Chapter 14: The Protector

755 12 2
                                    

Author's Note: Sorry naman at palaging late ang update. Kung ikaw ba naman ang matambakan ng 3 research paper at 4 reports may time ka pa kayang makapag-update? So sorry talaga guys but I update naman whenever I can eh. 

Photo on the side is a view from Mt. Luho Boracay. You'll find out why it's there when you read the chapter.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

            “Alright, dito sa task na ‘to kailangan niyong mag-snorkeling at humanap ng isang treasure chest. There are 50 treasure chest sa ilalim ng dagat na ‘yan at nakakalat sila sa kung saan-saan pero sa 50 na ‘yun, 15 lang ang maaaring buksan ng susi na nakuha niyo from the first station. Sa loob ng chest ay ang clue para sa inyong next task. If you’re ready, get your gear, equip yourself and go!” Explain ng lalake na in-charge sa station na ‘yun. Agad naman akong kumuha ng snorkeling gears ko, nagsuot ng wet suit at lumapit uli papunta kay Frizz.

            “Good luck!” Sabi niya sa akin at iniabot na ang susi na kailangan ko para sa underwater treasure hunt. I know Frizz, I know. I won’t disappoint you. ‘Yun na lang ang sumagi sa isip ko nung matitigan ko ang mata niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa laki ba naman ng dagat na ‘yun, paano ko mahahanap ang mga treasure chest? Bahala na nga! Sabi ko na agad ng lumusong sa dagat.

            Pero di pa nga ako nakakalayo nang bumungad sa aking mga mata ang first batch ng treasure chest. There are three of them, nakalagay sila malapit sa isang malaking coral. I’m guessing eto ang ikinatatayuan ng grotto.

            Agad kong linangoy ang unang box. Nag-surface muna ako and took in a big breath bago ako ulit bumalik ‘dun sa box na nakita ko.

            Asan ang keyhole nito? Sabi ng utak ko nung inangat ko ang box at inalog-alog. Di naman kasi kalakihan ang box. Para lang siyang jewelry box instead of treasure chest. Kaya mas mahirap silang makikita nito eh.

Ayun! Sigaw uli ng isip ko nung nakita ko ang keyhole sa loob ng eagle décor na nakaukit sa gitna ng box. Agad kong ipinasok ang susi sa loob ng keyhole but it didn’t budge.

Agad akong nag-move on sa susunod na box. Kinuha ko ito at agad na dinala sa surface. Kailangan ko na din kasing huminga ulit. Nung nasa surface na ako, agad akong napatingin sa box. Isang mukha naman ng magandang babae ang nakaukit sa paligid nito. Agad kong ipinasok ang susi sa loob ng hole pero wala ding nangyari. Damn! Ang dami ng time na nawawala. At madami na din akong kasama na naghahanap ng treasure chest ngayon. Kasama na dun si Rocky na may time pang mag-smirk sa akin bago nag-dive pabalik sa ilalim ng tubig. I need to hurry!

I dove back down at binalikan ang third box. Kakaiba na naman ang box na ‘yun. That time, sa bukana ng nakaukit na Mayon Volcano makikita ang key hole but as impressive as it looks I have this gut feeling na di din yun ang box na hinahanap ko. Where’s the box? Where? Paulit-ulit kong iniisip nung pagtingin ko sa may kanan ko ay nakakita ulit ako ng box na may nakaukit na mukha ni Rizal. My gutt instinct told me I needed that box at nag-kick in agad ang adrenalin rush ko, mabilis akong lumangoy papunta sa box na ‘yun at dinala ulit ito sa surface.

Sa bibig ni Rizal nakalagay ang key hole that time and I knew it was the box I was looking for. Naalala ko kasi ang isang linya sa clue na nakuha namin sa first station. “The lost key should be fed to the mouth of a hero.” At naalala ko rin na meron din akong nakitang box na may ulo ni Bonifacio nung linalangoy ko ang box na may ulo ni Rizal. I think I just unlocked a clue. Excited kong ipinasok ang key sa keyhole and just as expected, bumukas ito agad.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon