Chapter 3: A Dare

1.4K 15 19
                                    

Author's Note: Sorry kung medyo cliche' ang nangyayari sa story. Pero actually, totoo kasing nangyari ang mga events na ito eh. Malapelikula lang talaga siya. hahaha

Dedicated to: EllieCue <<

-----------------------------------------------------------------------------------------

     “Grr! Nakakainis talaga siya Nichie. Biruin mo yun, muntik na niya akong halikan,” sobrang galit na sabi ko habang kinikwento ko kay Nichie ang nangyari nung isang araw sa clinic. Si Janice nga din pala si Nichie. Yun ang binigay kong nickname sa kanya kasi ang awkward kong ‘Jan’ ang nickname niya or ‘Nice’ eh. Di naman siya lalake at di din naman bagay ang nice kasi may pagka-maldita siya. Haha pero huwag niyong sabihin yun sa kanya huh.

            “Hmm, eh ano ba naman kasi ang masama dun Izzie? Cute naman si Keeno ah, sikat pa siya dito sa campus. Ayaw mo ba sa kanya?” Sagot naman sa akin ni Janice. Izzie din nga pala ang nickname niya para sa akin. Siya lang ang may karapatang tawagin ako sa name na ‘yun kasi matagal niyang pinagisipan yun para sa akin.

            “Ano ka ba Nichie. Alam mo naman ang mga type ko diba?” Sabi ko sa kanya habang may mental photo ni Kai from the band, the GazettE, na nagfla-flash sa utak ko.

            “Oo, yung mga taong parang anime ang hairstyle na medyo bad boy na mahilig din sa mga hilig mo, pero Izzie ano kaya yun, saan ka naman makakakita ng boy replica mo? Eh one of a kind limited edition ka kaya,” sabi ni Nichie na may patawa-tawa effect pa. Di ko maintindihan if mao-offend ako or matutuwa sa sinabi niya eh.

            “Ah basta! Di ako magbo-boyfriend kung hindi lang naman ganun yung guy. It won’t be worth it kung masaktan man ako, baka magsisi pa ako niyan eh,” seryosong ika ko.

            “Yan, yan ang problema sa ‘yo eh. Wala ka pa nga sa isang relasyon ang bad break-up na agad ang iniisip mo. Ano kaya yun,” sani niya sa akin na may concern sa pagmumukha.

            “Alam mo naman kung bakit takot ako diba Nich? Ikaw ba naman ang paligiran ng mga bigo na tao at broken family and relationship eh, di ka magiging tulad ko?” Sabi ko na lang sa kanya while sighing out loud at napalingo-lingo na lang siya sa sinabi ko.

            “Ay hinayupak na kabayong walang buntot,” napasigaw na lang ako bigla nung tinapik ako ng malakas ni Nichie sa balikat ko. Napatunganga ata ako sa conversation namin eh. Haha.

            “Nichie naman eh, bakit ba?” Reklamo kong tanong sa kanya.

            “Nichie naman eh ka diyan. Tulo laway naman ‘to oh. Umayos ka nga, may paparating pa namang gwapo,” sabi niya sa akin na inuuyog pa ang balikat ko at pilit inaayos ang buhok ko.

            “Aray, ano ba. Sino bang tinutukoy mo?” Naiinis na sabi ko habang pinipigilan ko siyang galawin ang buhok ko. For her information, di po magulo yan. Ganun lang talaga ang tinatawag na Visual Kei hairstyle. Ang orz naman ng friend kong ‘to oh.

            “Ayun oh, si Mr. Campus Crush Keeno papunta dito,” sabi niya sa akin na kinikilig pang tinuturo ang lalakeng palakad papunta sa direksyon namin.

            Nagulat naman ako sa mga nakikita ko. Nagpapa-cute pa siya habang nakatingin sa amin. Anong balak nito sa akin? Pero asa naman ako na ako ang pinupuntahan nito. Baka si Janice! After all, siya ang mga type ng lalakeng tulad niya no.

            “Ayan na siya!” Tiling bangit ni Janice na nagspa-sparkle pa ang mata habang nakatingin sa kanya. Ang babaeng talaga na ‘to oh, ang sarap batukan.

            “Hi Keeno,” sabi ni Janice na may pa-wave-wave pang nalalaman nung nasa harap na namin ang lalake. The guy flashed his most perfect smile on her. Sabi ko na nga ba kay Janice ang punta ng lalakeng ito eh.

            Pero teka, bakit siya biglang napatingin sa akin? Nag-smile din siya sa akin na nakalabas pa ang dimples niya sabay sabi, “Hi Frizz. Uhm, busy ka?”

            “Malamang hindi, tambay nga ang ginagawa namin dito diba?” Masungit na sabi ko sa kanya.

            “Kung ganun, gusto mo labas tayo? I’ll treat you coffee,” sabi niya ulit na todo smile pa.

            “Mukha ba akong di maka-afford ng kape?” Taray ko uli sa kanya.

            “I have this gutt feeling na di mo ako gusto,” sabi niya na tumatawa pa. Ano naman kaya ang nakakatawa dun?

            “Hahaha gutt feeling ka diyan, obvious kaya yun,” sabi ko sa kanya na iniinsulto pa ang pagtawa niya. “Makaalis na nga!” Dagdag ko pa sabay walkout. Ako na! Ako na talaga ang taray queen EVER. Hahaha

            “May love phobia ka daw?” Pasigaw na sabi niya nung malayo na ako. Nagtawanan naman bigla ang mga osisera at osiserong tao na nakarinig sa sinabi niya. Grrr! Bwisit talaga ang lalakeng ‘to. Pinapahiya na naman ako.

            “Eh ano naman ang paki mo sa problema ko sa puso?” Pasigaw na sabi ko sa kanya habang lumalakad pabalik kung asan siya.

            “Then, l dare you!” Sabi niya na may smug look pa sa kanyang mukha.

            “Dare? Dare me what?” Iritang tanong mo sa kanya.

            “I dare you to trust me and I’ll find you the best guy to fall in love with,” sagot niya na with a grin on his face.

            “Trust you? Like hell I will! Ikaw na Mr. Playboy at heartbreaker. Why would I ever trust you?” Pagalit na sabi ko sa kanya at magwa-walkout na uli sana ako nung sinabi niyang, “Cause I want to trust and believe in myself too.”

            Napatingin na lang uli ako sa kanya and I stared at him confusingly saying, “Huh?”

            “Tama ka! Playboy ako and I broke a lot of heart, including one of your friends, naalala ko ‘yun. But I don’t want to be that anymore. Napapagod na din naman ako eh. I do want to find the perfect girl for me. So help me trust a girl and commit to a relationship and I’ll help you find a guy that will be perfect for you,” sabi niya with that cute smile on his face again.

            “Ano daw? Bakit mo pa ako kailangang maghanap ng babaeng pagkakatiwalaan mo. Eh for sure naman ang daming nagkakandarapa sa ‘yo na loyal na loyal sa ‘yo no,” sabi ko na kumakati na ang ulo sa pinagsasabi ng lalakeng ito.

            “Just say yes to the dare and I’ll tell you my secret. Malalaman mo kung bakit ikaw ang pinili kong partner sa case na ‘to,” sabi niya.

            Nakakaintriga naman ang lalakeng ‘to. Ano naman kaya ang tinatagong sekreto nito at bakit sa lahat ng tao na pinili niyang tulungan siya, ako pa. Eh di naman kami close nito no. Actually, I hate his gutts nga diba. Gusto ko pa ngang mag-extract ng revenge sa mga panghihiyang ginawa niya sa akin eh.

            Ding! Ding! Ding! Ding! Ding! Ding!

            Parang malalakas na bell ang narinig ko nung bigla ako nagkaroon ng bright idea. Alright, trust you pala huh. Sure! I’ll go with this for a moment. Tutal, sasabihin mo sa akin ang secret mo diba? That only means you need to trust me too. Sige, trust ME! Go ahead! Ehehehehehe! Napatawa na lang ako internally nung nag-flash ang evil plan sa utak ko.

            Tingingnan ko siya ng aking pinakamabalasik na tingin at sinabi ang mga katagang, “Fine! Dare accepted.”

 ----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Photo on the side is Kai. Yung crush ni Frizz. xD

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon