Chapter 22: Gotcha

602 9 0
                                    

A/N: Nag-update ako agad kasi...wala lang inspired ako. ahahahaha

Dedicated sa bago kong reader na si @DanicaHilario :D

--------------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

           “Badtrip naman oh!” Napasigaw nalang ako pagkapasok ko ng cabin namin. Naiinis lang kasi ako, hindi kay Frizz kundi sa sarili ko. Bakit ko ba ‘yun nasabi sa kanya? Aish! Ang stupid mo talaga Keeno. Nagpadala ka na naman sa emosyon mo.

           “Oh, anong nangyari sa’yo? Sabi ni Kush na natutulog pala sa cabin namin. ‘Di ko siya napansin. Nagising ko pa ata siya.

            “Ah wala ‘to pre. Dala lang siguro ‘to ng init,” sagot ko nalang sa kanya.

            “Sus! Yeah right. Lem’me guess, si Frizz ang pinoproblema mo no?” Sabi niya at tumayo na mula sa pagkakahiga niya looking at me with a grin on his face.

            “Paano mo nasabi,” tanong ko nalang sa kanya.

            “Dude, I see the way you look at her. Tsaka yang galit sa mata mo, huli ko yang nakita nung nasa Puka Beach pa tayo. If eyes could kill siguro napatay mo na si Rocky,” natatawang sabi niya at napatawa nalang din ako.

            “Si Rocky na naman ba,” dagdag niya.

            “Hindi, ako ang problema. Sa sobrang selos ko nasabihan ko ng masama ang babaeng mahal ko. Ang tanga ko pre,” sabi ko sa kanya. Ang sarap umpugin ng ulo ko sa pader pero alam ko it won’t fix anything.

            “Yikes, ano bang nangyari?” Tanong sa akin ni Kush with a concerned look on his face at ayun, di ko napigilan ang sarili kong mag-kwento. Nakakatuwa. Ilang araw palang kaming magkakilala nitong si Kush pero nagagawa ko ng sabihin ang problema ko sa kanya. Ang bait lang kasi niya.

            “Well that’s harsh pare. You need to say sorry to her and quickly. Baka mag-the moves pa ang Bryan na yun habang galit sa’yo si Frizz. Masira pa ang balak mong magtapat sa kanya. And don’t worry bro, mapapatawad ka ni Frizz. There’s something about you na hindi niya kayang matiis,” sabi ni Kush sa akin na tumawa-tawa pa sa last thing na sinabi niya.

            There’s something about me na di niya matiis eh? Ano kaya yun. Napaisip ako sa sinabing yun ni Kush ah.

Frizz’ POV

            Nandito kami ngayon ni Janice backstage sa main hall ng camp. Mr. and Miss Academe kasi ang event ngayong gabi na ‘to at ako lang naman ang na-assigned na kumuha ng mga litrato. Parang beauty contest siya pero dapat matalino ka din kasi binibigyan nila ng highest regard yung sa question and answer portion. Siyempre si Nichie ang contestant namin. Wala atang magawa ang ibang school sa beauty ng best friend ko. Pero siyempre, ako din ang naatasang magturo sa kanya ng mga possible question at answer para mamaya. Alam niyo naman ang bestfriend ko, sa pagandahan lang ang pangtapat niyan haha.

            “Maiksi pre. Wala na bang iba dyan,” narinig namin ang isang boses at sabay naman kaming napatingin ni Janice. Si Rocky pala. Siya din kasi ang magrerepresent sa school namin sa mga lalake eh.

            “Hmm mas matangkad ata ako sa’yo Kush. Siguro kakasya ang pants ko sa kanya. Teka maghahanap ako sa cabin,” sabi naman ni Keeno kay Kush at Rocky. Aba, kelan naman naging mag-barkada ang tatlong ‘to?

            Napatingin naman sa akin si Keeno habang papaalis siya at agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Hmp! Baka akala niya madadaan niya ako sa mga titig niya. Galit pa rin kaya ako sa kanya.

            “Pansinin mo naman siya Izzie, kawawa eh,” sabi sa akin ni Janice na tinigil ang pagaayos sa sarili niya para pagsabihan ako.

            “Ayoko pa Nich. Ang sakit kaya ng sinabi niya sa akin lalo na at ang nagsabi ng mga katagang ‘yun eh ang lalakeng mahal ko pa. Hayaan mo na muna siya,” sabi ko at patuloy nalang ako sa pagkuha ng mga litrato.

            “Haist, sabi mo eh,” napailing-iling nalang si Janice habang pinagpatuloy ang pagaayos niya.

            “Teka best kuha ako ng isa pang battery para sa cam ko. Baka maubusan ako mamaya eh,” sabi ko kay Nichie at agad na din akong umalis muna papunta ng cabin.

            Pero hindi pa nga ako nakalabas ng hallway nung biglang nag-ring ang phone ko. “Si kuya Bryan,” I said in a soft whisper nung nakita ko ang name ng caller. I immediately picked it up saying, “Kuya!”

            “Uhm Frizz, I’m outside the hall. Nasaan ka?” Sagot ni kuya Bryan.

            “Hall as in this grand hall? I’m inside kuya. Anong ginagawa mo dito,” sabi ko na agad tumakbo palabas para hanapin si kuya Bryan.

            “About earlier I need to…” sabi niya pero naputol ang paguusap niya nung maya-maya pa eh nagkita din kami personally.  

            “There you are,” sabi niya sa akin nung nakita niya na ako ako. Umalis siya sa pila kung nasaan siya kanina at inakap ako sabay sabi, “I’m so sorry about earlier. Hindi ko naman kasi alam na may boyfriend ka na, at seloso pa siya.” Medyo natatawang pagkasabi niya.

            “Sinong boyfriend kuya?” Confused na tanong ko sa kanya.

            “Eh sino pa, eh di yung nagalit sa akin kanina. Keeno ba yun?” Sagot niya.

            “Uhm, di ko boyfriend ‘yun kuya…” Awkward na sabi ko sa kanya. “...pero mahal ko siya,” dagdag ko maya-maya pa.

            I heard kuya Bryan sigh as he patted me in the head. “Tell me more.”

            Nginitian ko nalang si kuya Bryan at sinundan siya palabas ng camp. I’ve always trusted kuya Bryan. He’s like my big brother. Isa siya sa mga taong nasasabihan ko ng sekreto ko. Kaya di ko naiwasang sabihin sa kanya ang totoo.

           

Keeno’s POV

            Pabalik na sana ako sa backstage pero nakita ko si Frizz at takte! Yung lalake na naman na ‘yun? Layo-layo naman ng konte kuya. Tama bang mag-akapan sila sa harap ng madaming tao? Kakainis lang. Ano bang pinaguusapan nila? Parang ang seryoso.

            Nagtago ako sa likod ng mga teenagers na naghihintay sa may pilahan. Medyo malapit na ako sa kanila kaya naririnig ko naman kahit papaano ang pinagsasabi nila. Ang bad ko ba kasi nage-eavesdrop ako? Sorry naman, di ko mapigilan eh.

             “Sinong boyfriend kuya?” Narinig kong tanong ni Frizz.

            “Eh sino pa, eh di yung nagalit sa akin kanina. Keeno ba yun?” Sagot naman ng lalakeng parang tuod. Oo kuya boyfriend niya ako kaya layuan mo siya pwede?

            “Uhm, di ko boyfriend ‘yun kuya…” sagot ni Frizz. Ouch! Di pa Frizz di pa! “...pero mahal ko siya.” Dagdag pa niya. Mahal din nga kita eh. Isip ko. Wait what? Tama ba ang narinig ko or may bumabara lang na earwax sa tenga ko? Mahal ako ni Frizz?

            “Tell me more.” Sabi nung Bryan at agad silang umalis na magkasama.

            Mehehehe mahal daw niya ako. Gotcha!

-----------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Ayiii what did you think guys? Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari?

Photo on the side is Kuya Rocky calling Frizz. :D

Comment...Vote...Click Like...Hit FAN! <3


            

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon