Chapter 33: Forget Him

580 7 2
                                    

Chapter 33: Forget Him

Frizz’ POV

            “Uy Frizz!” Sigaw pareho ni Janice at Amber sa akin which awoken my senses.

            “Ano ba naman guys. Kailangan talagang sumigaw?” Inis na sabi ko at hinampas ko sila pareho sa balikat.

            “Aray!” Reklamo ni Janice.

            “Eh paano naman kasi Frizz, kanina pa kami tawa ng tawa dito ni Nichie pero ikaw, nakatunganga ka lang dyan,” inis na sabi din ni Amber.

            “Ah eh ganun ba? Sorry,” mahinahon na sabi ko at umupo nalang ako ng deretso at hinarap sila. Kanina kasi nakapatong lang ang mukha ko sa mesa namin eh. Nandito kasi kami ngayon sa Greenwich. Kakatapos lang kasing mag-shopping ng dalawang loka.

            Nagtinginan si Janice at Amber at maya-maya pa nakatingin na silang pareho sa akin.

            “Ba—bakit,” confused na tanong ko pero somehow I think I know where this conversation is about to head.

            “Frizz, isang lingo na…” Simula ni Amber pero di ko siya hinayaang tapusin ang sinasabi niya.

            “Oo nga, isang linggo na. Isang linggo nang wala kami kaya pwede ba ‘wag na natin balikan ‘yun,” sabi ko in pure frustration. Halos araw-araw nalang kasi naisisingit nila ang topic na ‘yun. Nakakasawa na!

            “Hindi…hindi ‘yun eh. Magi-isang linggo ka ng wala sa sarili mo. You’re freaking us out. Nagwo-worry na kami sa ‘yo. Ano ba ang kailangang gawin namin para makalimutan mo siya,” seryosong tanong sa akin ni Janice.

            Nakakainis! Nakakainis silang dalawa! My two best friends looking at me with concerned faces, naiiyak tuloy ako.

            “I don’t know! All I know right now is that I feel lost and I don’t know how to find myself again,” I said as tears started to trickle down my face.

            Agad silang tumayo sa kinatatayuan nila at niyakap ako.

            “Oh Frizz…what will we do with you,” sabi ni Amber, halata sa boses niya na naiiyak na din siya.

            Maya-maya pa ay naramdaman kong nawala ang mga kamay na nakayakap sa akin. Then I felt a hand grasping my hand.

            “Kuya,” sabi ni Amber at pagtingin ko, hawak na ni kuya Bryan ang mga kamay ko and he was looking at me with harshness in his eyes.

            Bakit? Bakit ganun? Bakit nakakatakot ang mga titig ni kuya Bryan ngayon? Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan ah.

            “Get up,” sabi niya sa akin, his voice strict.

            Ba—bakit kuya,” tanong ko pero di niya ako sinagot. Instead, hinila niya nalang ako bigla, forcing my legs to walk hastily just to follow him.

            “Kuya what are you…” Reklamo ni Amber pero bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi eh sumabat na si kuya Bryan. “I’ll take care of this.”

            Take care of what? I thought to myself. What’s happening to kuya Bryan? Why is he being too harsh on me?

           Agad kaming pumunta sa parking lot and kuya Bryan forcedly shove me in his car. Maya-maya pa, mabilis niya nang pinatakbo ang sasakyan niya. We were travelling at around 200 miles per hour which is a reckless thing to do since we live in a crowded little city.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon