Chapter 18: Secrets Revealed

653 6 0
                                    

A/N: Hay naku! Nakapag-update na din after a loooooooooong hiatus. Haha gomene readers. T_____T

Anyways, tama na daw munang habulan nina Frizz at Keeno 'yan, turn naman daw ni Janice na makilala niyo siya. Pagbigyan niyo! Basahin niyo ang chappy na 'to. It's all about her. XD

---------------------------------------------------------------------------------

Janice’s POV

I know I already made a promise with Frizz to confess my feelings to Rocky pero as of right now, mukhang ‘di ko kaya. Kailangan ko din bang sabihin sa kanya na ako ‘yung nerd na tinulungan niya dati? Baka pagtawanan niya lang ako kung malaman niya na ako ‘yun.

“Miki anong gagawin ko?” Sabi ko sa teddy bear ko na tiningnan pa ito sa mga mata niya na gawa sa botones. Oo, kahit saan ako magpunta dala-dala ko pa rin parati si Miki. Siya ata ang pinakamatagal ko ng best friend mula ng bata pa ako. At siya din ang reason kung bakit nagkakilala kami ni Rocky.

Umupo na lang ako sa bench sa rooftop na ‘yun. Ano ang ginagawa ko sa rooftop? Wala lang! Ang sariwa kasi ng hangin dito, ang ganda pa ng view. Feeling ko makakapag-isip ako ng mabuti kung nandito ako. Kitang-kita ang kabuuan ng Boracay dito. Halos wala pang masyadong tao sa paligid kasi ang aga pa. Ang aga ko din kasing nagising eh.

Inakap ko lang si Miki ng mahigpit habang nagi-isip pa rin ng susunod na gagawin ko nang biglang magbukas ang pintuan ng rooftop.

Pakshet! Bakit sa lahat ng pwedeng magbukas ng pinto na ‘yun, siya pa? Sigaw ng utak ko nung makita ko kung sino ang nasa pinto. Walang iba kundi si Rocky lang naman. Huhuhu ano ba ‘yan? Anong ginagawa niya dito? Bad timing naman oh. Di pa ako ready eh.

“Yo!” He said so casually as he walked over the edge of the rooftop. Nakapatong ang mga kamay niya sa barandilya na nakapaligid sa rooftop at mukhang ini-enjoy ang view. Okay na kaya siya? Nakangiti pa siya. Mukhang walang nangyari kagabi ah.

“Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga eh,” sabi niya habang nakatingin sa malayo.

“I should be asking you the same thing,” sabi ko with a snicker.

“Wala lang. I just need to clear my thought on something,” sagot niya sa akin then he added, “Eh ikaw?”

“Planning my next move,” sagot ko sa kanya na may tawa pa.

“Ha-ha, tapos na ang race pero parang on a strategic mode ka pa rin. Anong meron,” tanong niya sa akin as he faced my way pero bago pa ako makasagot sa kanya nagsalita ulit siya sabi, “Teka, kilala ko ang teddy bear na ‘yan ah.” Agad siyang pumunta sa akin at kinuha si Miki.

Hala! Naalala niya! Miki magtago ka! Huhuhu hindi niya pwedeng malaman. Miki!

“Uy! Akin na ‘yan,” sigaw ko sa kanya as I tried to snatch Miki back pero mabilis siya. Agad niyang tinakbo ang teddy bear ko.

“Hindi! Seryoso nga, nakita ko na ang teddy bear na ‘to dati,” sabi niya habang tinatakbo niya si Miki at hinahabol ko naman siya na parang tanga. Asa pa akong mahahabol ko siya eh parang kabayo ‘to kung tumakbo.

“Akin na sabi yan eh hoy! Akin na…” at hindi na ako nakapagsalita pa ‘cause the next thing I knew, nakikipag-lips-to-lips na ako sa semento. Takte naman oh! Sa lahat ng tao na pwedeng makakita ng pagkadapa ko si Rocky my loves pa. Kakahiya!

“Uy hala! Okay ka lang ba? Sorry,” sabi ni Rocky na agad akong hinawakan sa balikat at pilit itinayo.

“O—okay lang ako,” nabubulol na sabi ko. My gosh! Kakahiya talaga. Huhuhu pwede ba mag-dissapear na lang ako?

Agad niya akong inalalayan pabalik sa bench at agad din siyang umupo sa tabi ko.

“Sorry huh. Eto na oh. Ibabalik ko na ‘tong si Miki mo,” sabi niya sa akin at inilagay niya naman agad si Miki sa lap ko. Pero teka! Paano niya nalaman ang name ni Miki? Nanlaki ang mata ko habang tinitingnan siya.

“Paano mo nalaman,” tanong ko sa kanya na nahihiya pa.

“Ayan oh, nandyan pa rin ang name niya sa kwintas na naka-suot sa kanya pati ang phone number ng bahay niyo. Takot ka talagang mawala ang best friend mo no,” sabi niya na may ngiti sa labi niya.

Teka, anong sinasabi niya? Sa tono ng boses niya parang…parang…

“Hindi ka pa rin nagbago. Ang bait at ang sweet mo pa rin. Kaya lang di ka na cute,” sabi niya na may tono ng panga-asar sa mukha niya.

“Ha—huh,” yun na lang ang nasabi ko. Anong nangyayari? Ba’t yata parang kilala niya kung sino ako?

“Hindi ka na cute kasi gumanda ka na,” sabi niya na may patawa-tawa pa and then he added, “But I’ve always thought you looked cute with your glasses on.” Tumawa-tawa ulit siya.

My gosh! He knows! He knows who I am! I’m dead!

“So you—you know. Kailan pa,” nahihiyang sagot ko sa kanya.

“Kani-kanina lang nung makita ko ‘yang si Miki mo. It ain’t that hard to figure out,” sabi niya na lang at tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta ulit sa edge ng rooftop. Agad din akong tumayo at tumabi sa kanya.

“Sorry,” sabi ko.

“Para sa,” confused na tanong niya na humarap ulit sa akin.

“Kung ‘di ko sinabi agad. The fact is, nung una ayokong malaman mo na ako ang nerd na ‘yun na tinulungan mo dati kasi akala ko you won’t like me if you knew. Nahihiya ako sa kung sino ako noon,” sabi ko sa kanya.

“Hey, don’t you dare say that,” sabi niya na may galit sa kanyang pagsasalita.

“I liked that girl before ‘cause she was sweet, and cute and friendly and she had a gorgeous smile. She still is! Wala kang dapat ikahiya sa sarili mo,” seryosong sabi niya sa akin.

Natameme nalang ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? He thought I was sweet and cute and friendly? Maganda daw ang ngiti ko? Siya lang ang unang lalake na nagpuri sa dating ako. Siguro kung ibang tao ang nakaalam ng dati kong itsura, baka masuka pa sila pero siya, pinuri niya pa ako. Parang di siya normal.

Hindi ko na namalayan pero bigla na lang gumalaw ang katawan ko. Sumunod na napansin ko akap-akap ko na siya. My body freakin’ moved on its own! Shit!

“I know you’re not ready for this. Alam ko you’re still in pain after what happened pero ayaw ko ng maghintay pa. I had waited for more than a year already. Rocky, I thought I should let you know that I’ve been secretly in love with you since the first time I met you,” mabilis ko na sinabi sa kanya. Mabilis man but it was all heartfelt. Sana nga lang naramdaman din niya ‘yun.

But he wasn’t moving…he wasn’t talking…it was as if he doesn’t know how to respond to my confession. Maybe this was a bad timing.

------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Photo of Janice and Rocky on the side. :D

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon