Chapter 25: Thank you, Sorry

617 7 0
                                    

A/N: Isang special long chapter kasi dito sa chappy na 'to aaayyyyy....ayii basta basahin niyo nalang. >/////////////< (hahaha ang lokang author kinikilig.)

Dedicated to: @ktrinamee 

Dedication request granted. ^_________^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Keeno’s POV

            Excited na ako. Malapit na talaga. I thought to myself habang inaalala ko ang plano namin ni Amber kung paano ko mapapasagot si Frizz. Paguwi na paguwi namin, doon ako magtatapat sa kanya kung saan kami unang nagkita. Doon sa garden ng simbahan malapit sa school namin.

            Anong bala namin? Ire-reenact lang naman naming kung paano kami unang nagkita. Pero siyempre may twist. Mehehe nakikita ko na ang magiging reaksyon niya. Nakakakilig to dre!

            “Ayii iniisip mo na naman kung paano mo sasabihin sa kanya no? Namumula ka na naman eh,” sabi ni Amber habang pinapalo ako sa balikat. Campout na kasi namin ngayon kaya nandito na siya. Inimbitahan ko siya kasi kailangan pa naming pagusapan ang plano namin. Siya nalang daw kasi ang bahala sa gastusin. Regalo nalang daw niya sa amin. Haha bait niya no?

            “Haha oo. It would be the cutest proposal ever,” sabi ko sa kanya na may malaking ngiti sa aking labi.

            “Haha oo na. Ikaw na ang sweet,” sagot niya sabay tawa. “Nasabi mo nab a sa camera club ang plano natin,” tanong ulit ni Janice.

            “Oo nasabi ko na. Si Kush nalang daw ang bahala diba Kush,” sabi ko sabay palo kay Kush na nasa tabi ko ngayon.

            “Ahh oo,” sabi ni Kush na mukhang nagulat sa ginawa ko. “Basta eto sasabihin namin. Meron kaming nature themed na photoshoot at doon ang napili naming venue. Tapos magpre-pretend kami na kukuha ng ibang gamit, ipapaiwan namin sa kanya si Janice at si Matt. Tapos habang di siya tumitingin papatakasin namin silang dalawa para magawa na ni Keeno ang binabalak niya,” dagdag pa ni Kush.

            “Binabalak talaga dre? Kung makapagsalita ka naman parang may gagawin akong masama kay Frizz,” birong sabi ko sa kanya.

            “Teka, alam ba ni Janice ang plano natin,” tanong ulit ni Amber.

            “Hindi. Doon nalang namin siya sasabihan kung nasa sight na tayo. Mahirap kasi. Best friend ni Frizz si Janice tsaka di niya kaya magsinungaling kay Frizz baka madulas siya,” sagot naman sa kanya ni Kush.

            “Haha kung sabagay. Basta this will work out. I know it will. Apir guys,” sabi ni Amber at sabay kaming umapir na tatlo at nagtawanan ng todo. Ayos to! I will finally have the girl I’ve always wanted.

Frizz’ POV

            “Izzie, okay ka lang ba talaga,” narinig kong sabi ni Janice at agad naman akong bumalik sa realidad. Kanina ko pa pala pinagmamasdan si Keeno at si Amber na nagtatawanan. Ano kaya ang pinaguusapan nila nina Kush? Kanina pa yan ah. At kanina pang paaligid-aligid si Keeno at may binubulong na kung ano sa mga camera club members. Except sa akin at kay Janice. Ano naman kaya yun? At kelan pa mas naging close si Keeno sa camera club boys kesa sa akin? Nakakainis lang.

            “I’m fine Janice,” sabi ko sa kanya smiling fakely.

            “Zee, gusto mo ba kausapin ko nalang si Amber? You look miserable na kasi. And you know what, I’m quite sure may magandang reason si Amber kung bakit buntot siya ng buntot kay Keeno. Di niya magagawa ‘yun sa’yo Zee. I know her,” sagot uli ni Janice.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon