Author's Note: Baka kailangan niyong mag-prepare ng tissue para sa chapter na ito. LOL hindi joke lang. Di naman ako magaling magsulat ng drama eh. XD
Dedicated sa bagong reader ng series na ito na si >>> MissMapagmahal hehehe
------------------------------------------------------------------------------------------
Ano na kaya ang nangyari dun? Paano kaya binigay ng mama ni Keeno ang ticket para sa kanya? Nagkita na kaya sila? ‘Yun pa rin ang iniisip ko nung pumunta ako ng school noong araw na ‘yun. It’s the last day of the semester, may exam pa ako ngayong araw na ito pero problema ng iba ang prinoproblema ko. Tama ba naman ‘yun?
“Zee!” Sigaw na sabi ni Janice.
“Ay adobong butiki na pinakuluan sa mantika,” gulat na sabi ko.
“Ano daw? Hahaha adobong butiki? Hahaha fail!” Sabi na lang ni Janice na di na napigilang tumawa dahil sa sinabi ko.
“Kasi naman Nichie eh, wag mo nga akong ginugulat. Tsk!” Pikon na sabi ko sa kanya.
“Eh ikaw naman kasi, ano bang iniisip mo kanina at mukhang seryosong seryoso ka?” Tanong niya.
“Ah wala, ‘wag mo na lang alalahanin ‘yun,” sagot ko.
“Okay, whatever. Pero maiba nga ako Izzie, nakapag-desisyon ka na ba for the Leadership Seminar? Ako sigurado na ako,” excited na sabi niya with a wide grin on her face.
“Actually di ko pa nasasabi kay mama eh pero sige pipilitin ko siya,” sagot ko sa kanya.
Nung nag-ring na ang bell, dali-dali kaming pumunta sa mga classrooms namin to take the exams. Buti na lang nakapag-review ako ng maayos last night, I think I pretty much aced everything.
“Huh? Sigurado ka bang esters ang answer nun at hindi amines?” Tanong sa akin ni Iya, isa sa mga kaklase ko sa Chemistry.
“Eh diba ‘yung tanong it is used as artificial aroma? Eh diba yung esters are usually substances found in nature and they are usually used by the food company as artificial flavoring and scents, tulad ng vanilla na parati nating hinahalo sa bini-bake natin,” explain ko sa kanya. Ganun talaga kami tuwing matapos ang klase, debate mode ng bongga para malaman kung sino ang highest kahit wala pa ang results. Pero as usual, mukhang ako na naman ang top one. But of course, ako pa! Ang talino ko kaya. Hahaha hindi actually joke lang ‘yun. Sadya lang talagang pala-review ako kaya siguro ganun.
We were in the middle of this conversation habang palabas na kami ng campus gate, uwian na din kasi. Dederetso na sana ako pauwi nung…teka, ang mama ni Keeno ‘yun ah at tsaka si Keeno nakasunod sa kanya. Pero bakit parang galit? Masundan nga sila saglit. Pero uy, di ako stalker huh. Concerned lang ako para sa mama ni Keeno. Opo, sa mama niya po at hindi sa kanya okay?
Sinundan ko sila hanggang sa 3rd Cup, isa ‘yung coffee and pastries shop na malapit sa school namin. I guess my mother and son date sila or something like that. Pero kasi yung mukha ni Keeno eh, di maipinta. Baka ngayon pa lang ibibigay ng mama ni Keeno ang tickets? I wan’na know how it will go.
Umorder ako ng isang tall black velvet cognac coffee at umupo sa isang sulok kung saan di nila ako mapapansin pero maririnig ko pa rin ang conversation nila. Wala din namang masiyadong tao doon sa café na ‘yun so I’m sure it will work to my advantage.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?