Chapter 13: The Realization

817 12 4
                                    

A/N: Bonus long chapter kasi matagal naman akong nawala. Sorry! hahaha Dedicated kay missingcrazygirl kasi na-miss niya daw ako at na-miss ko din siya ng bongga. Whaaa actually I missed you all. T____T Haha drama lang ang peg.

Anyways, photo on the side ay ang the Grotto na makikita sa Boracay. Malalaman niyo kung bakit nandyan 'yan if you read the story. XD

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

            Matapos naming kumain ng lunch ay pinatawag na kaming mga representative sa labas ng gate ng resort dahil ‘dun daw magsisimula ang race namin. I wore the most comfortable clothes I could base sa instruction na binigay sa amin kanina so shorts at loose shirt ang sinuot ko. Mukhang nagtanto naman ang isip namin ni Frizz kasi naka short shorts din siya at tight shirt. Nag-match pa kami ng color ng shirt, red. Para naman kaming couple nito. Haha

            “Ready?” Tanong niya sa akin as she approach me.

            “As ready as I’ll ever be,” sagot ko.

            Nang makompleto na ang mga participants sa rendevouz area ay nagsimula na silang sabihin ang further instructions sa amin.

            “Welcome participants to the first event of the Leadership Seminar,” sabi ng isang matangkad na babae as she steps up the stage at nagpalakpakan naman ang mga tao.

            “Okay, so ang race na ito ay isang race to the finish. Dito ang starting point natin at dito rin ang finishing point natin. Bibigyan namin kayo ng isang mapa, one thousand peso, at isang clue to the first station bago mag-start ang race. Whoever wins this race will win five computer units for your school,” sabi niya ulit na ipinakita sa amin isa-isa ang makukuha namin. Napa-wow naman kami lahat pagkarinig ng prize. That’s a big deal for the school.

            And with that, may nag-umpisa ng lumibot para ibigay ang mga gamit na kailangan namin.

            “Good luck,” sabi nina Kush sa amin habang winawagayway ang envelope na may laman ng clue nila.

            “Good luck,” sabi ni Frizz sa kanila at tumingin din sa pair ni Rocky at ni Janice para ipasa ang message.

            Napatingin ako kay Janice na at that moment ay nakapulupot ang kamay kay Rocky. Mukhang game na game siya sa plano namin. Ayos ‘to! Magtatagumpay kami sa plano for sure.

            “On your marks...” nagumpisa ng magsabi ang instructor sa harap at napatingin na lang ako kay Frizz. Napaka-evident ang confidence sa mukha niya kaya pati ako nahahawaan niya ng confidence niya. No matter what, we’ll try our best to win this.

            “Get set…” Naka-ready ng buksan ng mga kamay ko ang envelop ngayon. “Go!” Malakas ng sigaw ng instructor at agad-agad ko ng inopen ang envelope.

            “Head to the d’ mall area by any means possible and find the first station,” sabay naming binasa at agad-agad niyang hinila ang kamay ko. Di ko na napansin kung saan nagtungo ang ibang grupo. Halos sabay-sabay lang kaming nag-desperse mula sa kinatatayuan namin. This race is worth a lot of prize kaya din siguro desperate lahat ng participants.

            “Manong d’ mall po,” sabi ni Frizz sa isang tricycle driver at agad naman kaming sumakay dito.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon