Frizz’ POV
Natatawa ako sa itsura ni Keeno nung nakilala niya si mama. Halatang gulat lang siya kasi halos kasing edad ko lang tinglan si mama eh. Mahilig kasi siya sa mga nutritious food lang at exercise kaya she doesn’t look her age. My sister hates it lalo na nung one time na nagdala siya ng lalake sa bahay at na-attract yung ‘boyfriend’ niya na daw sana kay mama at hindi sa kanya but I love it that our mom is like that. It’s a good prank for my friends at tsaka nagbe-benefit din naman ako sa mga health diets and such niya eh.
“Well isn’t today such a joyous occasion? Dalawang surpresa sa iisang araw. How lovely,” sabi ni mama na halatang masayang-masaya ngayong araw. Bakit kaya? At dalawang surpresa? I know na ang ibig sabihin niya sa isa ay si Keeno pero dalawa? Papunta na kami ngayon sa garden. Binaba nalang muna namin ang mga gamit namin sa sala bago namin sinundan si mama. Bakit kaya sa garden?
“Frizz kinakabahan ako,” bulong sa akin ni Keeno at pagtingin ko sa kanya pinapagpawisan na siya. Haha halata ngang kabado siya. Tumigil muna ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinunasan ko ang mukha ni Keeno gamit nito na naging Dalian ng pagngiti niya.
“Oh, anong nginingiti-ngiti mo dyan,” tanong ko na napangiti na din. Ewan ko ba, tuwing nakangiti kasi siya parang masaya na din ako eh.
Kinuha niya yung kamay ko na kanina lang ay pinupunasan ang pawis niya at unti-unti niya itong iniangat papunta sa kanyang labi at hinalikan ito. “I love you,” sabi niya sabay ngiti ulit ng napakatamis. Pwede magtawag kayo ng medic? Mukhang mahihimatay kasi ako sa sobrang kilig hehe.
“Anak,” tawag ni mama at agad namang binitawan ni Keeno ang kamay ko sa sobrang gulat. Binalikan pala kami ni mama nung napansin niyang di na kami sumusunod sa kanya.
“Coming mom,” sabi ko at ngumiti nalang si mama at nauna na ulit sa garden. Tumingin nalang ako kay Keeno na mukhang kinakabahan na naman at kinuha ko nalang ang kamay niya. It is for him to know that I’m just here by his side and there’s nothing that he should be nervous about. Mukhang gumana naman ang plano ko dahil maya-maya pa ngumiti na siya at naka-holding hands na kaming sinusundan si mama sa garden.
“Saan ba tayo pupunta,” bulong sa akin ni Keeno.
“Sa garden pero ewan ko nga kung bakit dun,” sabi ko lang din sa kanya. Sigurado ako sa garden kami pupunta. Dun lang kasi talaga papunta ang lagusang ito na tinatahak namin ngayon eh.
Maya-maya pa eh nakarating na din kami sa Secret Garden ni mama at laking gulat ko nalang kung ano ang nadatnan namin…the whole family is here.
Keeno’s POV
Maya-maya pa eh nakarating na kami sa garden na sinasabi ni Frizz pero ano ‘to? Bakit madaming tao? Oh shit may party ata at parang formal pa while I’m just wearing beach clothes. Mabuti pa itong si Frizz kahit nakapang-beach, naka-dress naman kaya hindi halata.
“Ma, ano ‘to?” Tanong ni Frizz sa mama niya.
“Whoa, who’s that!” Sabay-sabay na tanong ng mga tao na nandoon habang nakatingin sa akin. Binitawan sandali ni Frizz ang pagkakahawak niya sa kamay ko sabay sabing, “Anong who’s that kayo dyan. Who’s THAT!” Sabi niya sabay turo sa isang lalake na nakatayo sa gilid na may kasamang isang mukhang pangkista na babae. Siguro ate to ni Frizz. May similarities sila eh.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?