Chapter 29: Mobbed

532 8 0
                                    

A/N: Ang swerte ni Frizz sa chappy na 'to ah in fairness...gusto ko ding mangyari sa akin 'to. ahahaha

----------------------------------------------------------------------------------------------

Frizz’ POV

“Kuya bayad po,” sabi ko sa driver ng trike at binigyan ko siya ng bente. Di ko na kinuha ang change, nagmamadali ako eh.

            Agad akong tumakbo papunta sa loob ng simbahan. Nahihingal na ako nung makaabot ako sa may garden na entrance ng isang pintuan papasok ng simbahan ng biglang may mahulog na tao sa harap ko.

            “Ay tukmol na lumilipad,” gulat na sabi ko.

            “Ahh aray!” Dumadaing sa sakit nung taong nahulog pero teka mukhang pamilyar ang boses sa akin ng lalakeng ito ah. Napalingon ako sa paligid ko at oo nga, pamilyar din itong lugar na ‘to.

            “Ke...Keeno,” confused na tawag ko dun sa lalakeng nahulog. Nakatalikod kasi siya kaya di ko makita ang itsura niya.

           “Uy, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito,” sabi niya nung tumingin na siya sa akin. Si Keeno nga. At yun ‘yung exact words na sinabi niya sa akin nung una kaming nag-meet sa lugar na ‘to. Eto ba ang emergency na sinasabi nila? Ano na naman ang trip ng lalakeng ‘to? Ah! Alam ko na.

            Agad kong kinuha ang digital camera na nasa bag ko. Sakyan ko nalang nga ‘to.

            “Obvious ba? May hawak akong camera oh,” sabi ko pretending na as if galit ako sa kanya. Galit naman talaga ako sa kanya nung una kaming nag-meet eh haha.

            “Ah, nakita ko nga. Alam mo, kung picture ko lang naman ang gusto mo, di mo na ako kailangang bantayan. Nagsabi ka na lang sana,” sabi niya na pinalabas pa ang dimples niya habang lumalapit papunta sa akin.

            I remember this scene so perfectly. Prinaktis niya huh, kuhang-kuha eh. ‘Di ko mapigilang mapa-smile sa kalokohan niya pero binawi ko naman ito agad at nag-kunwari na namang galit. Eto yung sinagot ko sa kanya nun eh.

            “Excuse me no. Forte ko ang nature photography. Ano ka, tsonggo para kunan kita ng picture? Well oo nga naman, kamukha mo nga din pala yun,” sabi ko at di ko na napigilang tumawa pero habang tumatawa ako, biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Pero uy, di ako malungkot ah. Tears of joy ‘to kasi napagisip-isip ko, buti pala at naisipan kong pumunta dito sa lugar na ‘to nung mga oras na ‘yun no? Dahil kung hindi, hindi ko siya makikilala and I would still be the same manhater girl right now.

            “Ouch, sa gwapo kong ‘to, natawag akong tsonggo?” Sabi niya na hinimas pa ang mukha niya. “Eh ikaw kaya, para kang black na pusa, emo girl,” dagdag pa niya. Aba! ‘Di parin siya nawawala sa character niya ah.

            “I…happened to love cats…especially the black ones so thanks,” sabi ko na nauutal-utal na ang pagkakasabi dahil sa pag-iyak ko. Pinagtatawanan na siguro ako ni Keeno internally ngayon.

            “I happened to love cats too…especially the one in front of me,” sabi ni Keeno sabay hawak sa kamay ko at pahid sa luha ko.

            “Uy, di yun ‘yung sumunod na sinabi mo nun ah,” sabi ko sabay palo sa tiyan niya habang humihikbi pa rin.

            “Alam ko. But you see I just want to tell you that…” sabi niya then nag-smirk siya at lumayo ng konte.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon