Epilogue

1K 17 9
                                    

Five years later…

            “Open up sweetie,” sabi ng babae sa boyfriend niya.

            “Ahhh!” Sabi ng lalake habang binuka ang bunganga niya.

            “Hehe masarap ba?” Tanong ng babae na tuwang-tuwa pa sa reaksyon ng boyfriend niya.

            “Hehe oo ang sarap honey. Kasing sarap at kasing sweet mo,” sabi ng boyfriend niya habang pinipisil pa sa cheeks ang mahal niya.

            “Ayii kilig naman ako!” Sabi naman ng girlfriend niya at hinagkan niya ang boyfriend niya.

            They’re perfect…that scene is almost perfect…kaya lang…

            “Hoy ano ba? Maglalandian lang naman pala kayo sinama-sama niyo pa ako? Batukan ko kayong dalawa diyan eh,” sabi ko kay Janice at Rocky, kanina pa kasi naglalandian ang dalawa.

            “Sus! Ikaw Frizz huh nagpapaka-bitter ka na naman diyan. Palagi ka nalang kontra,” irap ni Janice sa akin. 

            “Eh paano naman po kasi kailangan ba talagang parati kayong sa public place maglalandian? Kaloka!” Sabi ko sa kanila sabay inom ng pink lemonade ko.

            “Alam mo Frizz, bakit ba kasi di ka na maghanap ulit ng bagong boyfriend para naman hindi ka na palaging loner dyan. Someone like pareng Keeno na sobrang loyal at dedicated sa’yo, ” sabi naman ni Rocky.

            “Ayoko na muna. Di ko naman kailangan ‘yan para maging masaya eh. Right now I’m happy and contented. Kung dumating man ang time na makakahanap ako ng iba then so be it, kung wala then I have no regrets kasi na-experience ko na naman ang tinatawag nilang true love. So what more could I ask for?” Paliwanag ko sa kanila and they just stared at each other and shrugged their shoulders. Kung naniniwala sila sa akin or hindi, ewan ko.

            Love…I always thought that it only goes on one shade of color which is red. But from falling in love I realized it was of different color. Pink kung nakaka-experience ka ng kilig, yellow kung masaya ka sa relation niyo, green kung may pinagseselosan ka, blue kung nalulungkot ka, black kung nag-away kayo at nag-break at madami pang iba.

            I knew it all, I experienced it all, I’ve seen all the colors of the rainbow when I was in the relationship with Keeno.

            So kahit hindi man kami nagkatuluyan sa bandang huli, I’m still happy and contented kasi at least ngayon alam ko na kung ano ang feeling na main-love. I guess that was our purpose with one another. Para ipadama sa amin ang mga bagay na hindi pa namin naranasan dati.

            And now that I experienced it, all I can say is…love is really beautiful.

            Five years ng nakakalipas since pinaghiwalay kami ng tadhana ni Keeno, limang taon na din kaming walang communication sa isa’t isa. Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa siya, oo naman. ‘Di naman basta basta mawawala yun diba? Halos araw-araw naaalala ko pa ‘rin ang mga ngiti niya, ang boses niya, ang mukha niya. Kaya nga sa mga makakabasa nito na nasa Australia ngayon, kung may makasalubong kayong maputing singkit na mukhang tsonggo, pakisabi naman sa kanya na merong babae sa Pilipinas na Frizz ang pangalan na miss na miss na siya.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon