ABRIYA’S POV
Habang nasa silid aklatan ako ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip sa kung ano ang ibig sabihin ng tingin ni Myxsica kay Fracia. Kahit na nakatakas ang ina ni Davina ay tila wala lang ito sa kaniya kahit na alam niyang kalaban din ito. Habang nagbabasa ako ng libro at tahimik na nakaupo sa isang tabi ay nagulat ako sa pagsulpot ni Hyx na no’n ay hinila ang upuan sa gilid ko at saka siya umupo.
Kahit tahimik ang lalaking ‘to hindi ako sanay na maramdaman ang presensya niya.
“Bakit nag-iisa ka?” tanong niya.
“Kasi hindi ako dalawa,” sagot ko naman.
“Nakita ko si Fracia na hinahanap ka kanina.”
“Wala naman akong ibang pupuntahan.”
“Alam mo hindi ko aakalain na ang isang masamang babae sa Arendelle Academy ay magiging ganito kabait nang dahil lang natalo siya ng isang dayuhan,” pang-aasar nito na siyang ikinasama ko ng tingin sa kaniya.
“Wala ka bang ibang gagawin ngayon at ako ang iniistorbo mo?”
Napahawak siya sa baba niya at saka kunwaring nag-isip. “Mayroon naman… pero alam kong katulad ko ay iniisip mo ang kung ano ang makahulugang titig ni Myxsica kay Fracia,” saad nito dahilan para lingunin ko siya.
Akala ko ay ako lang nag-iisip ng bagay na ‘yon.
Bumuntong hininga ako at saka sinara ang librong hawak ko. Tumayo ako at saka binalik sa kung saan ko ito kinuha at lumabas ng silid aklatan. Sinundan naman ako ni Hyx at hindi ko na lang siya pinansin. Habang naglalakad ay nakita ko si Fracia na no’n ay nakikipagkulitan kina Kelson at Hexon. Inaasar kasi siya noong dalawa at napahinto ako saka napatitig sa kaniya.
Habang nakatingin ako sa mga kaibigan ko at napadako naman ang tingin ko sa babaing nasa kabilang bahagi ng hallway at natanaw ko ang seryosong nukha ni Myxsica. Nakatingin lang din ito sa gawi nila Fracia.
“Ano naman kaya ang iniisip niya ngayon?” bulong na tanong ko sa sarili ko.
“Mahirap talaga basahin ang isip ni Myxsica.” Napalingon ako sa nagsalita at saka napabaling muli sa gawi ni Myxsica.
Humakbang ako papunta sa gawi ni Myxsica at nang makarating ay kapabaling ang tingin niya sa akin. Napansin ko ang namumulang marka sa lewg niya pero wala pa rin siyang naging reaksyon.
Gano’n ba siya kagusto ni Prinsipe Vox?
Sa totoo lang ay naiinggit ako dahil sa kaniya nagkagusto ang lalaking mahal ko. Matagal nang panahon mula nang minahal ko si Vox. Wala pa si Myxsica ay ako na ang nauna sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya nagustuhan nito pero sa totoo lang kahit na sino naman ay gugustuhin ang isang Myxsica.
“May dumi ba ako sa mukha at ganiyan ka makatitig sa akin?” tanong nito sa akin na siyang nakapagpabalik sa akin sa ulirat.
“Kahit pala ang isang matapang na nilalang titiklop sa isang halik,” sabi ko at saka siya napairap sa akin.
Narinig ko ang pagrereklamo nito at saka ako napailing. Bumuntong hininga na lang ako sa kaniya at saka ako napangiwi. “Hindi mo ba kukuwetyunin kung bakit nakatakas ang ina ni Davina?”
Tumingin siya sa akin at muling binaling ang tingin sa ibang direksyon. “Mayroon siyang sinabi tungkol kay Fracia,” saad nito na siyang ikinalingon ko sa kaniya. “Bukod sa mangkukulam rin siya ay mayroong iba pa,” dagdag pa niya.
“Hindi mo ba sasabihin kay Fracia ang tungkol sa bagay na ‘yan!” tanong ko at tumingin siya sa akin.
“Hindi niya p’wedeng malaman sa ngayon dahil kailangan ko munang alamin ‘yon,” seryosong sabi niya at saka ako iniwan.
Matunog akong bumuntong hininga at saka ako napapailing. Matapos ang tatlong araw ay nagpatawag ang mahal na Hari ng isang malaking anunsyo. Hindi ko alam kung para saan ‘yon. Nang makarating ang lahat sa palasyo ay nakikita kong may mga nagtatanong sa kung ano ang nangyayari. Si Myxsica ay abala sa kaniyang sarili at pag-eensayo lalo na si Vox.
Mula sa itaas ng palasyo ay naroon ang dalawang kamahalan na no’n ay bakas sa mukha nila ang pag-aalala. “Hindi pa ba tapos ang laban?” tanong ng isang babae.
“Ano naman kaya ang iaanunsyo nila?” tanong ng isa pa.
Napaangat ako ng tingin nang magsalita ang mahal na Prinsesa. “Alam kong nagtataka kayo kung bakit nagpatawag ang aking ama’t ina ng pagpupulong ngayon. Mayroon lang kaming gustong ianunsyo sa in’yo. Alam niyo naman ang nangyaring laban sa pagitan ng ating magiting na si Myxsica at isa sa mga kinatatakutan nating si Mithalia, Davina, Hellgurd at ang hari ng kadiliman na si Helicus. Nais namin kayong dal’hin sa isang ligtas na lugar upang hindi kayo madamay sa isang malaking laban—”
“ANO?”
Nag-umpisang mag-ingay ang lahat at napatingin ako sa gawi ni Myxsica na no’n ay nakatunghay lang sa amin. “Hindi niyo p’wedeng gawin ang bagay na ‘yan!” ani ng isang babae.
“Hindi kami aalis!” ani ng isang ginang.
“Para saan ang aming mga kapangyarihan kung hindi rin lang kami lalaban?”
Sa pagkakataon na ‘yon ay napatingin ako sa babaing may kulay asul ang buhok. Napatingin rin sa kaniya si Myxsica pero walang kahit na ano mang mababasa sa kaniya. Tumayo si Myxsica at saka siya lumapit sa Prinsesa. Napatingin ang lahat sa kaniya at saka siya walang buhay na tumingin sa mga tao.
“Ang mga bata at matanda ay mananatili sa ligtas na lugar. Kung sino ang handang mamatay maiiwan,” saad nito at napanganga ako sa sinabi niya.
Muli na naman silang nag-ingay at ako naman ay umalis doon at saka pinuntahan si Myxsica. Nakasalubong ko ang kambal at ang iba pa naming mga kasamahan. Nang makita ko si Myxsica ay saka ko siya nilapitan.
“Ano bang nangyayari?” tanong ko.
“Malalaman mo bukas,” sagot niya.
“Eh bakit hindi pa ngayon?” pilosopang tanong ni Baston.
Tumingin sa kaniya si Myxsica. “Oo nga? Bakit hindi pa ngayon?” sang-ayon naman ni Akia.
Tumingin siya sa aming lahat at saktong dumating sina Kelson, Hexon, Hyx, Vox at Fracia. “Lulusob ang mga mangkukulam kasabay sina Hellgurd, Helicus at Mathalia,” saad naman ni Hyx.
“ANO?” hindi makapaniwalang sabi nila.
“Agad-agad?” sabi naman ni Fracia.
“Bakit ngayon niyo lang sinabi?” sabi naman ni Baston.
Hindi na nagsalita si Myxsica at maski sina Hexon. Tumalikod ito at naglakad palayo at sumunod naman ako sa kanila. Napahinto ako nang bigla na lang may lumipad na palaso sa gawi ni Myxsica at saka ako napalingon sa kung kanino ito nanggaling at doon ko nakita ang seryosong mukha ni Jari.
“Sabihin na nating ikaw ang pinakamalakas dito sa Arendelle at sa buong dimesion. Pero hindi ba’t may karapatan kaming malaman nang mas maaga ang lahat kaysa ngayon niyo lang sinabi?” galit na sabi nito.
Sinusubukan siyang pahinahunin ng mga kasama niya pero halata ko ang galit sa mga mata niya. “Bakit hindi mo dineretsa ang pagtama ng palaso?” tanong ni Myxsica.
Hawak nito ang palaso at saka niya ito tinutok kay Jari at hinagis ang talim nito pabalik. Nanlaki ang mata ni Jari sa ginawa ni Myxsica at nakita ko kung paano itong natakot. Sobrang lapit na nito sa mukha niya at kung hindi pinigilan ni Myxsica ay malamang maaga siyang mamamaalam.
“Kung wala ka rin namang matinong sasabihin itikom mo na lang iyang bibig mo. Iisipin kong kalaban ka pero dahil taga Arendelle ka, iisipin ko na lang na iniisip mo rin ang kaligtasan nila. Isa lang masasabi ko sa ngayon… maghanda kayo.”
BINABASA MO ANG
THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOM
FantasyAko si Xyca Myxsica Frijado- ang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata. Maski ang kulay ng aking buhok ay naiiba dahil ito'y kulay puti na ang dulo ay ginto. Ang magkaroon ng natatanging kapangyarihan na naiiba sa iba ay hindi ko kailan man hi...