All of me
"Serah, please... I am okay. Hihintayin ko nalang si Tob, please rest, overtime ka na nga inaatupag mo pa ako," ani ko kay Serah para makapag pahinga na siya.
She keeps on coming back every half an hour to check on me. Dalawang oras na ang nakalipas simula nang makarating ako at nag message na si Tob na patapos na sila.
Napahawak siya sa kanyang noo at bahagyang natawa.
"Okay po. Pasensya na po. Binilin po kasi kayo at nag aalala po ako sa inyo baka mabore po kayo rito. May gusto pa po ba kayo? Cookies? Refill ng iced tea po?"
She has a very pretty smile. Warm and genuine. She has Filipino-Spanish features.
She's wearing a plain beige chiffon long sleeves paired with black slacks and black stilettos. At para pa rin walang ka make-up make-up ang mukha niya.
"I am okay, no worries. Thank you. Kakain din kami pagkatapos kaya rest assured na ayos lang ako. I appreciate your concern but you can rest now."
She pursed her lips and smiled again, warmer.
"Ngayon, alam ko na po kung bakit kumakalma si Sir Tob kapag nakakausap kayo. Nakakatakot po kasi siya eh, lalo na kapag may nangyayaring aberya, pero napansin ko po kapag po ga'non at tatawag kayo, imbes na pagalitan kami o kung sino man pong nagkamali, mag kukulong lang po siya sa opisina at mag lalabas ng sulat kung paano masosolusyonan ang problema."
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sa pagiging open sa akin ni Tob ay na ke-kwento na niya sa akin kapag nase-stress siya at kapag naiinis siya o nadisappoint siya. And he won't get shy to ask me if he can call, then he will talk to me about anything random, mga ilang minuto rin ang itatagal 'non hanggang sa mawala sa isip niya ang nararamdaman niya.
Nasisiyahan ako na malaman na nakakatulong ako sa kanya sa ga'nong paraan. To be with him through ups and downs is a dream I am willing to fulfill.
"No, he's really just such a baby sometimes." Natatawa kong sabi.
Bahagya rin siyang natawa. "Baby niyo po. Kay Ms. Avery lang po kakalampag si Sir Tob."
Mas lalo akong natawa. Chuckling, I covered my mouth when she snorted in the middle of her laughter with me.
Cute!
"Ay! Sorry po!" Aniya at natawa muli, sa gitna 'non ay muli siyang gumawa ng nakakatawang tunog.
"Serah, you're really cute and funny!" Natatawa kong sabi.
Napahawak siya sa kanyang batok at pailing-iling na natawa.
"Masaya po ako na na-entertain ko po kayo."
Tumango ako. "You're good at entertaining people. Thank you." Saad ko, nakangiti pa rin.
"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko bilang sekretarya." Magalang niyang sabi.
Sa gitna ng kanyang ngiti, a glimpse of an emotion I saw earlier from her when she was arguing with Sebastian flickered. Natigilan ako at naalala rin iyon.
"Nakakalimutan mo bang sekretarya ka lang, Serah? Hindi purkit mabait si Rakesh sa'yo ay mawawalan ka rin ng galang sa akin."
"Serah," Pag kuha ko sa kanyang atensyon.
"Hmm? Yes po? May maitutulong pa po ba ako?"
Her bare lips innocently smiled, mukhang sinusubukan niyang alisin ang dumaan sa kanyang isipin.
"Don't let what Sebastian said get into you. For sure, nasabi niya lang iyon dahil sa pressure. At wag mo rin isipin na sinasabi ko 'to dahil pinagtatanggol ko siya. You have all the right to get mad, I understand what he said was below the belt. Pero sana ay 'wag mong isipin na sekretarya ka lang..." Saad ko, binibigyan diin ang salitang sekretarya.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomansTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.