Chapter 16: Finish Line

793 12 3
                                    

Author's Note: Ang dami lang na revelation sa chapy na 'to. Hope you'll enjoy it. Read on! 

Photo on the side is Keeno, Frizz, Rocky and Janice. :)

Dedicated to: missingcrazygirl <<

----------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

            “Welcome contestants,” sabi ng isang kulot na babaeng nakatayo sa likod ng table. ‘Di na ito bago sa amin, sigurado siya yung in charge para ibigay ang challenge sa amin.

            “You have all heard the expression ‘Finding a needle in a haystack’ well in this challenge, that’s exactly what you’re aiming to do,” sabi niya na may ngiti sa kanyang mga labi. What the hell? Nasisiraan na ba sila ng bait? Sa liit ng karayom, paano naman namin ito mahahanap sa gabundok na haystack? Reklamo agad ng utak ko nung narinig ko ang sabi ng babae. Pero kahit ano man ang mangyari, dapat kami ang manalo sa challenge na ito dahil kung hindi, matatalo ako sa bet namin ni Rocky, which means magtatagumpay siya sa pagsabi kay Frizz ng nararamdaman niya. Lolokohin niya lang siya, dapat ko siyang pigilan.

            “Behind me, you’ll see a path. At the end of that path, you’ll see stacks and stacks of haystack. Bawat haystack ay may sampung needles na nakatago sa kanila. Find at least one at eto ang magiging ticket niyo sa zip lining station. And all you need to do after that is zip your way to the finish line. So good luck and go!” Sabi ng babae at walang ano-ano ay agad kaming nagsitakbuhan lahat papunta sa path. Ako, si Frizz, si Janice at si Rocky, lahat kami parang may pinanghuhugutan na rason kung bakit gusto naming manalo. Alam ko ang rason naming dalawa ni Rocky…si Frizz. Pero ‘di ko alam kung ano ang posibleng rason nina Frizz at Janice. Oh siguro, sadya lang talaga silang competitive. Ewan!

            Maya-maya pa ay narating na din namin ang dulo ng path. Isa palang golf course ang nasa dulo ng path na ‘yun pero ngayon, puno ng haystack na halos ten feet ang taas ang nakalagay sa course na ‘yun.

            Agad sinunggaban ni Frizz ang unang haystack na nakita niya. “Be very focus and keen. ‘Wag masyadong mabilis kasi baka andyan na ang needle, di mo pa napansin kasi ‘di mo masyadong inusisa ang hawak mo. ‘Yan ang technique dito Keeno,” sabi niya sa akin nung nagsisimula na siyang maghanap. Bigla akong napalingon kina Janice at Rocky na hinuhukay ng napakabilis ang haystack nila, ang gulo ng ginagawa nila. Habang si Frizz, hindi nagmamadali at napaka-observant sa ginagawa niya. I can see the seriousness in her eyes, pero parang di din siya takot na matalo. Lumalabas na naman ang pagiging mysterious niya.  

           

Frizz’ POV

           

            I want to win this so badly. Gusto kong ma-impress sa akin si Keeno, sa talino at talento ko. Di naman sa pagmamayabang pero ‘di ko naman maikakaila na meron talaga ako ‘nun. Hayaan niyo na lang kasi ako, ‘di naman ako maganda kaya ‘yan na lang ang ipagmamalaki ko. Hahaha!

            Pero bakit? Bakit ba gusto kong ma-impress sa akin si Keeno? Ibig sabihin ba ‘nun gusto kong mahulog ang loob niya sa akin? Kung ganun nga, ibig sabihin ba ‘nun gusto ko na siya? Love ba ang tawag ‘dun? Yikes! Nasusuka ata ako.

            Patuloy pa rin kami sa paghahanap ng needle na ‘yun. Isa lang naman ang kailangan namin kaya mukhang malaki naman ang chance namin na mapagtagumpayan ang task na ‘to. Pero kasi naman eh, nadi-distract ako. Nadi-distract ako sa sinabi ni Janice nung nasa beach pa kami. Nung nasa second station pa kami ng game habang nagda-diving sina Keeno at Rocky.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon