38 - GOING BACK

46 5 2
                                    

MYXSICA’S POV

Katulad ng pangako nila sa akin na makakabalik ako sa mundo ng mga mortal ay bumalik ako. Habang pinagmamasdan ang buong paligid ay hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti at huminga ng malalim na para bang nilanghap ko na ang lahat ng hangin sa buong paligid.

Sa wakas nakabalik na ako…

“Waw ganito pala kaganda ang mundo ng mga normal?” ani ni Fracia at napalingon ako sa kaniya.

“Mas gusto ko pang kasama si Abriya kaysa kasama ka,” kumento ko at saka siya tumawa.

“Ano ka ba ang boring ng babaing ‘yon,” saad naman niya at saka ako napailing.

“Susumbong kita kay Abriya,” asar naman sa kaniya ni Hexon at saka siya napanguso.

“Ito naman hindi mabiro,” sabi nito at saka lumapit sa akin. “Bakit nga ba hindi sumama si Abriya sa atin?” takang tanong niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at saka ako naunang maglakad. Malaya kong magagawa ang lahat ng bagay na naisin ko kahit na ano mang oras dahil walang Xiphus ang manggugulo. Gano’n pa man ay kasama ko naman sina Fracia, Hexon, at Hyx. Gusto daw kasi nilang masilayan ang mundo ng mga normal na tao at gusto nilang makita ang kung ano ang bang klasing pamumuhay ang ginagawa nila dito.

Wala pa ring nagbago dito.

Nang makarating ako sa bahay ng mga kinalakihan kong mga magulang ay nakita ko sa labas ng bahay si Mama na nagdidilig ng mga halaman. Napangiti ako at saka ako lumapit dito at agad siyang niyakap.

“Mama…” nakangiti kong tawag at saka pumatak ang luha ko.

“Mysica?” hindi makapaniwalang tawag nito sa pangalan ko.

Agad na hinarap ako nito at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at halos hindi na niya ako bitawan sa pagkakayakap. Pumatak ang luha ko sa sandali na ‘yon dahil ang tagal ko ring nawala.

“Waw, ang drama pala kapag nagkikita ang mga mortal?” sabi ni Fracia at saka ako napalingon sa kaniya. Agad naman siyang napatikom ng bibig niya at saka siya napangiwi. “Ahhh hehehehe… alam ko naman na maganda ako pero h’wag mo naman akong tignan na parang gusto mo na akong ilibing sa lupa ng buhay,” sabi niya at nagtago pa sa likod ni Hyx.

“Ganito talaga dito, Ija,” sagot naman ni Mama sa kaniya. “Hali kayo’t pumasok para naman makapagpahinga kayo,” sabi ni Mama at saka kami pumasok sa loob.

Nakita ko si Papa na no’n ay abala sa kaniyang ginagawa na pag-aayos sa nasirang bumbulya. Napalingon siya sa akin at hindi makapaniwala na makita ako. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at saka ako nito niyakap. Sa punto na ‘yon ay naramdaman ko kung gaano ako na-miss ni Papa.

“Ang tagal mong nawala,” sabi nito sa akin at saka ako ngumiti. “Na-miss ka namin ng Mama mo,” sabi nito at saka siya tumingin kay Mama.

Niyakap nila akong dalawa at halos ayaw nila akong pakawalan sa bisig nila dahil sa higpit ng kayap nila sa akin. Matapos ang tagpong ‘yon ay naghanda si Mama ng masasarap na pagkain para sa akin. Habang kumakain ay kinuwento ni Mama ang mga nangyari noong wala ako at sa mga taong naghanap sa akin.

“Waw ang sarap ng mga ‘to,” hindi makapaniwalang sabi ni Fracia.

Natuwa naman ang mga magulang ko sa sinabi nito at saka binaby si Fracia. Napapailing na lang ako sa mga ginagawa nito at hindi ako makapaniwala na ang dami niyang makakain. Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa k’warto at naroon pa lahat ng mga litrato ko at pati ng pagkabata ko. Inilibot ko na rin sila sa silid ko at tanging si Fracia at Hexon lamang ang namamangha sa buong paligid.

“Grabe ang galing naman nito,” hindi makapaniwalang saad ni Hexon habang nakatingin sa litrato ko.

Napapailing na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Napatingin naman ako kay Hyx na no’n ay nasa bintana at tinatanaw ang paligid sa labas. Napabuntong hininga na lang ako at habang nakatingin sa kanila at saka ko naisip ang ginawa ko sa Arendelle. Sa totoo lang ay hindi naman ako mapapadpad sa mundo na ‘yon kung hindi dahil kay Xyphus. Hindi ko rin naman malalaman kung ano’ng klasing tao ako. Gumapang ang kaba sa dibdib ko at pakiramdam ko ay umiinit ang katawan ko. Agad akong tumakbo palabas hanggang sa sundan nila ako.

“Sandali lang naman, Myxsica, bakit ka tumatakbo?” tanong ni Fracia pero hindi ko siya sinagot.

“May hinahabol ba tayo?” tanong naman ni Hexon.

Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa makarating kami sa lagusan at agad na pumasok doon. Tumungo agad kami sa Arendelle at saka ko tinignan ang buong paligid at doon ko nakita ang malaking nilalang na sinisira ang barrier na ginawa ko sa Arendelle. Si Xyphus naman ay kumakalaban sa ibang mga nilalang at gano’n din si Abriya.

Napalingon silang dalawa at saka tinawag ang pangalan ko. Sinipa nila ang nasa harapan nila at saka sila lumapit sa akin. Batid ko ang pag-asang sumilay sa kanilang mga mukha at alam kong ginawa lang nila ang bilin ko sa kanila.

“Akala ko ay matatagalan pa ang pagbabalik niyo,” sabi ni Kelson na no’n ay nasa likuran na ni Xyphus.

“Sa lahat ng pangakong narinig ko… iyong sa iyo pa lang ang natupad,” sabi ni Abriya at saka siya napangiwi.

Tumingin akong muli sa halimaw at saka ko naalala si Helicus at Devilus. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila o sa kanila ba galing ang nilalang na ito. Napakunot ang noo ko nang mayroon akong kakaibang nakita at saka ako lumipad patungo sa nilalang na ‘yon. Tinitigan ko ito at saka ko nakita ang kakaibang mga mata at ngumisi ako doon.

“Hindi n’yo ba ako maharap?” tanong ko habang nakatingin saa mga mata nito. “Kung pinaghihiganti niyo si Davina… bakit kaya hindi niyo alamin kung ano ang ginawa niya?”

“Ikaw…” ani ng tingi na mula sa malaking halimaw.

Tinapat ko ang palad ko sa kaniya at saka ko nilabas ang kapangyarihan ko at sinakal ang leeg nito. “Kung hindi ka lalabas sa loob niyan sisiguraduhin kong buong angkan ng mangkukulam ang mawawala sa mundong ito,” babala ko sa kaniya at agad naman itong nagpalit ng anyo.

“Waw…” hindi makapaniwalang usal ni Hexon at Kelson nang makita ang babaing nasa harapan namin.

“Bakit ang gaganda ng mga mangkukulam?” napapaisip na tanong ni Kelson.

“Sino ‘yan?” tanong ni Fracia.

“Ang ina ni Davina,” sagot ko.

“ANO?” sabay-sabay na sabi nila.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon