Indulge
Bahagya akong nagulat nang maramdaman ang tumamang sikat ng araw sa aking mukha. Hindi iyon masakit ngunit sa lalim ng tulog ko ay nagawa nito akong gisingin. Nanatili akong nakapikit, bume-bwelo sa pag mulat ng aking mga mata.
Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Ramdam ko pa rin ang preskong simoy ng hangin, dinig ko ang hampas ng alon sa labas ng aming tinutuluyan, amoy ko ang maalat na hangin mula sa tubig dagat, at ramdam ko ang init ng balat ng lalaking pinakamamahal ko.
His arms were wrapped around me. His right arm was under my upper body, holding me from behind while his left hand was hanging loosely on my waist. Nakatagilid ako paharap sa kanya, dama ko ang init ng kanyang pag hinga habang nakalapat ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib.
Hindi ko mapigilan mangiti habang naririnig ang hampas ng alon habang ramdam ko naman ang mabagal at malalim niyang pag hinga. Having these two penetrating my senses this morning is... heaven for me.
My eyes finally fluttered open and I was welcomed by the most gorgeous view I pray to see everyday.
I bit my lower lip as I take this view in front of me.
Napakasarap mangarap ng ganito hindi ba? The sound of the waves harmonizing with his breathing, while my heart beat swimming with it, napakasarap sa pakiramdam.
I tried my best not to move, hinayaan ko ang sarili kong damhin ang lahat ng ito na nasa harapan ko.
I indulged myself greatly as I selfishly allowed myself to enjoy the feeling of waking up simply beside him.
This kind of selfishness must come with great price...
Ilang minuto akong nanatiling nakatingin sa kanya. Pinapanood ang bawat malalim at payapa niyang pag hinga habang ang kanyang noo ay maya't mayang kukunot... pagkatapos ay giginhawa ulit.
He must be dreaming, hmm?
I had the urge to touch his eyes but I restrained myself, ayoko siyang magising lalo na at gustong gusto ko pa siyang titigan. At isa pa, alam ko rin kung gaano siya kapagod sa pagmamahaneho, maaga kaming tumulak sa Liwa para makapag check-in, agad siyang nag bayad para sa early check-in kung kaya't napag pasyahan namin na matulog na muna dahil hindi kami nakatulog ng maayos sa sasakyan.
Gusto kong maasiwa sa pag tatabi namin sa kama pero nakakagulat man... parang natural lang ang lahat. Nang maramdaman ko ang unan sa aking ulo at ang agaran niyang pag hila sa akin sa kanyang bisig ay hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagtatanggi.
Truthfully, I felt more at peace and comfortable. We said our good nights, he kissed me on my temple and I unconsciously drifted to dream land.
Ang tagal naming hindi nag kita pero siguro dahil ang puso ko ay kanya lamang talaga tumibok ng ganito, it doesn't feel foreign. Instead, it felt... I am just coming home to him.
I have felt comfort in many ways in my life, but this kind of comfort is what I will always long for.
"Baby..." he whispered.
Mabilis akong pumikit at nag kunwaring tulog nang maramdaman ang pag galaw niya. Pero hindi ako naging matagumpay dahil humalakhak siya bago ako dinampian ng mababaw na halik sa aking labi.
Nahigit ko ng kaunti ang aking pag hinga sa pagkalabog ng puso ko. Wala sa sariling sumilay ang ngiti sa aking labi.
"I know you're awake, stop pretending, kagabi ka pa... hmm..." aniya.
Tuluyan ng bumigay ang labi ko at mula sa simpleng pag ngiti ay natawa, naalala ang pag kukunwari ko rin kagabi habang nakikinig sa usapan niya sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Treacherous Heart 1: Ever The Same
RomanceTreacherous Heart Book 1: Ever The Same Avery Sienna Madrigal Zobel's story Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog & English.