog na ba ako ng 'Hey Daddy'?" Pag bibiro ni Koa habang nag pipigil ng tawa.

"Stupid." Pag babawal ni Anton sa kanya. "Daddy? He's only twenty-eight."

"Aysus gusto mo ikaw lang ang patugtugan ko ng ga'non 'eh? Bagay kaya sa kanya. He looks mature. Mukhang bata tuloy si Willow. Saan kaya nag g-gym 'to no?" Mula kay Anton ay naramdaman kong umusog siya palapit sa akin.

"Pag kinausap mo, Avery. Patanong. Gusto ko rin ng ga'non. Gusto ko na magpalaki ng katawan." Anito.

"I..." Napalunok ako at nilingon si Koa.

Maagap siyang dumukwang palapit sa akin, ang mga mata ay puno ng pag-aalala. I know I can't hide my emotions well. Katulad ng pagiging expressive ko sa salita ay pinamimigay din ako ng mga ekspresyon ko.

Kaya kailangan ko muna lumabas.

"Mag comfort room lang." Paalam ko.

Tumayo ako kaya tumayo rin siya.

"Samahan na kita."

Umiling ako at nagpakawala ng pekeng tawa. "Mabilis lang ako. Wag kang OA."

I chuckled again to hide the dripping bitterness from my voice.

Hindi ko na siya hinintay pa sumagot at naglakad na patalikod sa kanilang lahat. I made sure my back turned around, away from everyone in there, away from my friends, away from the stage, and away... from him.

Hindi na napigilan ng mukha ko ang ipakita ang totoong nararamdaman ko. Habang nag lalakad palayo ay nanghina ang mga mata ko, napawi ang ngiti ko at halos takbuhin ko ang labas para lang makahinga.

Nang makalabas sa function hall at mawala na sa pandinig ko ang host na pinapakilala si Tob...ias, mentioning his achievements, one by one...

My knees felt so weak. Napahawak ako sa aking leeg, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa lahat ng nararamdaman ko. Every emotion came rushing in. Luminga ako sa paligid at hinanap ang labasan patungo sa open garden ng hotel.

A heavy sigh was released from me as I stepped outside, pakiramdam ko ay kanina pa ako hindi humihinga. Hirap pa rin ako pero nakatulong ang sariwang hangin para maibsan ang panginginig ko at ang panghihina ko na naging dulot ng pag hihirap kong huminga.

Humanap ako ng mau-upuan at nakita ang isang mahabang bench sa bandang gilid ng garden, tago ito at mahirap makita kung gabi.

Sa gilid ito ng mga halamanan kaya mas dumilim ang paligid.

I hid myself there, umupo ako sa dulo ng bench at napasapo sa aking mukha.

"Gosh..." buga ko sa hangin na nag bara sa aking lalamunan.

My hands were quivering.

I missed his presence.

Shit. Yes.

Simula noong umuwi kami mula sa Taiwan ay alam at ni-amin ko na sa sarili ko na miss ko siya. Natatawa pa ako na namiss ko ang chinitong lalaking iyon kahit na palagi kaming nag-aaway.

I should be annoyed and irritated with him but all I can think about was how beautiful his eyebrows furrowed, his lips curving into a devious smirk, or his lips forming a grim line... and his funny remarks...

I find every action from him as something I treasured. Both his good and irritating actions. Kung gaano ko na-aappreciate ang pagiging maalaga niya ay ga'non ko rin na-aappreciate ang pakikipag away niya sa akin.

I admitted to myself that I miss even the pettiest conversation we had. That somehow... I wondered if I will ever see him again. That at some point... I prayed for a 'yes'.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon