Author's Note: Reader's ba't ang quiet niyo? No silent redears please. Kailangan ko ng critiques and comments niyo to help me grow and become a better writer. :(
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
“AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Di napigilang tumawa ng malakas ni Keeno nung naikwento ko na sa kanya ang nangyari sa amin ng emo na si Matt.
“So—sorry Frizz—di ko—alam na—malala na ang—sakit ni Matt sa—utak,” sabi niya na di na makapagsalita ng maayos dahil pinipigilan niyang tumawa.
Poker face ko nalang siyang tinitigan. Hindi naman halatang pikon ako no?
“Tawa-tawa ka pa diyan, batukan kita diyan eh,” galit na sabi ko.
“Lumabas na naman yang sadistic side mo,” sabi niya na unti-unti ng nahihimasmasan sa sinabi ko sa kanya.
“Makatawa ka naman kasi eh,” sabi ko sa kanya sabay tingin ng masakit at as if naalala na naman niya ang ikenwento ko, napatawa na naman siya ng malakas.
Grr! What a jerk!
“Alis na ako,” galit ko na sabi sa kanya sabay walk-out. Pero iilang steps pa lang nga ang nalakbay ko nang may humawak ng mahigpit sa kamay ko sabay sabing, “Teka lang. Hindi na talaga. Sorry.”
In fairness sa Keeno na ‘to ang cute naman pala niya kung magseryoso siya. Namumula na ata uli ang mukha ko. Deym! Bakit kasi ang bilis kong ma-shy pagdating sa mga lalake eh.
“Oo na,” sabi ko sabay balik dun sa swing na kinauupuan namin kanina. Agad din naman siyang umupo sa tabi ko. Opo, sa tabi ko. Pang-dalawahan kasi ang swing na ito eh.
AWKWARD SILENCE.
Hay! Bakit ba ako pinigilan ng lalakeng ito na umalis kung di naman siya magsasalita. Panay lang ang tingin niya sa mga kabataang naglalaro sa park nung araw na ‘yun. Ah, alam ko na.
“Kwentuhan mo ako,” demand ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sinabi ko, di ko nga alam kung bakit. Seryoso naman ako ah.
“Anong kwento,” tanong niya pagkatapos niyang tumawa. “Ah alam ko na, gusto mo horror? Okay eto huh, once upon a time…” dagdag niya pa pero pinigilan ko siya agad sabay sabi, “Hindi ‘yun. Bakit di ka maka-commit sa isang relationship? Sabi mo may sasabihin ka sa aking sikreto diba?”
Natigilan siya sa sinabi ko and the smile on his face earlier immediately went away.
Patay! Wrong move ata ‘to. Sabi ko sa sarili ko. Pero after a few while, nabasag din ang katahimikan between us nung finally nagsalita na uli siya.
“Wanna meet her?” Tanong niya sa akin.
“Meet who?” Sagot ko sa kanya kahit medyo nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang hinala ko? Gusto niyang makilala ko ang tao na naging reason kung bakit ganoon siya?
“Basta, sama ka nalang,” sabi niya sabay hawak uli sa kamay ko.
Alam ko ang iniisip niyo. Iniisip niyo namumula ako uli ngayon no? Di kaya! Kinakabahan kasi ako. Lumilipad ang utak ko sa mga possible things na mangyayari mamaya kaya ‘di ko na napapansin ang kamay ni Keeno. Sino kaya ang ipapakilala niya sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/2426167-288-k352893.jpg)
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?