Author's Note: Hoity-toity ang title ng chapter na 'to. Reader's alam niyo ba ang meaning 'nun? Hehehe gusto niyong malaman? Fufufu ang Hoity-toity lang naman po ay "kilig" in Tagalog. Oh hah, may bago kayong natutunan sa akin 'no? Kaya tulungan niyo na akong mag-promote ng story ko. Interesting naman siya diba? Tapos, may natutunan ka pang bago. LOL <<
Dedicated to: StuckIn13Lena <<
---------------------------------------------------------------------------------------
‘Di ako maka-getover sa sinabi sa akin ni Keeno noong araw na ‘yun. Kahit noong patulog na ako, ‘yun pa rin ang naaalala ko.
Kakalimutan na talaga ako ng tuluyan ni mama. Aalis sila ng bansa. Iiwan na niya talaga ako. ‘Yun ang sabi niya. I actually felt bad for him kaya sinamahan ko siya buong araw hanggang makatulog siya kanina. Actually, kakauwi ko nga lang galing sa apartment niya eh. Pero uy, ano yan? Ang sama naman ata ng tingin niyo. Wala kaming ginawang masama no. nag-usap lang kami ng nag-usap. Yun lang! Geez, ang green niyo naman. Sige, para maniwala kayo, flashback tayo.
…
“Upo ka,” sabi ni Keeno nung makarating na kami sa apartment niya. Saan naman kaya ako uupo eh ang upuan niya puro gamit ang nakalagay. Lalake talaga oh.
“Teka, bibili lang ako sandali ng makakain natin sa labas. Baka nagugutom ka na,” sabi niya sabay tapon ng gamit niya sa sahig at palabas na sana uli siya nung nagsabi ako ng, “Wag na. Di naman ako gutom eh.”
“Tss. Eh ako gutom. Kung ayaw mo kumain eh di ako na lang,” sagot niya sabay labas din ng kwarto.
Tsk. Yung lalake talagang ‘yun oh. Ang sama ng ugali. Sabi ko na lang nung naka-alis na siya. Naghanap na lang ako ng interesting things na makikita sa kwarto niya nung umalis siya. Kung ano-ano ang nakita ko, mga video games, CD’s ng mga Filipino bands, at Playboy magazines.
Hmp. Mahilig din pala ‘yun sa ganito. Kung sabagay, mukhang lahat naman ng lalake eh. Sabi ko na lang at binalik uli ng maayos ang magazine sa kinalalagyan niya.
Napalingon ako nung may nakita akong kakaiba sa isang wall ng room niya. Kahit kasi pader lang ‘yun, tinatabunan siya ng isang itim na curtain. Pero sa banding gilid, may nagpo-poke out na something colorful. Ano kaya yun? Tanong ko sa sarili ko. Linapitan ko ito kaagad at nung tinanggal ko ang black na tela na nakatabon sa wall na ‘yun, napa-wow na lang ako sa nakita ko.
Ang ganda! Ang ganda-ganda! Painting ng solar system complete with the constellation and planets. Tapos sa gilid may signature ni Keeno. I guess siya ang nag-paint nito. Magaling pala mag-paint ‘yun.
Nakuha ang attention ko sa painting nung may nakita akong calendar sa pintuan sa kanang banda ng wall na ‘yun. May nakalagay kasi na note sa October 15 na talaga namang ikinagulat ko.
“My birthday? So, malapit na pala ang birthday ng tsonggo na ‘to,” sabi ko na lang sa sarili ko.
“Anong ginagawa mo?” Sabi na lang ng isang boses bigla-bigla na alam kong walang iba kundi si Keeno.
“Ahh wala. Ina-admire ko lang ang painting mo. Ang galing mo pala,” sabi ko sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Novela JuvenilSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?