Author's Note: Sorry naman at di ko siya na-update agad.
Dedicated sa bago kong reader na si >>> MedranoMavy
--------------------------------------------------------------------------------------------
*Keeno’s POV*
Tsk. Ano ba ang nangyari kagabi? How did it end up na dinala ko ang babaeng ‘yun sa apartment ko? Tapos muntik ko pa siyang halikan. Well sabi ko naman na biro lang ‘yun eh, pero sa totoo lang, gusto ko talaga. Kainis kasi ng lips niya eh, parang napaka-kissable. Lalake kaya ako kaya di niyo ako masisisi if mag-isip ako ng mga ganyang bagay.
Siya pa rin ang iniisip ko habang papunta ako ng school noong araw na ‘yon. Final exams na namin ngayon at malapit na ding mag-sembreak pero di ko man lang nagawang mag-review dahil sa kakapanood ko ng Twilight kasama ng babaeng ‘yun. Pero siya din naman ah, may exams ngayon. Hala! Baka di rin nakapag-review ‘yun tapos biglang bumagsak? Pero teka nga, bakit ba ako nagwo-worry sa kanya? Kesa sa sariling exams ko ang kaabalahan ko siya pa ang iniisip ko at tsaka, brainy act naman ‘yun diba? I’m sure she’ll be fine kahit walang review-review.
Pumunta agad ako sa school canteen namin para bumili ng test booklet na kailangan ko for the exams. Hmm, bili na lang din nga ako ng breakfast tutal naman di pa ako nakakain eh. Baka di ako maka-concentrate sa exam ko.
“Dalawang hotdog in a bun nga ate tsaka dalawang honey and lemon milk tea na din,” sabi ng isang pamilyar na boses na tumabi sa akin. Gulat ko naman nung makita ko si Frizz na nandoon. Shit! Sa lahat ba naman na pwede kong makita ngayong umaga, siya pa? For some reason, di ako handang makita siya ngayon.
Tumingin siya sa akin at napangiti, labas dimples pa. Ang ganda pala nito kung nakangiti no. Bakit kasi parang mangangain siya everytime makita ko siya eh. Eh di sana ako na lang ang manlili—wait, what? Ayoko, sorry pero di ko na lang tatapusin ang sentence ko. Mukhang may masasabi akong di maganda eh.
“Ako na para sa libre mong dinner kahapon,” sabi niya sabay abot ng isang hotdog at isang milk tea na inorder niya kanina.
Ay, para sa akin pala ‘to? Hehe sige na nga, okay na din at nakita ko siya ngayong umaga. Bumait siya ata. Ano kayang nakain nito? Nagbayad na siya agad nun at nagdali-daling umalis sabay sabi, “Sige una na ako. Magsta-start na exams ko eh.” Nagpahabol nalang ako ng “Thank you” sa kanya bago pa siya makaalis at tumango lang siya sa akin sabay smile uli.
Ang cute...ang cute ng dimples niya. Nakakagigil. Huh? Ano daw? Parang muntanga naman ng utak ko ngayon oh. Kung ano-ano ang iniisip. Haist! Makapunta na nga sa classroom.
Whew! Nasagutan ko naman ng mabuti ang mga exams ko noong umaga na ‘yun, paano ba naman kasi nakakabusog ang breakfast kong hotdog and tea na may kasamang smile niya. Napangisi ako habang iniisip ko ‘yun. Wait, what? Am I freakin’ serious. Hala! May virus yatang nakapasok sa utak ko. Bakit yata parang palagi ko nalang siyang naiisip? Aish! Magpapa-consult na lang nga ako sa IT expert para ma-reprogram nila ang utak ko.
Nagdali-dali akong pumunta sa canteen matapos ng exam ko. Twelve o’ clock na kasi. For sure, on lunch rush na ang canteen. Magse-serve pa naman sila ng favorite kong tacos ngayon. Sana di pa ako naubusan.
Pumila na ako sa serving station. Yes! Madami pa. Nag-order naman ako kaagad at nagbayad nung turn ko na at tsaka dumeretso na din ako sa favorite kong spot sa canteen. As usual, walang tao dun. Everyone sort of knows that it’s my table na kasi. So everyone knows not to sit there.
“Hey babe, mind if we join you again?” Sabi ng isang malanding boses na alam na alam ko kung sino ang may nagmamay-ari. Sigurado akong si Chrissie na naman ‘to, ang leader ng Gora Girls ng campus. Sila lang naman ang pinaka-maarte at pinag-aagawan ng mga lalakeng babae sa campus. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit ako lang ang ginagawan nila ng “free service.” Meaning willing silang gawin ang kahit ano mang gusto kong gawin sa kanila. Pero hindi, ayokong gawin ‘yun sa kahit sino man sa kanila. Mga props ko lang ‘yan.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Ficção AdolescenteSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?