Author's Note: *eating pocky* Hohoho dito na mag-uumpisa ang kaguluhan. Enjoy! >:D
--------------------------------------------------------------------------------------------
“Izzie, here!” Malakas na sigaw ni Janice nung pababa na ako ng kotse namin.
Kumaway na lang ako sa kanya at agad ng hinatak ang gamit ko papunta sa kanila. Oo ‘kanila’ kasi kasama lang naman ni Janice ang mga tropa namin sa camera club.
“Ako na,” sabi ng isang boses ng lalake at kinuha ang gamit ko sa akin. Pagtingin ko… Ay, si Rocky pala. Sineryoso niya talaga ang pagsama huh.
“Thanks,” sabi ko na lang sa kanya at ngumiti siya sa akin.
“Ba’t ang tagal mo? Kanina pa kaya kami nandito,” si Kush ‘yun, ang leader ng camera club. Kung nagtataka kayo kung babae or lalake si Kush dahil di niyo siya ma-identify sa weird niyang pangalan, lalake po siya. Actually, sa sampung members ng camera club, tatlo lang naman kaming babae eh. Ako, si Erica at si Janice na di naman regular member kundi model lang namin.
“Ano ang nasa case na ‘to, ba’t parang ang bigat naman?” Tanong sa akin ni Rocky sabay kamot sa ulo niya.
“Camera equipments ‘yan,” sagot ko.
“Balak mo bang kumuha ng litrato every second na nandoon tayo sa camp?” Sabi niya sabay tawa ng malakas.
“Haha siguro,” sagot ko sa kanya at dumila pa ako habang tumatawa. Haha feeling close lang eh ‘di naman kami naguusap nito dati.
Napatingin ulit ako sa ibang members ng camera club na lahat ay nakatingin kay Rocky as if awkwardly. Ay oo nga pala, di nga pala nila ‘yun kilala.
“Uhm guys, si Rocky nga pala. Ano, classmate ko siya sa Literature,” pakilala ko sa kanila. Nag-wave naman si Rocky sa kanila na parang bata at nag-hello.
“Classmate o crushmate?” Sabi ni Matthew na isang member din ng camera club at lahat naman sila naghiyawan. Aba! Ang mga tuod na ‘to, pagtripan daw ba ako? Eto namang si Rocky nakitawa pa sa kanila. Enjoy ka pre? Masaya ka sa ginagawa nila? Ang sarap mambatok oh.
Pero natigilan ang lahat sa pagtawa nung biglang napatili si Janice sabi, “Kyah! Si papa Keeno. Izzie oh.” Masayang-masaya na sabi niya. Nagsta-star star pa ang mata niya. Ang sarap sabunutan ng gaga.
Napatalikod na lang ako para tingnan ang tinititigan niya and to much of my surprise nandoon nga si Keeno at papalapit pa siya sa akin na may malaking ngiti sa labi niya.
“Yo,” sabi niya sabay akbay sa akin. Oh my... fuckin’ shit! Ay sorry napamura ako. Pag-touch niya kasi sa akin parang biglang may dumaan na current sa katawan ko eh. Ano kaya ‘yun? Huhuhu mangkukulam ka ba Keeno? Kung ano-ano na kasi ang nangyayari sa akin tuwing kasama kita eh. Natatakot na ako.
Ang tingin naman ni Janice oh parang may ibig sabihin. Hambalusin ko kaya siya.
“So, sasama ka din pala Keeno,” tuwang-tuwang sabi ni Janice.
“Oo. Last moment desisyon lang. May nagsabi kasi sa aking sasama ang babaeng ‘to. Baka kasi magkalat ‘yun dun kaya nandito ako,” masayang sabi niya na ginulo pa ang buhok ko.
Ako? Magkakalat? Okay lang siya? Psh! “Hmp! If I know gusto mo lang makakita ng hot chicks on bikini ‘dun sa Boracay. Ako pa ang ginawa mong excuse,” sabi ko sa kanya sabay suntok sa tiyan niya. Napasigaw naman siya sa sakit. Haha buti nga sa ‘yo. Nagtawanan na lang ang iba sa amin except for Rocky na ang sama ng tingin kay Keeno. Anong problema nito?
“Okay everyone, it’s almost time so load yourselves to the bus now please,” sabi ni Miss Kate na isa sa adviser namin sa trip na ‘yun at nag-unahan na nga ang mga istudyante sa bus.
“Tabi na lang tayo,” sabi ni Keeno sa akin with pleading eyes. Ang creepy naman ng tingin niya.
“Ano ka! Sa akin siya tatabi. Sige na Frizz, ako na ang bahala sa gamit mo, reserve me a seat next to yours,” reklamo ni Rocky. Wow, maka-order naman ‘to sa akin oh.
“Ano kayo, ako kaya ang best friend ni Frizz kaya siyempre sa akin siya tatabi,” sabi ni Janice sa akin sabay hila sa kamay ko. Wala na namang nagawa ang dalawa.
Keeno’s POV
Nakakainis! Ako ang unang nagsabi na gustong tumabi sa kanya eh tapos naagawan pa ako. Worst is etong lalake pang si Rocky ang nakatabi ko. Psh! If I know may gusto ang lalakeng ‘to kay Frizz. Pero hindi pwede, kilala ko ang lalakeng ‘to. Siya lang naman ang batyag na playboy ng IT department. ‘Di pwedeng isang katulad niya ang makakakuha kay Frizz. Masasaktan lang siya.
Pero teka nga? Bakit ba napaka-protective ko naman ata sa babaeng ‘yun? Tapos sumama-sama pa ako dito sa trip na ‘to para lang makita siya. Don’t tell me...ahahahahaha imposible ‘yun! Napakaimposible ng iniisip ko. Yucks! Ang bakla ko naman.
“Tama na ‘yan baka matunaw siya,” sabi ni Rocky na may smirk pa sa mukha niya. Kanina ko pa kasi tinititigan si Frizz. Pero pakialam ba niya, eh gusto ko eh.
“Pre, pwede ba. Kilala kita. Kung inaakala mo na hahayaan kitang ligawan si Frizz, nagkakamali ka,” galit na sabi ko sa kanya.
“Heh, so alam mo na pala ang intensyon ko,” sagot na lang niya na tumatawa-tawa pa.
“Kung si Frizz manhid sa intensyon mo, sa mata ko kitang-kita ko ang mga binabalak mo,” masungit pa rin na sagot ko sa kanya.
“Haha oo naman, kasi pareho lang naman tayo ng balak diba?” Sabi niya na nakakainsulto pa ang tawa.
Huh? Pareho ang intensyon ko sa kanya? Anong pinagsasabi nitong gagong ‘to? Pero bago pa ako makasagot sa kanya, nagsalita ulit siya.
“Kung si Frizz manhid sa feelings ng iba para sa kanya, ikaw naman manhid sa sarili mong pakiramdam,” dagdag niya na naka-smirk pa rin ang labi niya.
Ako? Manhid? Ginagago ata ako ng lalakeng ‘to eh. Ano kayang naisip nito para akalaing may pagtingin ako kay Frizz. Pero teka nga…wala nga ba? Haist! Bwisit! Ginugulo na ng lalakeng ito ang utak ko.
“Oh ano, nare-realize mo na ‘no, na tama ako?” Tanong niya sabay tingin sa akin ng matalim. Pero di ako makapagsalita. Naguguluhan na kasi ako. ‘Di ko kasi alam kung tama o mali ang pinagsasabi ng lalakeng ‘to. Haist! Pwede suntukan na lang?
“Heh, eto lang ang sasabihin ko sa ‘yo. Seryoso ako kay Frizz. Siguro nga ngayon nangunguna ka sa akin pero madali lang baguhin ‘yun. Trust me kaya kong kunin ang atensyon niya mula sa ‘yo papunta sa akin. ‘Di ako papayag na mapunta siya sa ‘yo. Akin lang siya. So let the stealing game begin!” He said with a huge grin on his face.
Eh gago pa la ‘tong lalakeng ‘to eh. Gamit ba si Frizz para angkinin niya ng ganun-ganun lang? Sige, stealing game pala huh. You’re on!
--------------------------------------------------------------------------------------
Author's note: So anong tingin niyo? COMMENT...LIKE...VOTE...OR CLICK FAN!
Photo of Kush on the side.
![](https://img.wattpad.com/cover/2426167-288-k352893.jpg)
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?