Author's Note: Extra long chapter para sa inyo kasi matagal naman akong nawala.
Dedicated to: suzhukhitz
Character photo slideshow on the side. ^_^
------------------------------------------------------------------------------
Frizz’s POV
“Are you ready?” Tanong ni Keeno habang nakasakay na siya sa kabayo. He looked like he had experience in riding a horse. Ang komportable niya tingnan habang nakasakay sa kabayo.
Kinakabahan ako, ang lakas ng tibok ng dibdib ko pero kailangan naming gawin ‘to if gusto naming manalo. Sa sobrang paghe-hesitate ko, dalawang grupo na ang nakauna sa amin. Marami kaming time na dapat habulin if gusto naming manalo kung ganun. Pero sa mukha ni Keeno, mukhang mas nag-aalala pa siya sa kalagayan ko kesa sa possibility na matalo kami eh. But I don’t want to let him down; I don’t want to let the school down.
“Let’s go Prez. Get your ass on that horse you can do it,” sabi ng isang familiar na boses at pagtingin ko sa likod ko, ang mukha nina Matt at Kush ang nakita ko na nakasakay din sa kabayo.
“Yeah, don’t get insecure with horsey there. You’re way prettier than that white monstrosity,” sabi din naman ni Matt na malakas pa ang tawa.
Members sila pareho ng camera club at ang mga members lang ng camera club ang nakakaalam na takot ako sa kabayo. Kahit si Janice ‘di alam ‘yun. May one time kasi na may pictorial kami kasama ng mga kabayo, ayun, nalaman nila ng wala sa oras ang fear ko.
Dahil sa sinabi nila, nawala unti-unti ang kaba sa dibdib ko. Napatingin ulit ako kay Keeno and he gave me an encouraging look with a smile on his face. He offered me his hand at di na ako nag-hesitate pa. Inabot ko na ang kamay ko at umakyat na ako sa kabayo.
“Alright!” Cheer nina Matt at Kush nung nakasakay na ako. Agad naman akong kumapit ng mahigpit sa bewang ni Keeno. Paano naman kasi, galaw ng galaw ang kabayo, natatakot na tuloy ulit ako. Halos maluha na ako habang nakakapit kay Keeno pero siguro napansin niya ulit ang takot ko dahil maya-maya pa, hinawakan niya ang kamay ko at sinabi, “Don’t worry. Aalagaan kita. Ako ang bahala sa ‘yo.”
At dahil sa mga salita niya, naging kalmado na ako ulit. Hindi ko alam kung bakit pero, basta kung siya ang nagsasabi sa akin ng ganun, bigla na lang ako nagiging kampante. ‘Di ko napansin na ganun na pala kalaki ang trust ko sa taong ‘to eh noon nga wala talaga akong tiwala sa kanya eh. Kailan pa, kailan pa lumaki ang tiwala ko sa tao na ‘to?
“Kaya mo bang tumingin sa mapa habang nangangabayo tayo?” Tanong sa akin ni Keeno.
“Ahh…ehhh…ewan, subukan ko,” sabi ko. ‘Di ko nga alam kung kaya kong buksan ang mata ko habang nangangabayo eh. Magbasa pa kaya ng mapa.
“Don’t worry bro, sundan niyo na lang kami. This might be a race but, we’re rooting on you to win,” sabi ni Kush kay Keeno.
“Salamat bro,” sagot ni Keeno sa kanya. And with that Kush and Matt was off.
“Hold on tight!” Sabi ni Keeno and I hugged him tightly as possible. I immediately felt the air on my hair at ang tunog na lang ng mga paa ng kabayo ang naririnig ko. As usual, nakasara ang mga mata ko. Parang ang bilis bilis naman ata namin.
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?