A/N: Pasensyahan niyo na ang baliw na author. Ewan ko nga kung bakit eto ang naisip ko pero wala eh, eto talaga pumasok sa isip ko eh. Sorry in advance. ^______^V
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Frizz’ POV
“Ano ready ka na,” tanong ni kuya Bryan habang namumulot kami ng basura dito sa front beach ng Boracay. Eto kasi ang activity namin ngayon in preparation na din sa camp out namin mamaya. Tumulong na din sa amin sina kuya Bryan pati ang ibang bystanders kanina tumulong na din habang naglilinis kami. Pati nga ang ibang foreigners dito nagsitulong na din.
“Parang di ko talaga kaya kuya. Ako, magpapa-cute? Tatawanan lang ako nun eh,” sagot ko. Nadidismaya na talaga ako sa binabalak ni kuya.
“Kayanin mo! Para naman malaman natin kung ano ba talaga ang feelings ng Keeno na ‘yan sa’yo. Basta mamaya, pag wala siyang kasama, lapitan mo,” pangungumbinsi pa sa akin ni kuya Bryan. Hay naku, ano ba ‘tong pinasok ko?
I stared at Keeno but everytime I do my hheart just sink in two.
“Eh paano ko naman kasi siya malalapitan kuya. Eh parang kambal tuko sila ni Amber na hindi mo mapaghiwalay,” sabi ko na may lungkot sa aking mukha.
Tinitigan naman ni kuya Bryan ang dalawa. Namumulot din sila ng basura sa may kalayuan at tawa pa ng tawa habang ginagawa ang task nila.
Kuya Bryan patted me on the shoulders and said, “Don’t worry. Ako ang bahala kay Amber.”
Haist! Mas mabuti pa nung hindi ako in love, ang simple lang ng buhay ko. Ngayon ang komplikado na ng lahat. Kainis naman kasing puso ‘to eh, bat ka pa ba tumibok? Hindi ko maiwasang mapaisip sa sarili ko. Bahala na nga!
Maya-maya pa ay lunch time na din namin. Habang nagbabantay kaming abutan kami ng shares namin eh nagpaalam na din muna sa akin si kuya Bryan para makakain na din muna sila.
“Maghahanap lang kami ng makakainan sa D’mall, eto na ang chance mo okay? Gawin mo na ang pinapagawa ko sa’yo,” sabi niya sa akin with a smirk on his face.
“Amber, let’s go get some grub,” malakas na sigaw ni kuya Bryan para marinig ni Amber dahil medyo malayo sila sa amin. “Coming,” sigaw din ni Amber pabalik at may binulong muna siya kay Keeno bago siya pumunta kay kuya Bryan.
“See you later Zee,” sabi sa akin ni Amber na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.
“Later? Why?” I asked confusingly. Don’t tell me may balak na namang bumalik ‘to. Para ano, para makipaglandian na naman kay Keeno? I thought to myself.
“Inimbitahan ako ni Keeno na mag-join sa campout and sir George said it’s okay so, I’ll be here,” sagot niya. “Well anyways, bye,” dagdag pa niya at tuluyan ng umalis kasama ni kuya Bryan.
Keeno invited her? Ugh! That guy is such a flirt! Ayoko na!
“Frizz, pagkain mo,” sabi ng isang pamilyar na boses at pagtingin ko siya pala. Heh! So now that Amber is not around, ako na naman ang pinagtutuunan niya ng pansin. Ang galing!
I took the food hastily out of his hands and stomped away. I don’t care kung ano ang iisipin niya sa naging reaksyon ko. Wala na akong pakialam. Guys like him are the reason why girls like me exist. I shouldn’t love him. I should reconsider these feelings I have for him.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?