Silong
Mabilis muling nagdaan ang mga araw. Magaan lang ang lahat ngayon sa amin ni Willow dahil pareho na kaming nag ta-trabaho. Salitan kami sa pamangkin ko. Umaga hanggang hapon ang shift niya habang ako naman ay hapon pumupunta sa eskwelahan na pinapatayo, kung hindi roon ay binibisita ko ang ibang foundations ng mga Lopez.
Bago ako pumunta sa trabaho ay idadaan ko na siya kay Willow. Pag pauwi naman ay nauuna na sila makauwi sa akin dahil lagi kong pinapanood ang pag baba ng araw. Normal lang ang lahat at maayos maliban lang sa isang bagay na nakapag pabagabag sa akin...
That man who worked overtime everyday...
Hindi niya ako sinagot noong tinanong ko ang pangalan niya. Tanging buntonghininga pa lang ang narinig ko mula sa kanya. Hindi rin niya ako pinapansin. Basta nag ta-trabaho lang siya.
Buhat dito, buhat doon.
Hindi rin siya gaanong nag sasalita. Ang dinig ko ay magalang at mabait daw pero hindi nakikipag-kaibigan, hindi rin sumasabay sa amin kapag nag tatanghalian. Basta ang alam ng lahat ay taga Maynila siya, walang may alam kung bakit siya napunta rito.
I didn't bother asking or knowing, dahil ga'non din naman ako. Nag tatago rito. Who am I to meddle with others' reasons to keep their secrets? It's their privacy after all.
Hindi na rin ako napalapit sa kanya, isang beses lang talaga at iyon ay noong umulan. Nauuna pa rin ako umuwi sa kanya kahit na nakakauwi na ako pagkatapos bumaba ng araw. Hindi ko alam kung bakit interesado ako pero... I really feel weird around him.
Hindi ko matukoy... pero ayoko ng alamin pa.
I don't want to have any connection with anyone, kahit gaano pa kaliit. Iyon ang kahuli-hulihang kailangan namin ni Willow.
Mabuti ng ilap ang lalaki, my curiosity will be fine at least, I have changed, hindi na ako tulad ng dati na naging agresibo sa mga bagay-bagay. I thought I was meticulous but no, I was plain impulsive and aggressive.
Maybe because he's just very mysterious... that I find him also weird. Yeah... ga'non nalang ang iisipin ko.
Tulad ngayon, nasa lilim na naman ako ng paborito kong pwesto ngayon dito. Hinihintay ang pag baba ng araw. Kami na naman ang naiwan. Nag bubuhat pa rin siya ng mga gamit papunta sa silong. He's still wearing his usual black sando and rugged denim pants.
I watched him all through out the time I was watching the sun too. Pabaling-baling ang tingin ko sa araw at sa kanya. And as I watch him, mas lalong lumalalim ang pagkakaramdam ko ng pagiging pamilyar sa kanya. Hindi ko lang matukoy pero may ga'non akong klaseng nararamdaman.
I feel weird around him because he seems very familiar. But why? I am sure I don't know him.
But instead of thinking about confirming it... mas lalo ko lang gusto lumayo. 'Familiar' is not good. 'Familiar' means a link to my past. And anything link to my past... will endanger our secret here.
That was the usual scene almost everyday I visited there. Halos ma-memorya ko na kung paano siya mag buhat sa paulit-ulit kong panonood sa kanya. At mas lalo lang siya nagiging pamilyar sa bawat araw na nag dadaan. And I get even more scared...
The sun's warm color will be so welcoming of his image while carrying all those sacks. Like the sun was glorifying him, making sure he has a good background behind him.
I have never seen his face but... I can sense that... he's... handsome? Well, that is an understatement... I guess... dashing? Perhaps because of the way he moves? Parang may pagka...
Hmm... ang hirap talaga matukoy.
Kung may itsura ang pag galaw ng isang tao, masasabi kong gwapo ang mga galaw niya.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.