Pahina 14

1.2K 55 13
                                    

With a friend

The weekend went by so fast, after that friday night... parang hindi ko lubusan maisip na totoong nangyari iyon. Parang panaginip lang talaga ang lahat, pero ang bawat mensahe niya sa mga nag daan na araw ay patunay na totoo nga.

Totoong umamin siya sa nararamdaman niya, at totoong inamin ko na sa sarili ko na pareho kami ng nararamdaman.

He didn't miss a day of texting me, always updating... and asking me about things. May mga pagkakataon na matagal ang replies niya dahil busy talaga siya, pero hindi matatalo 'non ang bagal ng replies ko.

A smile will always escape my lips, nakakaiyak na ewan kasi masaya ako sa bawat mensahe na natatanggap.

Pero...

I just answer him, hindi na pinapahaba pa ang usapan.

Natatakot sa mga mangyayari.

Halo-halo ang nararamdaman ko, gulong-gulo, minsan nga ay talagang pagod na ako mag isip na kinatutulugan ko na iyon.

The week started, pumasok na ako sa kompanya ni Tito Victor. It was okay... I enjoyed it, lagi naman ganun tuwing naroroon ako. Mabait silang lahat sa akin at tinutulungan ako sa mga gawain.

Ang pinaka gusto ko roon ay ang pag turo nila sa akin, hindi nila ako tina-trato na pamangkin ng may ari, they really try to treat me as their colleague, baguhan at kailangan ng gabay. Oo, minsan hindi maaasahan na maalala nila na Madrigal din ako pero naiintindihan ko na iyon, hindi na 'yon mawawala.

May mga bagay na kahit iwasan natin ay hindi na talaga mag babago.

Pero ang importante ay ginagawa nila ang lahat para matuto ako, this will help me in the future, para sa akin ito.

Pero sa kabila ng magagandang mga nangyayari, hindi ko alam pero may parte ng puso ko ang bagsak.

I took a quick glance towards my phone. I saw his two messages there.

Tobias:

How's your day so far?

I am out of the country now, hope to see you when I come back. May gusto ka ba? Pasalubong? :)

I bit my lower lip and shook my head. May smiley pa?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko!

Kailan pa ako naging ganito?!

Parang may mali na kailangan ko ayusin. May tila hindi ako matuldukan na kailangan ko maayos. At hanggang hindi ko iyon nagagawan ng paraan, mababaliw ako kada segundong lumilipas!

I took a deep breath and released a hard exhale.

I answered quickly.

Me:

Ayos lang naman, hindi pa gaanong busy.

Hmm, wala akong gusto, ayos lang kahit walang pasalubong. Mag-ingat ka at mag-enjoy.

I wanted to ask him back...

'Ikaw? Kamusta ang araw mo?'

and... 'Kahit wala ng pasalubong, pictures mo nalang sa trip,'.

That's how I really want to reply...

But if I do that, papaasahin ko siya na oo ang sagot ko sa pakiusap niya.

I didn't give him an answer that night. I just couldn't break him. But I can't say yes too. I should be firm right? Dapat ay umiling nalang ako ulit at sinabing 'hindi, pasensya ka na'.

I am so bad...

"Ang lalim 'non ha?" Ani Pearl, isa sa mga accountants dito.

Pinilit kong ngumiti at pinilig ang ulo ko.

Treacherous Heart 1: Ever The SameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon