A/N: Wheeee update update din si author pag may time. Hahaha napabayaan ko na ang account ko, may anay na. LEWLS sorry guys. Busy eh.. ._____.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Frizz’ POV
As soon as I got out of the airport, tumakbo ako agad sa pinakamalapit na trike at sinabi sa driver na dalhin ako sa Chel’s which is pangalan ng apartelle nina Keeno. “Ui Frizz!” Tawag ni ate pero di niya na din napagpatuloy ang sinasabi niya nung hinawakan siya sa kamay ni mama. I know my sister is worried about me and my mom is too but the difference is, my mom trusts that I can take care of this on my own.
Dalawang araw nang hindi nagte-text, tumatawag nor nage-email si Keeno at kinakabahan na ako. Baka may nangyari ng masama sa kanya nang hindi ko nalalaman. Huh ayoko, ayokong mag-isip ng ganun. Mas okay pa na isipin kong nanakaw lang ang phone niya kaya ganun. Sana nga ganun lang.
Agad kong iniabot ang bayad ko sa driver nung nakarating na kami sa apartelle. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa loob ng building at agad kong tinahak ang corridor papunta sa kwarto ni Keeno.
“Keeno? Keeno!” Tawag ko sa pangalan niya as I knocked on the door. “Keeno nandyan ka bas a loob?” Tawag ko ulit matapos nang ilang minutong walang sumasagot. “Ke…” tawag ko sana ulit pero bumukas na ang pinto. I almost felt relieved when the door opened until nakita ko kung sino ang bumukas ng pinto.
Isang babae, yung very same na babae na naghanap sa kanya sa school dati. Mukhang kakalabas lang niya ng shower kasi nakabalot ang ulo niya ng towel pero di yun ang una kong napansin. Suot-suot kasi niya ang isang t-shirt which I know belongs to Keeno.
Why was she wearing that shirt…why was she taking a shower on Keeno’s apartment…why was she even there on the first place…I have no idea.
Keeno’s POV
Ten days…that’s all the time I’ve got. I decided sasabay nalang ako kay Brie na pumunta ng Aussie. Yun kasi ang schedule ng trip niya eh. Wala na naman akong maraming kailangang gawin. All I need is to settle my school documents and…say goodbye to her and I’m off. Mas mabuti pang umalis kaagad kesa sa kung tumagal pa ako dito. Mas lalo ko lang mami-miss ang lugar na ito, lalo na siya.
Paakyat na ako ulit sa kwarto ko. Bumili kasi ako ng makakain namin ni Brie. Palagi kasing nandito ang kapatid ko kuno na ‘yan ever since sinabi niya sa akin ang news about kay mama eh. Palagi daw kasi akong depress at gloomy kaya dun nalang siya para maging masaya naman daw ako. Kung alam niya lang, isa din siya sa reason kung bakit nabi-bwisit ako.
My mom…why does she have to acquire such a disease. Kahit naging masama siyang ina once in her lifetime, mabuti naman siyang tao. Bakit siya pa ang kailangang tamaan ng cancer? And worse, sabi pa ng doctor nasa critical stage na siya. We can’t do anything about it anymore. All we can do is to be there for her.
I was so engrossed in my own thought when suddenly, may dumaang babae sa gilid ko, isang babae na amoy palang ng perfume niya, kilalang-kilala ko na kung sino siya.
“Frizz!” Sigaw ko habang hinila ko siya pabalik sa akin, making me drop the food I bought.
I tried to lock her in my arms but she pushed me away as much as she can habang humahagulgol. No, she’s crying. I don’t want to see her cry. It just breaks me.
“You…don’t text me…for two days…and I see another woman…in your freakin’ apartment. How dare you!” She said in between her sobs and cry.
“She’s not another woman she’s…” Gusto ko sanang i-explain ang sarili ko, gusto ko sanang hindi mawala ang trust niya sa akin, kaya lang…
“I’m sorry,” yun nalang ang sumunod na lumabas sa bibig ko na mas ikinagalit pa niya.
“Oh yeah, well sorry is not gon’na cut it. I love you…yes, but for you to play with my heart over and over again, it just feels like it’s not worth it anymore. So…goodbye,” sabi niya at pinagmasdan ko lang ang luha na tumutulo sa mata niya nung papaalis na siya.
“Ate wait! You don’t under...” Sigaw ni Brie habang hinahabol niya si Frizz pero hinila ko nalang ang kamay niya at pinigilan ko siya sabay sabing, “It’s better this way.”
She looked at me confusingly, as if I’m stupid, as if I’m making the worst mistake of my life…but I just smiled.
“At least hindi na masyadong masakit ang paghihiwalay namin kung ganitong galit siya. Kasi, iniisip ko palang na nandun siya sa airport habang pasakay ako ng eroplano…isang eroplano na maglalayo sa aming dalawa, pumipilipit na ang puso ko,” sabi ko, at di ko na napigilang pumatak ang luha ko.
I’m sorry Frizz…I’m sorry. Kailangan kitang saktan, kailangan mong isipin na masama akong tao, kailangan kong isakripisyo ang nararamdaman natin sa isa’t isa para maging masaya ka. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay may makilala kang isang lalake na higit pa ang pagmamahal ko sa ‘yo. I love you…but goodbye.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Fiksi RemajaSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?