"Talaga sinabi nya yun?" Tanong saakin ni zies. Tumango ako.
"Siguraduhin mo lang talaga na mapapanindigan mo ang sinasabi mo, lauren."
Dugtong pa nya.
Nag sip ako sa lemonade juice ko. Nakatulalang nakatingin lang ako sa labas ng coffee shop. Andami dami pang taong naglalakad sa dalampasigan kahit
1 am na ng madaling.
Meron ring naliligo pa sa dagat.
"Of course. Tyaka mahirap na maniwala sa mga sinasabi nya. Hanggat hindi nya iniiwan si adam, hindi ako makakasiguro sa mga sinabi nya saakin." Sabi ko sakanya bago ako nag hiwa ng cake.
Red velvet cake.
"Paano kung totoo pala talaga ang sinasabi nya?"
Si cassandra.
"What is happening?" Sabi ni cassandra habang nakatingin sa labas ng coffee shop.
Tumingin ako sa labas ng coffee shop dahil may mga taong bigla na lang nagkagulo.
Parang may dalawang lalakeng nagsusuntukan.
Hindi rin namin masyadong makita dahil napapalibotan ito ng mga tao na nakikiusyoso din sa kaganapan.
Mabilis na tumayo si zies at cassandra saka lumabas ng coffee shop. Napakachismosa talaga. Napailing na lang ako bago pinag patuloy ang pagkain ko.
Naagaw ang attention ko ng tumunog ito.
'Its adam' napakunot ang noo ko sa nabasa kong text ni cassandra. Muli itong nag text.
'There is a lot of blood on his face.
Veronica is here'
Agad akong napatayo pagkabasa ko sa pangalan ni veronica.
"Maam bayad nyo po." Sabi saakin ng staff ng coffee shop.
"I'll be back." Mabilis akong tumakbo palabas.
Pag dating ko sa grupo ng mga tao lumusot ako para makapunta sa unahan.
Nakita ko si adam na may dugo na rin sa mukha habang patuloy na nakikipag suntukan sa kalaban nya na may tama na rin sa may bandang noo.
Agad kaming nagsiatrasan ng mapunta sila sa pwesto namin at halos dumilim ang paningin ko ng matamaan ako ng isang malakas na suntok galing sa kalaban ni adam. Umiwas kasi si adam kaya saakin napunta ang suntok na para sana sakanya.
Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang hilo.
"Lauren." Tinignan ko ang taong tumawag saakin.
Its zies and cassandra.
"Fuck." Mura ni zies.
"May tama ka sa may kilay" hinawakan ko ang kilay ko at nakapa ko na medyo basa nga ito. Pag tingin ko sa kamay ko tama nga sila dahil may dugo ang kamay ko.
Kasalanan nila ito e. Kung hindi sana sila chismosa idi sana wala ako dito.
Inangat ko ang tingin ko para tignan ang paligid. Wala ng ingay at tumigil na rin ang away. Ang ibang tao nagsialisan na rin.
Hinanap ng mata ko si veronica dahil ang sabi ni cassandra nandito sya. Nakita ko ito na nakaluhod sa harapan ni adam at pinupunasan ng panyo ang dugo sa mukha ni adam.
Parang may kumirot sa dibdib ko dahil sa nakita ko.
"Wag ka na kasing tumingin." Sabi ni cassandra at pinaharap ako sakanila.
"What happened here? And what is the reason for the trouble between the two of you?"
Malakas na tanong ng isang pulis.
"That guy touched my fiance, who wouldn't be angry?" Galit na sabi ni adam habang nakatingin sa lalakeng hawak ng isang babae.
