"Hey sleepy head.""Ahhmm." Napaungol ako bago ko minulat ang mga mata ko. Nabungaran ko si veronica na anlake ng ngiti saakin.
"Breakfast is ready." Sabi nya.
Kinusot ko ang mata koNang maalimpungatan ako, hinila ko si veronica kaya napahiga ito sa ibabaw ko.
"Kakain na." Sabi nya saakin habang pilit na bumabangon. Pero instead na pakawalan ko sya mas lalo ko lang syang kinulong sa mga bisig ko.
"Si adam?" Tanong ko sakanya.
"Golf. Kasama nya si tito. Pero im sure pauwi na rin yun."
"Wait me here."
Mabilis akong bumangon at pumasok sa banyo.
Nag toothbrush ako at nag sabon ng mukha.Pagkapunas ko ng mukha ko agad akong lumabas ng banyo. Nadatnan ko si veronica na nakahiga sa kama ko.
Lumapit ako sakanya at walang sabi sabing hinila sya sa paa papunta sa egde ng kama.
"Lauren." Gulat na sabi nya.
Pinalo nya ako sa balikat kaya natawa ako.
"Lets go to the kitchen, baka maabutan nila ako dito." Sabi nya at akmang tatayo na sana pero muli ko syang hinawakan."Mabilis lang." Sabi ko sakanya kaya muli nya akong pinalo sa braso.
"Next time na lang." Sabi nya
"Baka dumating na sila." Hinaplos nya ako sa pisngi bago ulit sya tumayo pero muli ko syang hinawakan sa kamay pero this time sinigurado kong magtatagumpay na ako sa balak ko.Hinawakan ko sya sa cotton shorts nya saka ko ito mabilis na tinanggal.
Tumayo ako at pinagmasdan sya.
Napangiti ako dahil nakatakip sya sa mukha. Halatang nahihiya sya."I promise mabilis lang." nangingiting tinanggal ko ang kamay nya na nakatakip sa mukha nya. Pulang pula ang buong mukha nya. Hinaplos nya ako sa mukha bago nya ako hinalikan sa labi. Pagkalipas ng ilang sigundo lumayo na ako sakanya para isagawa ang plano ko.
•
"Maliligo lang ako." Sabi ko sakanya. Pagkatapos nya masuot ang shorts nya na nagkalat sa sahig ay nilingon nya ako.
"Baba ka pagkatapos mo." Lumapit sya saakin at hinalikan ako ng peck sa labi.
Tumango ako sakanya kaya nag lakad na sya palabas ng kwarto.Pagkasara nya ng pinto pumasok na ako sa banyo. Hinubad ko ang suot ko bago ako umakyat sa bathtub. Napapikit ako dahil sa lamig ng tubig na tumatama sa hubad kong katawan.
Pagkalipas ng halos 20 minutes ay naisipan ko ng tapusin ang pag ligo ko.
Nag suot lang ako ng maluwag na tshirt at shorts.Wala akong balak umalis ngayon dahil balak ko munang magpahinga. Kagabe lang kami nakabalik galing batanggas kaya naman naisipan ko munang magpahinga ngayon.
Pagbaba ko sa hagdan sakto namang pumasok sila dad at adam na mukhang kakabalik pa lang galing sa pag gogolf.
"Yeah dad, balak nga sana namin pumunta ngayon sa mall para magpasukat ng susuotin namin for engagement pero ayaw pa ni veronica."
Umiiling na sabi ni adam.Hindi pa nila ako napapansin ni daddy.
"Ilang araw na lang adam, dapat ngayon pa lang makapag pasukat na kayo kaya pilitin mo na si veronica."
"Baka bukas dad."
Bago pa nila ako mapansin, nag lakad na ako papunta sa kusina. Si veronica lang ang nadatnan ko sa kusina. Ngumiti sya at lumapit saakin. Agad ko syang pinigilan ng akma nya akong hahalikan.
"They're her-"
"Hon."
Agad na lumayo saakin si veronica dahil papasok na si adam sa kusina.
Umupo na ako sa upuan.
"Hi, hon."
Napaiwas ako ng tingin dahil hinalikan ni adam si veronica sa labi. Umiwas rin naman si veronica pero huli na ang lahat.
Kabadong pinasadahan ako ni veronica ng tingin ng umupo na sya sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin sa mga kamay ko na nakakuyom sa ilalim ng mesa.
"Morning."
Rinig kong bati ni daddy saamin.Nang makaupo na ang lahat sumandok na ako ng pagkain.
Walang imik na kumakain lang ako, habang sila nag uusap usap tungkol sa nalalapit na engagement party.
Nararamdaman ko na tumitingin tingin saakin si veronica pero hindi ko sya magawang tignan.Umiwas rin naman sya pero hindi ko pa rin mapigilang huwag makaramdam ng selos.
Adam just fucking kiss her infront of me.
"Kailan kayo magpapasukat veronica? Time is running. hindi pwedeng sa araw bago ang engagement party kayo magpapasukat."
Rinig kong tanong ni daddy kay veronica.Sya na talaga ang gumagawa ng paraan para sa dalawa.
Muling tumingin saakin si veronica bago sya tumingin kay daddy. Nagdadalawang isip pa ito kung sasagot ba sya o hindi pero sa huli sumagot pa rin sya.
Sa totoo lang ayaw ko ng matuloy pa ang engagement nila dahil oras na mangyari yun mas madadagdagan ang presure nya. For sure rin na mas aasa ang mga tao sa kasal nila.
Sana mapag isipan na ni veronica ito sa lalong madaling panahon. Sana wag na syang pumayag na matuloy pa ang engagement.
"I think, b-bukas tito."
"Im done. excuse me."
Walang imik na tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
Naramdaman ko na sinundan pa nila ako ng tingin bago ako makalabas ng kusina.Umayat ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.
Habang palapit nang palapit ang engagement nila mas lalong lumiliit lang ang mundo namin ni veronica.
Natatakot ako na oras na matuloy ang engagement at kasal nila ay tuluyan na syang mawala saakin.
Pinunas ko ang butil ng luha na tumulo sa gilid ng mata ko. Sakto naman na bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Kahit hindi ko tignan alam kong si veronica ito dahil sa kulay ng damit nya na nahahagip ng peripheral vision ko.
Naramdaman ko na lumundo ang kama.
"Are you okey?" Tanong nya saakin. Hindi ako umimik at seryoso lang na nakatingin sa ceiling.
"Im sorry about earlier." Lumapit ito saakin at humiga sa tabi ko bago ako niyakap. Hinawakan ko ang braso nya na nakayakap saakin."Veronica, ayaw kong matuloy ang engagement nyo ni adam." Sabi ko sakanya. Hindi sya umimik pero kalaunan nag salita rin sya.
"Ayaw ko rin but everything is already settled, lauren." Sabi nya saakin.
"Ayaw ko man ituloy, kaso alam na ng mga malalaking tao, lauren. Invited sila at ayaw kong mapahiya ang pamilya ko." Sabi nya saakin.
"Im sorry." Binitawan ko ang braso nya."Paano naman ako veronica?" Tanong ko sakanya.
"Hindi ko kakayanin, veronica." Sabi ko sakanya.
"Oras na matuloy ang engagement nyo ni adam, mas liliit ang mundo nating dalawa. Mas mababawasan ang oras natin sa isat isa, dahil mas magiging busy kayo para sa darating na kasal nyo." Pinunas ko ang luha ko.
"Sabihin mo na sakanya, veronica. Break up with him habang mas maaga pa."pakiusap ko sakanya.
"Pag natuloy ang kasal nyo ni adam, mawawalan ng saysay ang lahat ng saatin, veronica." Sabi ko sakanya."Give me more time, lauren."
Sabi nya saakin.Mabilis syang tumayo dahil may kumatok.
"Maam, lauren. Tawag kayo ng daddy nyo sa garden." Napahinga ako dahil si ate tonet ang kumatok.
"Mauna ka na." Sabi nya saakin.
Tumango ako sakanya.
"Pag isipan mo veronica." Sabi ko sakanya. Ngumiti sya saakin bago tumango.
Nag lakad na ako palabas ng kwarto para puntahan si daddy.
•••