Writer's Note: Kung gusto niyo po makita ang mga cast of characters, balik na lang po kayo sa pinaka-first page ng book na ito. May slideshow po doon. ^_^
Dahil nainspire ako sa story na nabasa ko from heartfulsong, sa kanya ko ide-dedicate itong second chapter. :)
---------------------------------------------------------------------------------------
Eto na naman ako kasama ang best buddy ko—ang aking camera. Meron kasi kaming cosplay photoshot ngayon eh. Di ko nga pala nasabi na mga cosplayer din kaming lahat sa club na iyon. At monthly talaga naming ginagawa ang cosplay photoshoot session na ito.
Ang ikino-cosplay ko nga pala ngayon ay si Neko ng K Project. Yung may mahaba na pink hair, na may two toned eye na blue and green tsaka mukhang pusa. Sounds cute ne? Hehe!
Ako muna ang kumukuha ng litrato ng isang member ng camera club na si Blake who’s cosplaying a character from Kamisama Hajimemashita. Yung si Tomoe. Isa yung white haired character with yellow eyes, fox-like ang character niya kasi yokai siya. Oh diba, a cat and a fox ang peg namin. Cute no? Fufufu.
Nung madami na akong kinuha na litrato sa kanya eh turn ko naman na ako ang kunan. Tinawag ko muna ang inner cat aura ko para maging perfect ang photoshoot. Siyempre pa-cute dito at pa-cute doon. Inimagine ko talaga na ako si Neko, I was totally in character ng bigla nalang natigilan si Blake ng pagkuha ng picture ko. “Ahh gosh, your nose is bleeding.” Sabi niya sa akin na gulat na gulat ang itsura. English pa yun huh. Nakalimutan ko nga palang sabihin na half Irish si Blake kaya ganun.
Hinawakan ko naman ang parang mamasa-masang tumutulo sa may ilong ko at naglakihan din ang mata ko nung nakita kong may dugo nga siya.
“Hala! Frizz ojou-sama, daijobo?” Tanong ni Mark na isa pang member ng photography club na sobrang loyal sa akin, to the point na pwede ko na siyang gawing pet ko.
“Oo okay lang ako. Sa init lang siguro ng panahon ‘to. Punta lang ako ng clinic,” sabi ko na medyo nahihilo na ng konte.
“Gusto mo samahan kita Frizz?” Sabi ni Janice na mukhang nagaalala sa kalagayan ko. Oo, kasama din namin siya. Di siya mahilig sa photography pero mahilig siya mag-suot ng costume kahit di niya naman alam ang characters at magpa-picture siyempre, kaya ginawa namin siyang extra member.
“Hindi, okay lang. Kaya ko na ‘to,” ika ko at nagpatuloy ng lumakad papuntang clinic.
May vertigo ata ako. Hilong-hilo ako nung papunta ng clinic at kamalas-malasan ko naman na wala dun ang doc nung nandoon na ako. Pero kailangan ko na talagang magpahinga, parang masusuka na ako eh. Kaya humiga na lang ako sandali sa kama doon sa clinic.
Agad kong napanaginipan ang papa ko nung nakahiga ako—ang papa ko na di ko na nakita ng mahigit limang taon. Meron nga kaming contact sa isa’t isa pero di sapat yun para maibsan ang pagka-miss ko sa kanya.
Makakatulog na sana ako nung biglang may nagbukas ng pinto ng clinic. Ang doc na ba yun? Pero di ko kayang bumangon para tingnan kung sino eh. May narinig na lang ako na mga footsteps tsaka isang umaaray na lalake. “Wala dito ang doc, paano yan?” sabi ng isa. “Ihiga niyo na lang nga muna yan at hahanapin ko si doc,” sagot naman ng isa.
Narinig kong papalapit ang mga footsteps sa akin kaya nagtulog-tulugan na lang ako. Ayoko naman kasing sabihin nilang osisera ako.
“Uy, sino ‘tong cute na pink haired na babaeng ‘to?” Sabi nung isang boses.
Ako? Cute? Ayii! Thanks naman. Sabi ko sa sarili ko na may internal blushing effect pa. haha.
“Patingin!” Sabi ng iba na nagcho-chorus pa sa pagsasalita.
“Hmm, diba siya yung sinasabi nilang queen of the geek? Yung Science wiz, camera freak at Japanese enthusiast na weirdo at emo,” sagot ng isa.
Aray naman! Geek na nga at freak, weirdo pa at emo. HELLO! Otaku po ako at di po ako emo, J-rock po ang style ng pananamit ko J-ROCK! Japanese rock po okay? Napapasigaw ako mentally sa mga comments ng kumag na ito ah.
“Oo nga no. Sayang ang babaeng ‘to. Ang cute sana,” kumento naman ng isa.
“Yan cute? Ahh…aray. Eh napakasungit ng babaeng yan eh. Huhuhu aray,” sabi ng isa pang boses na umaaray sa sakit habang nagsasalita. Napatawa tuloy ang mga kasama niya.
Teka, parang familiar sa akin ang boses na yan ah. Parang si…yung…yung tsonggo! Ano na naman kaya ang nangyari sa tsonggong yun at mukhang may injury na naman.
“Guys, tulungan niyo na lang nga akong hanapin si doc. Di ko makita eh,” sabi na naman ng isa pang lalake na mukhang kakapasok lang sa kwarto. “Oh sige, sige. Dito ko na muna Keeno, hahanapin lang namin si doc,” sagot ng isa at nagsimula ng mag-alisan ang ibang tao. Then it was dead quiet...for awhile.
“Cute daw siya oh. Asan banda?” Naririnig kong nagsasalitang mag-isa si Keeno. Eh di lang pala tsonggo ang taong to eh, baliw pa siya. Biruin mo yun nagsasalitang mag-isa. Hahaha baliw!
“Hmm…in fairness, medyo cute nga siya pag tulog,” sabi niya na tumatawa pa. Uy teka, asan siya? Bakit parang ang lapit ng source ng boses. Dapat nasa kabilang kama siya ah.
“He-he, may itsura naman pala ‘to kung di puro black make-up ang nasa mukha niya. Ang cute!” Sabi niya pa uli at bigla kong naramdaman na may humuhila-hila at nagpo-poke poke sa cheeks ko.
Oh my gosh! Anong ginagawa niya.Nagbla-blush na ata ako. Ang init ng cheeks ko. Hala!
“Kung halikan ko kaya ito mararamdaman niya,” sabi niya ulit na tumatawa pa.
Halik? Oh my gosh a kiss? Hinayupak kang lalake ka! Subukan mo lang at mapuputulan ka ng ulo na wala sa oras.
“Hehehe lagot ka sa akin ngayon. Tsonggo pala huh!” Sabi niya ulit na umaalik-ik pa.
Hala! Katakot naman ‘to. Parang rapist lang. Gumising na kaya ako. Huhuhu ayoko, babangon na ako. Ayoko ng mag-play dead. Sabi ko sa sarili ko ng bigla ulit bumukas ang pinto.
“Asan ba ang pasyente na sinasabi niyo?” Sabi ng isang malalim na boses. Yun! Yun na ata si doc. Saved by the bell!
“Oh pare, paano ka napunta diyan?” Sabi ng boses na alam kong kabarkada ng Keeno na ‘to.
“Ah eh, na—laglag ako pre eh,” narinig kong sabi ni Keeno. Hala! Saan nanggaling ang boses na yun, parang nasa ilalim ng kama ko ah.
“Ang layo naman ng linaglagan mo,” sagot uli ng isa.
Ahhh! Ayoko na. Parang masusuka na talaga ako. Pero ayoko ng mag-stay dito. Aalis na lang ako.
Agad-agad kong minulat ang mga mata ko at ang aking nasunod na nakita ay ang doctor namin na naninigarilyo sa may bintana, ang mga player ng basketball team namin na nakatambay sa kung saan-saan, at si Keeno na inaalalayan patayo ng isa pang team mate nila sa may tabi ng kama ko. Bigla silang natigilan lahat nung nakita nilang gising na ako.
Takbo na! Sabi ko na lang sa sarili ko at tulad ng iniisip ko, dali-daling lumakad ng mabilis ang mga paa ko paalis ng kwarto na ‘yon.
Lakad ako ng lakad ng mabilis hangga’t napagod na ako. What just happened? Ang weird naman ng araw na ito. Pasigaw na sabi ng utak ko. Keeno I’m going to kill you!
---------------------------------------------------------------------------------
A/N: Photo on the side is Neko. Yung character na kinosplay ni Frizz.
![](https://img.wattpad.com/cover/2426167-288-k352893.jpg)
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?