Pahina 24

1.1K 55 33
                                    

Disappear

I went home after that talk with Willow's mom. Agaran kong tinawagan si Gabriel pero hindi siya sumasagot! Nakailang tawag ako pero parang teleponong naiwan nalang kung saan ang mga tawag ko, kung kaya't nag pasya akong lumabas ulit para hanapin siya.

I didn't bother asking our driver to accompany me, ayaw kong malaman nina mommy ang problemang ito, magtatanong sila, madadamay at baka ano pang mangyari sa sitwasyon ni Willow.

I called Koa then.

"Koa, kasama mo ba si Gabriel?" Hinihingal kong tanong.

Mabilis akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng building kung saan nakatira si Gabriel.

"Huh? Hindi. Bakit? Anong nangyayari? At ayos ka lang ba? You sound different!"

Umiling ako na para bang nakikita niya ako.

"Can you please try to contact some of his friends? Kailangan ko siya makita. Kailagan ko siya makausap. Please call me if you hear from him, Koa. Please."

I heard shuffling from the other side of the call.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita, Avery!"

At ano? Madadamay din siya? I can't let more people be entangled in this.

"H-hindi na, Koa. Ayos lang. Kailangan ko lang siya makausap. Please. Thank you."

Hindi ko na siya pinatapos at binaba ko na uli ang tawag. I clasped both of my hands, trembling, trying my best to be strong and to think properly.

Gusto ko lang muna mahanap si Gabriel ngayon, iyon muna, I have to make sure he's okay.

My chest heaved the entire time I was traveling to his unit. Kaya nang makarating ako roon ay agad akong nag bayad at tinakbo na ang papasok ng building. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating ng mas mabilis sa unit niya pero nabigo rin ako, naka ilang door bell ako pero walang nag bukas.

I called him again while pressing his door bell numerous times. I just can't give it up. I know it might annoy him, kung talagang sadya ang hindi niya pag sagot pero gusto ko pa rin subukan, gusto ko siya makausap at masiguradong ayos lang siya. Dahil kung hindi, I'll take him, I will help him in all ways possible.

Hindi ako nag-aksaya ng oras nang walang mapala sa kanyang unit. Umalis ako ulit at tinungo ang susunod na alam kong posibleng karoonan niya! Maaga pa pero... I can't miss this chance! Baka nandoon siya!

I travelled and searched three of his current businesses, lahat iyon ay gabi kung mag bukas kaya suntok sa buwan ang gagawin ko pero hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin, uunahin ko muna ang mga negosyo niya bago puntahan ang mga lugar na madalas namin pag tambayan.

I started with his restaurant, pero wala rin siya roon, ang sabi ay hindi pa siya dumaraan doon... tatlong araw na. Ang susunod ay ang bago niyang bagong bukas na bar, pero tulad ng nauna ay wala rin daw siya roon, tumawag lang na may aasikasuhin daw at ang kasosyo niya muna sa negosyo ang mamamahala sa lahat.

Then last from his businesses, I went to heavensent, sarado pa pero dahil kilala ako roon ay pinapasok ako. Nag tungo ako sa may tanggapan at nadatnan ang ilang empleyado na nag aayos pa lang.

Napalunok ako. I tried catching my breath to calm my nerves. Ulit-ulit akong nagdarasal na sana ay may matanggap na akong magandang balita.

My heart pounded hard, my breathing was unstable, hitching a few times and my legs were feeling quite strained and painful from all the half running I did.

"U-uh... good afternoon. Dumaan na ba rito si Gabriel?" Tanong ko.

Tinignan ako ng babae at mukhang nagulat pa sa itsura ko. I don't know how I look but... I am sure I don't look good. From all the tears I shed after my meeting with Willow's mother, to my worry for Gabriel, and to all my running and searching for him, siguradong magugulat ang kahit sinong makakakita pa sa akin.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon