Chapter 20: Unexpected Surprise

629 10 2
                                    

A/N: This is the start of the last story arc ng novel na to at malapit na siyang matapos. Hope basahin niyo siya 'til the very end. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Frizz’ POV

            Matapos naming mag-breakfast, nag-decide kami ni Janice na maglakad-lakad na lang muna sa front beach. Nagu-umpisa na ang second event sa camp pero sabi naman ni sir George pwede ng mamasyal yung nag-participate sa race eh, para makapag-rest naman daw kami.

            Hindi pa kami nakakalayo nung nakasalubong din namin si Keeno na naglalakad-lakad din sa may dalampasigan.

            “Anong ginagawa mo,” tanong sa kanya ni Nichie nung makalapit na kami sa kanya.

            “Wala naman, may iniisip lang,” sagot niya na sa akin nakatingin kahit si Nichie ang kumausap sa kanya. Bakit na naman kaya?

            “Tungkol saan naman,” tanong ulit ni Janice.

            “Hmm, nevermind na lang ‘yun. Pero siya nga pala, alam niyo ba kung saan ang starbucks dito,” sagot niya.

            “Yeah, nasa station one. Tara! I need my dose of coffee too,” ako na ang sumagot. Merong hesitation sa mga mata niya nung una pero maya-maya pa eh sumunod din naman siya.

            “I’ll go order for us guys pasalamat ko na din at sinamahan niyo ako,” sabi ni Keeno nung makarating na kami dun.

            “Sige!” Tuwang-tuwa naming sabi ni Janice.

            “I’ll have mocha frap,” dagdag ni Janice.

            “Gotcha,” sabi ni Keeno. “Ikaw ba,” tanong niya as he stares at me.

            “I’ll have a Japanese Hojicha Tea Latte, thanks sa treat,” sabi ko sa kanya with a smile.

            “Ikaw pa, lakas mo sa akin,” he said smiling back.

            “Punta muna kami ni…”sabi ni Janice pero di niya na natuloy ang sinasabi niya nung biglang may tumawag sa mga pangalan namin.

            “Izzie! Nichie! And oh my, Keeno? You’re all here,” sigaw ng isang boses at pagtalikod naming lahat, napanganga na lang kami pare-pareho sa nakita namin…it’s Amber!

            “Am—Amber,” nauutal kong sabi as I stared at her.

            “Sayang, nasira ang plano ko. I went to your house Izzie pero sabi ni tita umalis daw nga kayo ‘cause you have some sort of leadership camp pero di niya sinabing dito yung camp na ‘yun. Nako kung alam ko lang di nalang ako pumunta dito. I wanted to surprise you pero nung nakita ko kayo di ko na naiwasang tawagin ang pangalan niyo,” mabilis na sabi niya. Halatang excited na excited siyang makita kami. She gave both me and Nichie a big hug at hinalikan niya din si Keeno sa cheeks niya sabay sabi, “Hey bee.”

            Nagulat si Keeno sa ginawa ni Amber pero maya-maya pa eh ngumiti din siya sabay sabing, “Hey…baby.”

            Napatingin na lang sa akin si Nichie na halatang confused sa nangyayari at ako naman, ngumiti na lang kahit eto, once again nasasaktan na naman ako. Si Amber nga pala yung best friend ko dati at kababata ni Nichie na ex ni Keeno. At yung ‘bee’ at ‘baby’ thingy na pinagsasabi nila, endearment lang nga pala nila ‘yun dati which is confusing kasi nga diba wala na sila? Pero bakit ganun, kung wala na sila bakit yun pa rin ang tawagan nila? Akala ko may chance kami ni Keeno pero bakit ngayon parang wala na naman?

            “Hey Amber, you got’ta check out the view from…” sabi ng isang matangkad at matipunong lalake sa may hagdanan. “Izzie!” Dagdag niya nung nakita niya ako. “Kuya Bryan, you’re here,” medyo gulat din na sabi ko. Si kuya Bryan naman ang older brother ni Amber.

            “Well I wasn’t expecting to see you here but I’m so glad I did. I missed you my little prinsesa,” sabi ni kuya Bryan as he came up to me and hugged me tightly. Close kami ni kuya Bryan. Siya ata ang prinsipe ko nung mga bata pa kami at ako naman ang prinsesa niya, pero sa bahay-bahayan lang yan huh.

            Agad din namang napatingin sa amin si Janice at si Keeno nung ginawa niya ‘yun.

            “Haha grabe kung nakita mo lang ang disappointment sa itsura ni kuya nung nagpunta kami sa bahay mo tapos wala ka tapos dito ka pala namin makikita,” sabi ni Janice na may patawa-tawa pa.

            “Ssh! Ay grabe, ‘wag mo naman akong ilaglag ‘to talaga oh,” sagot ng kuya niya na kinurot pa ang cheeks niya. “Ay kumain na ba kayo? Tara, tambay muna tayo sa itaas. Treat ko,”  dagdag pa ni kuya Bryan.

            “I’m treating Frizz…” seryosong sagot ni Keeno na nakatingin kay kuya Bryan. “…and Janice,” dagdag pa niya as he continues to stare. Hala! Ano na namang nangyayari sa intsik na ‘to? Parang naghahamon siya ng away sa ginagawa niyang ‘yan eh.

            “O—kay. Then, I’ll buy the food,” awkward na sagot ni kuya Bryan as he smiled.

            “Then…we girls are going up the third floor. Seems like we have a lot of girl talk to discuss,” sabi ni Amber at tingingnan niya kaming pareho ni Janice. Things are about to get interesting.

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Kung di niyo naalala si Amber, go back to the first chappy. :) Photo of Boracay Starbucks on the side. 

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon