39 - NECKLACE

37 5 0
                                    

MYXSICA’S POV

Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa at tagos sa kaluluwa. Ramdam ko ang galit nito sa akin at alam ko naman ang rason nang lahat. Lumapit siya sa akin at saka niya ako sinakal sa leeg at mabilis naman ang naging pagkilos nila Kelson, Hexon, at Xyphus. Si Hyx ay pumagitan at saka agad na tinali ng kapangyarihan niya ang ina ni Davina.

“NASAAN ANG ANAK KO?!” galit na sigaw nito sa akin na siyang ikinangisi ko.

“Naroon sa Devuneike—gusto mo bang puntahan?” Walang ganang ani ko at napakuyom ito ng kamao. “Hindi mo ako madadaan sa pagkuyom ng kamao mo. Kung gusto mong iligtas ang anak mo ay p’wede mo namang puntahan sa Devuneike. Ikaw… kung gusto mong makasama siya p’wede naman kitang isunod,” walang ganang sabi ko at saka tumalikod sa kaniya.

Bumaba ako at saka pumasok sa palasyo at naroon ang kapatid ni Vox na no’n ay nakatingin sa akin. Nakangiti itong lumapit sa akin at akmang yayakapin ako pero hinarang ko ang kamay ko hud’yat na ayaw ko ng yakap.

“Hug is not in my vocabulary,” ani ko at nangunot ang noo niya.

“If I am the one who will hug you, I will ensure that you can’t refuse it,” nakangising sabi naman ni Xyphus.

“Eh kung yakapin kita sa leeg hangang mag-violet kang kupal ka?” sabi ko at saka siya napataas ng parehong kamay na ani mo ay sumusuko.

“Salamat sa pagmamahal mong nakakamatay aking reyna,” banat niya at napailing na lang ako.

Dinala namin ang babae sa isang kulungan sa ibaba nitong palasyo. Matapos ‘yon ay ko siya hinarap na walang kahit na sino man. Sinabihan ko kasi sila na iwan muna ako at kailangan kong makausap ang babaing ito at alam kong bukod kay Davina ay may iba pa siyang pakay sa akin.

“Gusto kong sumagot ka ng maayos dahil alam kong hindi lang naman si Davina ang kailangan mo,” saad ko at saka sumeryoso ang mukha nito.

“Bakit ba ako magtataka sa kakayahan mo?” saad nito. Hindi ako umimik at hinayaan ko lang siya na magsalita. “Totoong hindi lang ako naparito dahil kay Davina dahil naparito din ako dahil kay Fracia,” seryosong sabi nito.

Hindi ko pinahalata na may tanong ako sa aking isipan at sa kung ano ang relasyon niya kay Fracia. “Ano ang kinalaman ni Fracia dito?” walang reaksyong tanong ko.

Ngumisi siya at saka lumapit sa aking ng bahagya. “Alam kong alam mo ang kung ano ang tinatagong kakayahan ni Fracia, Myxscia.” Tinignan ko ang mga mata nito at sa totoo lang ay alam kong kung ano ang nasa isip niya.

“Ang tanong mo ang sagutin mo. Alam ko ang kapangyarihan ni Fracia at wala akong pakialam doon. Ang tanong ko ay kung ano ang kinalaman ni Fracia dito.”

Umayos siya ng upo at nadismaya dahil hindi man lang niya ako magawang masindak kahit sa masamang titig nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong sindakin samantalang hindi naman ako tatalaban ng mga gano’n. Inilahad niya ang palad niya at saka may lumabas na kwintas doon at saka ako napatingin sa kaniya at napatingin ulit sa kwintas.

“Ang kwintas na ‘to ang magsasabi kung ano’ng klasing nilalang si Fracia bukod sa isa siyang mangkukulam,” saad niya.

Binigyan ako nito ng nakakalokong ngisi at saka niya inilapag ang kwintas na hawak niya. Sa pagkakataon na ‘yon ay bigla naman siyang nawala at hindi na lang ako nag-react pa. Tinignan ko ang kwintas at saka ko kinuha ito at umalis sa selda at bumalik sa silid ko. Tinitigan ko lang ang kwintas at nag-iisip sa kung ano ang gagawin.

I read her mind but why I feel like there’s something on it?

Nagulat ako sa pagkatok sa pinto at agad kong tinago ang kwintas at saka bumungad sa akin ang mukha ni Xyphus. Nangunot ang noo niya at saka ako napaayos ng sarili ko.

“Davina’s mother was escaped…” ani niya.

Hindi ako nagsalita at lumabas na lang ng k’warto. Naroon sila Abriya, Fracia, Hexon, Kelson at Hyx. “Pagtingin ng mga kawal ay wala na siya sa kulungan,” sabi ni Abriya.

Tinignan ko si Fracia at napakunot ang noo nito sa akin. Sa totoo lang wala naman akong ibang nararamdaman na kung ano kay Fracia at tanggap ko kung galing man siya sa mga mangkukulam dahil hindi naman siya gano’n kasama katulad ni Davina. Sa totoo lang ay kabaliktaran niya si Davina at ang babaing ito ay handang mamatay para sa Arendelle.

“M-May dumi ba ako sa mukha, Myxsica?” nagtatakang tanong nito at saka napahawak sa mukha niya.

“Mayroon ka bang hindi sinasabi sa amin, Fracia?” makahulugang tanong ko sa kaniya.

“Ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong naman ni Abriya.

“Uy! Hindi ako nagpakawala sa ina ni Davina. Nag-eensayo kaya ako ng kapangyarihan ko sa gym,” despensa niya sa sarili niya.

Imposible ang iniisip ko dahil inosente si Fracia.

Tinalikuran ko sila at sinundan naman ako ni Xyphus at saka nito ako biglang hinila papunta sa kung saan. Nang kaming dalawa na lang ay no’n ko lang napansin ang bagong gupit nitong buhok na bumagay sa kaniya. Ang linis na rin ng mukha niya kasi wala na ‘yong nakakaasar niyang bigote at balbas. Isa pa ay mas lalo siyang naging g’wapo dahil sa suot niya ngayon.

“Putangina ano bang iniisip ko?” bulong ko sa sarili ko.

“What are you whispering to?” tanong nito sa akin.

Hindi ako nagsalita at tinaasan ko lang siya ng kilay at saka ko pinag-cross ang braso ko sa kaniya. Napangiwi siya at saka siya ngumiti sa akin at akmang yayakapin ako pero tinapat ko sa kaniya ang palad ko at biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya.

“Aw~ walang hug,” kunwaring malungkot na sabi niya. “Para sa batang ako… diyan ka lang walang yakap at kiss dito,” pabulong na sabi niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. “Alam mo ang hirap mong lambingin,” nadidismayang sabi niya sa akin.

“Alam ko ang kung ano ang itatanong mo sa akin at wala akong kahit na ano mang sasabihin sa ‘yo,” sagot ko at akmang lalabas pero humarang siya.

Bigla ay hinigit ako ni Xyphus sa bewang ko dahilan para mapasinghap ako. Ang pagkakahigit niya sa akin ay halos magdikit ang labi namin na siyang ikinakaba ko. Napatitig ako sa mga mata niya at saka ako napababa ng tingin sa labi niya at napalunok ng malala. Ramdam ko ang hininga ni Xyphus at sa totoo lan ay hindi ko alam kung bakit parang biglang nanlambot ang binti ko sa pagkakataon na ‘to.

“Malakas ka pagdating sa laban pero mahina ka sa ibang laban,” bulong nito sa akin at naitulak ko siya. “Opps… you’re touching my chest darling~” pang-aasar pa niya sa akin.

“FUCK, XYPHUS!” inis na singhal ko.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon