Chapter 26: Meeting Mom

664 11 0
                                    

A/N: Eto na!! Dito na magsisimula ang tambalang Freeno!! Sulit-sulitin niyo na ang pagbasa nito at malapit na itong matapos. hahaha

Dedicated sa maganda kong sisteret: missfacile 

SIS WHERE NA YOU???? MISS YOU NA!!!! HUHUHUHU T__________T

READERS!!!! COMMENT NAMAN KAYO KUNG MAY TIME. SAYANG KASI ANG KEYBOARD KUNG DI NIYO GINAGAMIT!! SIGE NA!! -FROM NAGMAMAKAAWANG AUTHOR HAHAHA

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Frizz’ POV

            “So you’re saying na palagi kayong nagu-usap ni Amber dahil actually plinaplano niyo kung paano ka magtatapat sa akin,” gulat na tanong ko ulit kay Keeno. Pangatlong beses ko na siya natatanong about dito pero di talaga ako maka-getover sa sinabi niya eh. Hanggang ngayon I’m still hangover to his confession.

            “Oo nga. Ang kulit naman ng cute kong girlfriend,” sabi niya habang pinisil ang ilong ko at agad kong naramdaman na uminit ang mukha ko. Girlfriend. Yan ang isang katagang di ko talagang inaasahang matawag sa akin pero ngayon ay nangyayari na. Ang saya ko.

            “Sus ang aga-aga nagsisimula na naman kayo. Oo na, kayo na ang cutest couple ng school natin okay. Now tulungan niyo na kaming mag-akyat ng gamit sa boat,” reklamo ni sir George at agad namang nagtawanan ang mga kaklase namin kaya tumulong nalang din kami ni Keeno. Baka kasi mapektusan pa kami ng prof namin kung hindi eh.

            Kanina kasi tapos na ang Leadership Camp namin dito sa Boracay kaya ngayon pabalik na kami sa mainland para makauwi na kami and enjoy our last remaining days of semestral break. Two weeks nalang pala at may pasok na ulit.

            “Frizz, Keeno, Janice!” May narinig kaming tumawag sa name namin kaya agad naman kaming napalingon sa direksyon ng boses.

            “Oh, Amber!” Sigaw din ni Janice at kumaway-kaway pa.

            “See you back home mga loka! Keeno alagaan mo yang best friend ko huh? Kung hindi sisipain kita kung saan pinakamasakit,” sabi ni Amber at kumaway-kaway din siya pabalik. Nakasakay na kasi silang dalawa sa boat pabalik sa mainland ng kuya niya.

            “Ako pa,” mayabang na sabi ni Keeno at nag-smirk lang siya. Sus ang lalake talagang ‘to kung makaasta ang siga ever.

            “Bye Amber! Bye kuya Bryan!” Sigaw ko din while waving goodbye.

            “Bye bishie!” Pa-cute na sigaw ni Amber.

            “Bye princess!” Sigaw din ni kuya Bryan smiling his most genuine smile. I can feel that he sincerely feels so happy for me right now.

            At tuluyan ng nakalayo ang boat nila.

            “Bakit princess ang tawag sa’yo ng kuya ni Amber,” tanong sa akin ni Keeno.

            “Kasi siya ang prince ko,” simpleng sagot ko kay Keeno at napa-agikik naman si Janice sa itsura ni Keeno dahil sa sinabi ko. Wala na kasi siyang mata tsaka kumukunot pa ang noo niya at nagpa-pout ang lips na parang pato hahaha.

            “Hahaha sorry Keeno pero yun talaga ang totoo kasi nung mga bata kami mahilig kaming maglaro ng principe at princesa. Siya ang prince ko at ako ang princess niya kaya ganun,” pag-explain ko pero di parin maipinta ang mukha ni Keeno at di na napigilang tumawa ni Janice.

Allergic to Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon