Chapter 17: Tears

818 10 8
                                    

 A/N: Dahil may klase na naman ako ulit starting next week ang schedule ng update for Allergic to Love is every MONDAY and FRIDAY. Sana po maintindihan niyo. hehe

Dedicated to: sjELFs <<< hi there! \(^_^)

-------------------------------------------------------------------------------------------

Frizz’ POV

            Hindi na namin natapos ang race, pati sina Rocky at Janice di na din nakapagtapos pero grabe, ang swerte lang talaga ng school naming dahil nanalo ang team nina Kush at Matt kaya nakuha pa rin namin ang reward and aside from that, may extra prize pa kami. Binigyan ang whole team namin ng special picnic style dinner sa Puka Beach. Walang establishment sa paligid nito so the place is so solemn. Feeling mo nasa isang private island ka if pumunta ka dito.

            “Okay na ba yang paa mo,” tanong sa akin ni Rocky nung nasa boat pa lang kami papunta sa island.

            “Ahh ehh okay na ako,” naiilang na sagot ko sa kanya. Kahit anong gawin ko ‘di ko mawala sa isipan ko ang sinabi ni Rocky nung nasa race pa kami. He likes me daw? Totoo kaya ‘yun? Parang ‘di naman eh.

            Pero napansin ko simula nung mangyari ‘yun naging quiet na si Janice tsaka parang nahihirapan na siyang tumingin sa mata ko. Could it be that my best friend is in love with Rocky?

            Si Keeno din simula nung sinabi ‘yun ni Rocky, di niya na ako pinapansin buong maghapon. Ano naman ang problema ng mokong na ‘to? Galit na naman siya sa akin? Pero, ano bang ginawa ko?

            Dahan-dahan akong inalalayan ni Rocky nung pababa na kami ng boat. Nauna na si Keeno na bumaba sa aming lahat. Excited ang mokong na kumain o may period siya kaya wala siya sa mood makipag-usap kahit kanino sa amin? Haist, ewan!

            “Ang ganda!” Tuwang-tuwa na sabi ng iba habang pababa sila ng boat.

            “Dito tayo guys,” sabi ni Sir George who led us the way to the picnic set laid on the sand. Napapaligiran ng tiki torches, lanterns at flower petals ang area ng mga pagkain na nakaset-up lang sa mga rugs. Yung mga serving staff naman, nakapang-hawaiian costume ang motif nila at sumasayaw sila ng hula habang wine-welcome kami.

            “Could we go night swimming later or pwede bang mag-camp na lang tayo overnight,” tanong ni Liam na excited na tumakbo papunta ng picnic area.

            “Sorry guys pero hanggang ten lang tayo dito but regarding the camping thing, you’ll get your chance. May naka-schedule na tayo diyan,” sagot ni Miss Kate.

            “Yes, whohoa!” Excited naman na sigaw ni Liam nung narinig niya ‘yun.

            “Oh siya, pray na muna tayo bago kumain,” sabi ulit ni Miss Kate at siya na din ang nag-lead ng prayers.

            Matapos mabendisyunan ang pagkain eh nag-umpisa na kaming umupo surrounding it. Walang pinggan, walang utensils o kahit ano. Yung pagkain nakahatag lang sa dahon ng saging at kamay lang daw ang gagamitin kumain. Budol fight daw ang tawag sa ganitong set-up ng pagkain. Ngayon ko lang na-experience to. Hahaha ‘di pa naman ako sanay magkamay.

            Si Rocky ang tumabi sa akin sa may kanan, si Janice naman ang sa kaliwa at si Keeno, ewan ko sa kumag na ‘yun. Galit ata sa akin kasi mas ginusto niyang tumabi kina Kush sa kabila, malayo sa amin.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon