Chapter 4: Dating Mr. Emo

1.1K 17 6
                                    

          Author's Note: Na-realize ko wala pala akong masyadong contact na Pinoy dito. *sad face* Sa mga Pinoy po na makakabasa ng story ko (well obviously Pinoy sila, alangang basahin ito ng isang Americano eh nakatagalog to. ) magparamdam naman po kayo. Di ako nangangaggat, promise! XD

-------------------------------------------------------------------------------------

             Tsk! Tama ba ‘yun? Paghintayin ba naman ako ng mahigit 20 minutes na dito. Di niya ba alam na napaka-impatient kong tao? Well malamang hindi. Ilang araw pa lang naman kaming nagkakilala ah.

            Walang tigil kong pinagmamasdan ang relo ko. Ang boring naman! Imbis nagre-relax ako sa bahay ngayon dahil sabado, nandito ako sa mall at naghihintay sa Keeno na ‘yun. Mall pa kasi eh! Di naman ako mahilig gumala sa ganitong lugar.

            Uy, kayo huh! Oo kayong nagbabasa nitong story na ‘to. Para sabihin ko sa inyo, hindi ito date. Bakit naman ako makikipagdate sa tsonggong Keeno na ‘yun? Asa!

            Kaya lang naman ho ako nandito kasi sabi niya ipapakilala niya sa akin ang first potential boyfriend ko. Pero uy, di ako desperado huh. Pinagbibigyan ko lang siya kasi nga may evil plot ako diba. Hehehe! Napatawa na lang ako bigla nung maalala ko uli ang plano ko.

            “Frizz!” Sabi ng isang boses ng lalake sabay hawak sa likod ko.

            “Ay gagamba na may sampong paa,” gulat na sambit ko.

            “Hahaha, ano raw? At kalian pa nagkaroon ng sampong paa ang gagamba?” Sabi ng isang tumatawa na Keeno habang naupo siya sa harap ko.

            “Kasi huwag mo akong ginugulat,” sabi ko sa kanya sabay hampas ng malakas sa balikat niya.

            “Aray naman! Napaka-sadista naman nito oh,” reklamo niya.

            “Oo na, so ano na. Ano ng gagawin natin ngayon?” Tanong ko sa kanya. Di naman halata na bored na ako no?

            “Sus, excited naman ‘to oh. Halika, puntahan na natin siya,” sabi niya sabay hila sa kamay ko.

            Uy! Ano yan? Bitawan mo nga kamay ko? First time ko kayang makipag-holding hands sa isang lalake—na mukhang tsonggo. Pero shit! Bakit ang init ng mukha ko, namumula ata ako.

            Makaraan ng ilang minuto, huminto na din kami sa paglalakad at binitawan niya na rin sa wakas ang kamay ko. Whew!

            “Ayun, nakita mo ba ang lalakeng ‘yun?” Sabi niya sabay akbay sa akin at turo sa malayo. Sipain kita diyan Keeno eh. Binitawan mo nga ang kamay ko, inakbayan mo naman ako ngayon. Tsansing na ata to eh.

            “Hoy! Saan ka ba tumitingin?” Sabi niya matapos ng ilang segundo nung narealize niyang di ako nakikinig sa kanya. Kasi naman distracted ako sa kamay niya na nakapatong sa balikat ko eh.

            “A—asan diyan?” Nauutal kong sabi nung natauhan na ako ng konte.

            “Yung nakasandal sa pader,” sabi niya na turo parin ng turo.

            “Yung naka-black ng T-shirt?” Tanong ko sa kanya.

            “Oo ‘yun nga. His name is Matthew Mendez, half-American na barkada ko from grade school. Siya lang naman ang irereto ko sa ‘yo. Oh, astig diba? Match na match kayo,” sabi niya na halatang tuwang-tuwa sa accomplishment niya.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon