01•

4.3K 127 3
                                    

LAURENT KENT POV:

Matipuno, gwapo, mapanga, moreno, at nakangising lalake ang nasa harapan ko ngayon. Marahil sayang saya sya na nakikita nya akong talunan sa mga oras na to.

Pero hindi ako papayag na mag tagumpay ang lalakeng ito. Hindi ko hahayaan na sirain nya kami ni daddy kagaya ng ginawa ng mama nya sa relasyon naming pamilya.

Nag hiwalay si mommy at daddy dahil sa mommy ng lalakeng ito. Kabit ng daddy ko ang mommy nya, matagal na at nung oras na nalaman yun namin nagawa pa namin syang patawarin dahil nangako sya saamin na wala ng namamagitan pa sakanila pero isang araw datatnan ko ang bastardo nyang anak sa bahay at doon na titira kaya simula nung itira nya sa bahay ang anak nya hiniwalayan na ni mommy si daddy, dahil sobra sobra syang nasaktan.

Sa ngayon sa mommy ko ako nakatira, sakanya ako sumama kahit daddy's girl ako. Si daddy ang may mali kaya dapat lang na kay mommy ako sumama kahit gaano ko pa kamahal si daddy.

Ngayon naiisip ko na bumalik sa mansion para pag bayarin ang mag inang ito na sumira sa masaya naming pamilya noon.

Ang lalakeng nasa harapan ko ngayon ay step brother ko. Mas matanda sya saakin. Nabuntis ng daddy ko ang mommy ng lalakeng ito nung mag boyfriend girlfriend pa lang sila ni mommy.

Walang hiya ang mag inang ito dahil nung oras na nawala kami ni mommy sa bahay yun din yung araw na lumipat ang kabit ni daddy sa mansion. Tatlong taon na ang nakakalipas.

Ang sama sama ng loob ko kay daddy dahil nagawa nya akong ipagpalit sa bastardo nyang anak.
Lalo ngayon na itong lalakeng ito ang magiging president ng company, na pinaghirapan nilang dalawa ni mommy.

Yun ang hindi ko matanggap na ginawa ni daddy. si mommy ang isa sa nag hirap para matayo at maging successful ang company namin tapos bastardo nyang anak ang hahawak. Hindi nila nirespeto si mommy.

"Hon." Nalipat ang paningin ko sa girlfriend nya na kakalabas lang ng opisina nya. Tumingin din saakin ang babae, na nag ngangalang veronica. 2 years ahead sya saakin. Matagal na kaming magkakilala dahil sa business ng mga pamilya namin.

Isa ang pamilya ni veronica sa share holder ng lacson corp, kaya siguro si adam ang ginawa nyang president dahil kay veronica. Baka iniisip nila na mas lalong uunlad ang lacson corp dahil sa girlfriend nito na galing sa isa sa pinaka mayamang angkan sa pilipinas.

I doubt it.

Ang alam ko bobo tong si adam, yung small business nga nya noong hindi pa sila tumitira sa bahay bumagsak dahil wala syang alam sa pag handle ng business e, ito pa kayang malaking company na mas maraming pressure.

Ako ang gustong mamuno ng mga share holders pero dahil mas gusto ni daddy si adam at girlfriend ito ni veronica na nangakong tutulungan si adam ay walang nagawa ang mga board of director.

Tatlong linggo pa lang simula nung umupo sya as president kaya wala pa akong naririnig na issue.
Siguro dahil magaling lang talaga si veronica magturo sa ngayon.

I cant wait for thier downfall, yun lang ang hinihintay ko para mapatunayan ko kay dad na mali ang taong pinili nya na mamahala ng company. Kaya ko naman talaga pabagsakin ang company sa pamamahala ni adam, dahil ang dalawang share holder ng company na may malaking percent ay mga kaibigan ko. They're just waiting for my go signal para mag withdraw ng investment nila.

Ayaw ko naman sana na bumagsak ang company pero kung yun ang paraan ko para mabawi ito sa kamay ni adam, then mapipilitan akong gawin yun, Besides kaya kong iangat ang company na to sa maikling panahon. Nagawa ko na ito dati at magagawa ko ulit ito.

I have this all resourcess, mga friends ko na nag back up saakin noon, naandyan sila para back up-an ulit ako.

Hindi ko na sila pinansin at nag lakad na lang. Pagkalampas ko sakanila, muli akong natigil dahil sa salitang lumabas sa bibig ni adam. 3 years older sya saakin pero kahit kailan hindi ko sya nirespeto.

"What are you doing here?" Medyo mayabang na tanong nito.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko, bago ako humarap sakanila. Ngumisi ako.

"Tinitignan ko lang kung maayos pa ba itong company na pinaghirapan ni mommy." Inikot ko ang mata ko sa kabooan ng 15 floor para mas lalo syang asarin
"Iniisip ko kasi na baka bigla na lang itong mawala sa pamamalakad ng isang bastardong kagaya mo."
Ngumiti ako ng nakakaasar bago ko ulit binalik ang tingin ko sakanya. Nakita ko na nakatiim bagang ito. Kulang na lang sugurin nya ako dahil sa galit na naka rehestro sa mukha nya. Pansin ko na nakahawak ng mahigpit si veronica sa mga braso ni adam.
"But so far okey pa naman, ilang linggo pa lang kasi." Dugtong ko. Nakita ko na ngumiti ito ng nakakaasar

"Oh come on, lauren. Alam ko na nasasabi mo lang yan dahil sa matinding inggit. Akalain mo yun? Isang bastardong anak ang pinagkatiwalaan kesa sa totoong anak?"
inayos nya ang botones ng suit nya
"Nakakainggit nga naman diba?"
Kumamot ito sa kilay.
"But anyway, asahan mo na aalagaan ko ang company na to, dahil balang araw ako ang magmamana neto." Sabi nya at pinasadahan ang silid ng tingin.

Napakuyom ako pero agad rin akong ngumiti. Tumingin ako sa girlfriend nya.

"Oh, adam. Magaling na abogado ang fiance mo, bat dimo sya tanungin? Alam naman nating dalawa na mas may karapatan ako kesa sayo, maaaring meron ka ngang makukuha pero maliit lang na porsyento." Ngumisi ako sakanya bago ako lumapit ng husto.
"Sa ngayon magpasalamat ka sa fiance mo dahil tinutulungan ka nya, kaya ingatan mo sya, dahil baka magbago ang ikot ng panahon." Tumingin ako kay veronica bago ako umalis.

I think alam ko na ang next move ko.

Napangisi ako sa naiisip kong gawin para makabawi kay adam. Kung ito ang magiging dahilan ng inis nya, ill take it.

"Nagkasagupa na naman ba kayo ng kapatid mo kaya ganyan na naman ang reaction mo?" Tanong saakin ni cassandra. Pabagsak kong tinapon sa sofa ang bag ko.
"Alam ko na ang sagot." Umiiling na sabi nito.
"Sabi ko naman kasi sayo." Nagpupuyos ako sa galit.
"Were just waiting for your go signal." Sabi nya.
"Tignan mo oh?" Tinuro nya ang mga gamit nya.
"I am starting to put my things away because I feel that I need to leave your company.
If you don't want to make a decision, zies and I will make the decision for you. So later in the board meeting we will pull out the investment together. We are tired of seeing that man's face here in the company." Sabi nito.

I'm lucky to have friends like them who will support me in everything I want.

They really made the decision for me.

"Sure na ba talaga kayo dyan? What if may pumalit na sainyo? Kilala nyo si veronica, baka sya ang kumuha ng pwestong iiwanan nyo. Wala na kayong babalikan pag nagkataon."
This is the reason kung bakit hindi ako makapag desisyon tungkol sa pagsabi sakanila na mag pull out na sila.

"Sure na kami, kung hindi lang naman ikaw ang mamumuno sa pera na iniinvest namin, edi wag na lang. And besides andami daming company na pwedeng paglagyan ng pera namin."
Sabi nya na ikinangiti ko.
Tumayo ako para yakapin sya.

"Thank you saainyong dalawa ni zies" naiiyak na sabi ko sakanya.

"For you, kent."

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon